CHAPTER FOUR
NAGTATAKA na si Candice. Tatlong araw na pagkatapos i-cremate ang mga labi ng lolo niya ay nasa villa pa rin si Ambet. Kinausap niya ang kanyang daddy tungkol doon.
Natawa ito. “Didn’t you know?”
Nagkunot-noo siya. “Am I supposed to know anything happening here? I live in another continent, Daddy,” paalala niya.
“Ay, siyanga naman pala,” biro nito. “Well, it’s time for you to know. Dito nakatira si Ambet.”
Nagulat si Candice. “W-what do you mean, dito siya nakatira?”
Nanunuring tiningnan siya nito bago nagkibit-balikat. “You really had no idea. I’m surprised Lisa didn’t tell you.”
“Kailan pa, Dad?”
“Mula nang maging bedridden ang lolo mo, palagi na siyang naririto. But it was only last month when Papa asked Ambet to come and stay here. Ambet was like his best friend despite the age difference. Minsan ay parang mas kadugo pa niya si Ambet kaysa kay Donnie.”
“But why?”
Sinuri siya nitong muli nang matagal. Pagkalipas nang ilang sandali ay saka ito nagsalita sa mababang tono.
“Candice, nakasangla ang villa kay Ambet.”
Nagulantang siya sa narinig. “Nakasangla? Pero, Dad, papa’nong mangyayari 'yon, eh, maunlad naman ang mga negosyo ni Lolo?”
“They had their heydays, but you know. Pagkaalis mo, about three years later, nagkalugi-lugi sa negosyo ang Papa.”
“Pero ang sabi ni Ambet, business partners sila ni Lolo, at—”
“Para tulungang isalba ang mga negosyong ipinundar ng papa, pinautang siya ng daddy ni Ambet. Nagsosyo sila. Can’t you must understand I’m a doctor—kami ng Tita Elsie mo. We’re not business people. Hindi kami inclined sa pagnenegosyo,” humihingi ng pang-unawang saad nito.
“Please don’t think we’re both such idiots. Iba lang talaga ang calling namin. Napabayaan din ang farm dahil wala naman akong alam sa farming. If not for the Yusons, your grandfather would have died a poor man or at least much poorer than he used to be.”
Litong-lito si Candice. Ilang beses siyang napalunok. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Ambet nang magkausap sila sa gilid ng swimming pool. Ikinuwento niya sa ama ang tungkol doon.
“He said that Lolo might have allotted this house to me,” nagtatakang sabi niya. “How could he say that kung ganoong sa kanya na pala ang villa na 'to?”
Napakibit-balikat din si Dr. Davila. “Malay natin sa utak ng lolo mo? Baka may nabuo siyang plano bago siya namayapa. Baka nakompleto niya ang bayad, though I doubt it. Who knows?”
Napanguso si Candice. “At ano naman kaya’ng plano iyon?”
Ngumiti ang kanyang papa at tinapik siya sa balikat. “Hija, hindi naman ang mana ang importante, 'di ba? Pinalaki ka namin ng mommy mo na hindi materyosa.”
“Dad, hindi naman 'yon ang iniisip ko, eh,” protesta niya. Oo nga’t medyo disappointed siya sa kaalamang hindi pala siya magmamana ng isang vast fortune, hindi naman iyon ang major concern niya. She was baffled and confused.
Maraming tanong ang naglalaro sa isip ni Candice nang mga sandaling iyon. Kung nakasangla kay Ambet ang villa at napabayaan ang farm, pati ang mga negosyo ay nagsipagbagsakan, ano na lang ang mamanahin ng magkapatid na Elsie at Benedicto?
Para namang nabasa ang iniisip niya, nagsalita si Dr. Davila. “Si Ambet ang nagma-manage ng negosyong iniwan ni Papa. Regular kaming tumatanggap ng Tita Elsie mo ng share namin sa profits n’on. Donnie’s managing the farm. Comfortable din naman ang lifestyle namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/367176316-288-k213263.jpg)
YOU ARE READING
Dearly Beloved by Camilla
General FictionDEARLY BELOVED by Camilla Published by Precious Pages Corporation "Hindi ko alam ang chances ng pag-ibig ko sa 'yo. But damn, ayokong habambuhay na sisihin ang sarili ko for letting you go without having even tried." ©️Camilla and Precious Pages Cor...