CHAPTER THREE
KINABUKASAN, pasado alas-diyes na nagising si Candice. Ilang beses na tumunog ang intercom sa kanyang kuwarto ngunit sa ikaapat na pagkakataon, tinugon na niya iyon.
“Hija, you’re awake...finally,” bungad ni Dr. Davila. “Gusto mo bang padalhan kita diyan ng almusal?”
“No, Dad. I’ll just take a shower at bababa na ako.”
Pagkatapos makipag-usap sa ama ay dumeretso siya sa banyo at naligo. Mamasa-masa pa ang buhok niya nang bumaba dahil hindi niya iyon pinatuyo. Ayaw niyang bino-blow-dry ang buhok kung wala rin lang siyang public appearance o formal meeting.
Simpleng sundress na lilac ang suot ni Candice na tinernuhan ng sandals na puti. Her face was makeup-free; at fruity-scented spray cologne lang ang ginamit niya. Surely, there was no one she expected to impress with her looks kaya hindi siya masyadong nagpaganda.
Pumasok sa isip niya ang larawan ni Ambet Yuson. Marahil nang mga oras na iyon ay nakaalis na ito. It was almost eleven. But she was wrong.
Napakunot-noo si Candice nang sa pagbaba sa sala ay madatnan itong seryosong kausap ng kanyang daddy at stepmother. Mukhang seryosong-seryoso ang mga ito. They were not even aware of her presence hanggang sa tumikhim siya. Sabay-sabay na napabaling sa kanya ang pansin ng tatlo.
“Hija, good morning,” bati ni Dr. Davila.
Napatingin ito sa grandfather’s clock na nasa isang sulok ng malawak na living room. “It’s almost lunch time, magbe-breakfast ka pa ba?”
Umiling siya. “I’ll just wait for lunch. Si Lisa, Dad?”
“Umuwi na.”
Eh, ang lalaking 'yan, ba’t nandito pa? she wanted to ask but she restrained herself. Baka may important business na pinag-uusapan ang mga ito. Eh, si Therese kaya?
Biglang bumukas ang malaking pinto sa terasa. Iniluwa niyon ang babaeng iniisip niya. Kamuntik na siyang mapasimangot. Speak of the devil and the devil will come.
“Hi, guys!” cheerful na bungad ng dalaga.
Lumapit ito sa ina at hinalikan ito sa pisngi. Gayon din ang ginawa nito sa dalawang lalaki, pagkatapos ay tumingin sa kanya. “Hi, Candice.”
Tipid na ngiti ang itinugon ni Candice sa pagbati nito. “Dad, I’ll just go to the poolside. Doon ko gustong mag-lunch.”
Sa tabi ng oblong-shaped swimming pool, inilatag niya ang katawan sa chaise lounge na nasa ilalim ng isang palm tree. It would have been nice if she had a book to read. Matagal-tagal na ring panahon siyang hindi nakakapagbasa dahil sa super busy schedule niya sa Ottawa.
Iginala ni Candice ang paningin sa paligid. Nang may matanaw na katulong sa gawing likuran ng villa ay tinawag niya ito. Lumapit naman ito. “Gusto kong magbasa ng libro. Pakisabi kay Daddy na ikuha ako ng isa sa library. I remember maraming classics do’n, collection ni Lolo.”
“Juice ho, Señorita?” alok pa nito matapos tumango.
“I’ll have guyabano juice. May stock ba?”
“Ay, naubos sa burol, Señorita.”
“Anything, then.”
“Pomelo na lang. Tiyak na marami pa niyon. Paborito 'yon ni Sir Ambet, eh.”
Ngumiti ito pagkabanggit sa pangalan ng binata; tila ibig pang kiligin kung hindi lamang nahihiya.
“Bakit?” kunot-noong tanong ni Candice.
“Does he always come here?”
Napakunot-noo rin ang maid. “Hindi n’yo ho ba alam?”
“Ang ano?”
YOU ARE READING
Dearly Beloved by Camilla
قصص عامةDEARLY BELOVED by Camilla Published by Precious Pages Corporation "Hindi ko alam ang chances ng pag-ibig ko sa 'yo. But damn, ayokong habambuhay na sisihin ang sarili ko for letting you go without having even tried." ©️Camilla and Precious Pages Cor...