Chapter Ten

635 12 0
                                    

CHAPTER TEN

“HINDI ka nagsasalita tungkol sa ikinabit kong portrait sa living room,” basag ni Candice sa katahimikan. Mahigit isang oras na sila sa biyahe ngunit nanatiling tahimik si Ambet sa pagmamaneho.

“Idea namin iyon ni Rachel. Okay ba?”

Nagkibit-­balikat ito. “It’s your house, gawin mo kung ano’ng gusto mong gawin.”

“But it’s yours, too.”

Tinapunan siya nito ng sulyap, may sarkastikong ngiti sa mga labi.

“Like conjugal property, hmm?”

Umiling na lamang si Candice. Itinuon niya ang pansin sa tanawin sa labas ng kanyang sasakyan. Pagkagaling nito kagabi sa bahay nina Jomar ay napansin na niyang wala ito sa mood. At naninibago siya rito. Naalala tuloy niya ang paralitikong binata.

“Kumusta nga pala si Jom?”

Napasulyap na naman sa kanya si Ambet, nakaangat ang isang kilay.

“Jom?”

Tumango siya, napapakunot-noo.

“As in Jomar. Bakit?”

“At ‘Jom’ pala’ng tawag mo sa kanya, ha?”

Tumikhim ito at iniunat ang likod sa inuupuan.

“Well, Jom is doing all right. Last night, he kept talking about you. At kanina, ang aga-­agang tumawag. Nakalimutan kong banggitin kanina over breakfast.”

Sa daan nakatuon ang paningin ni Ambet.

“Inabot pala kayo ng kung anong oras sa pagtetelebabad.”

Nagkibit-­balikat si Candice. “Na-­bore ako.”

“No, I don’t think so. May nabo-­bore ba sa ganoong oras? One-­thirty? Kaya pala ang hirap-­hirap mong ipagising kanina,” anito na tila nagsesermon.

“Eh, sa na-­bore ako, ano’ng magagawa mo?” pagtataray niya. Ikaw, na-­bore ka rin ba kaya inabot ka ng kung anong oras kay Therese? Pero alam niyang wala siyang karapatang gawin iyon.

Magiging katawa-­tawa lamang siya. She just bit her tongue. Masayang kausap si Jomar. Nalaman niyang folk dancer ito noong hindi pa nagaganap ang insidenteng naging dahilan ng pagkaparalisa nito. She discovered they had something in common, kaya mabilis silang nag-­click. Well-informed kasi si Jomar sa larangan ng sayaw at musika.

Napapangiwi si Candice nang maisip ang frustration na maaaring kinikimkim nito dahil hindi na ito kailanman makakapagsayaw. Abot-­abot ang pagkahabag niya rito. Sa mga pangarap ni Jomar na hindi na magkakaroon ng katuparan dahil sa kapansanan nito. Kung sa kanya nangyari iyon. She cringed at the thought. No, hindi niya ma-­imagine ang buhay na walang ballet.

But then she remembered, hindi niya masyadong nami-­miss ang Ottawa. Hindi niya nami-­miss ang kanyang tutus.. .ang stage. And one name came to her mind: Ambet. She finally convinced herself she was in love with him. And she had never felt this sad before.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Candice nang marinig ang biglang pagtunog ng pinagtagis na mga ngipin. Napatingin siya kay Ambet. He was a picture of resentment. Napakunot-noo siya nang ma-­realize na nakakalula ang bilis ng takbo ng kotse.

“Hey, we’re exceeding the speed limit!”

“What do you know about speed limits?” galit na balik nito sa kanya.

“Ambet—”

Humugot ito ng isang malalim na hininga at saka unti-­unting bumalik sa normal ang takbo ng sasakyan.

Dearly Beloved by CamillaWhere stories live. Discover now