CHAPTER SIX
LUNES. Balik si Ambet sa regular na pagpasok sa opisina. Siniguro ni Candice na makakasabay niya itong mag-almusal bago ito umalis patungong Maynila.
Wala pang alas-singko ay bumangon na siya at agad naligo. Pagbaba ni Candice ay nasa breakfast table na ito. Nais niyang ma-depress nang maisip na maghapong hindi niya ito makikita.
“Good morning,” bati ni Ambet sa kanya.
Hindi nito ikinubli ang mild surprise pagkakita sa kanya. First time nilang magsabay sa almusal mula nang mapag-isa sila sa mansiyon. Usually kasi ay late siya kung bumangon.
“Aga yata natin, ah.”
Agad na lumapit sa kanya si Yaya Meding pagkakita sa kanya. Ito ang nag-alaga kay Ambet mula pagkabata. Sinundo ito ng binata isang araw matapos basahin ang huling habilin ng lolo niya. Ipinaghain siya nito.
“Maaga akong nakatulog kagabi, eh,” sagot ni Candice.
Humigop si Ambet ng kape, hindi napupuknat ang tingin sa kanya. Nako-conscious na nagbaling siya ng tingin, pasimple, upang hindi ito makahalatang kakaiba ang dating sa kanya ng titig nito. Ngunit hindi nakaligtas kay Candice ang lihim nitong pagngiti bago ibinaba ang puswelo ng kape.
Nakabuwelo si Candice nang pagtuunan nito ng pansin ang pagkain. It was her turn para pagmasdan ito. Pinigil niya ang pagbuntong-hininga. Napakaguwapo ni Ambet sa suot na amerikana. He looked even more dignified. Oh, damn, naisaloob niya, did he have to be this gorgeous?
Eksaktong kumawala ang buntong-hiningang kanina pa niya pinipigil nang mag-angat si Ambet ng tingin at maghinang ang kanilang mga mata. Awtomatiko ang reaksiyon niya. Tumungo si Candice upang itago rito ang nararamdamang pag-iinit ng mga pisngi.
“You won’t be seeing me for the whole week, Candice,” basag nito sa katahimikan. “Saturday na ang balik ko.”
Grr, at dinagdagan pa ang depresyon ko, naiinis na naisaloob niya.
“Nakaalis na ba si Lisa? I’ve heard sa Windhoek naman ang base niya ngayon.”
Napailing ito. “Last month, sa Johannesburg. Hindi ba siya napapagod sa kalilipat-lipat ng destino?”
“She likes to travel and meet different people,” paliwanag niya. “Next week pa ang alis niya. Gusto pa yatang makipag-eyeball sa ka-chat niyang taga-Davao.” Napailing si Candice, ibig matawa sa pinsan. “Dini-discourage ko nga, eh. Sabi ko, tiyak na amoy-durian 'yon. Pero curious talaga siyang ma-meet. Nag-send daw ng picture—at kamukha ni Matt Damon.”
Interesadong nakinig sa kanya si Ambet, with that mesmerizing, angelic smile permanently plastered on his face.
Pinaikot ni Candice ang eyeballs. Iyon ang paborito niyang facial expression. “Cute ba si Matt Damon? Hindi ko siya type.”
Lumuwang ang ngiti ni Ambet. “Sino’ng type mo?”
“Gee, Keanu Reeves!” biglang naging enthusiastic na sagot niya. “Among a lot others, crush na crush ko rin si Ronan Keating.”
“Ronan Keating?” He was obviously clueless.
“Alam mo ba 'yong Irish band na Boyzone?”
“I guess so. Sila ba 'yong mahilig mag-revive?”
Tumango siya. “They have several revivals, yeah. They sang Cat Steven’s ‘Father and Son’ and ‘Words’ by the Bee Gees.”
“Alam ko na.”
“Yeah. Ronan Keating is the blond guy on the lead vocal. I think he is the most gorgeous guy in the world.” Or did she mean, “she used to think”?
YOU ARE READING
Dearly Beloved by Camilla
General FictionDEARLY BELOVED by Camilla Published by Precious Pages Corporation "Hindi ko alam ang chances ng pag-ibig ko sa 'yo. But damn, ayokong habambuhay na sisihin ang sarili ko for letting you go without having even tried." ©️Camilla and Precious Pages Cor...