Chapter Nine

627 12 0
                                    

CHAPTER NINE

KATATAPOS pa lamang magtanghalian nina Candice nang dumating si Therese. Masaya siyang nakikipagkuwentuhan kina Rachel at JR sa swing.

“Nandito raw ang little angels ko kaya dito na ako dumeretso,” sabi nito nang makalapit sa kanila. Itinuro nito ang shopping bags na si Ambet ang may bitbit. “May pasalubong ako sa inyo.”

Excited na pinagbubuksan ng dalawa ang shopping bags. Habang ipinagmamalaki ng mga ito sa binata ang mga natanggap, naupo si Therese sa tabi niya.

“I see you’re getting along with our little siblings well,” anito, nakangiti.

Tumango si Candice, ayaw patalo sa nagbabangong selos sa kanyang dibdib. Kaninang natanaw pa lamang niya sina Ambet at Therese na magkasabay na lumalapit ay gusto na niyang umeskapo. Wala na nga lamang siyang chance dahil namataan na siya ng mga ito.

“They’re nice kids.” Si Therese pa rin.

“They are,” segunda niya, breaking her silence.

“JR is extra sweet. Si Rachel naman, smart. We’ve got lots of things in common.”

“Like, what? Barbie dolls?” Tumawa ito. “Rach has a massive collection, it costs a fortune. Sabi ni Tito Dick, some of them were yours noong hindi ka pa umaalis ng Pilipinas.”

Noon lang naalala ni Candice ang mga Barbie dolls na naiwan niya noon. Napangiti siya, thinking that Therese was not as obnoxious as Lisa hinted her to be. In fact, given a chance, puwede silang maging close friends nito.

But that was unlikely to happen. Every time she thought of Therese and what happened between her and Ambet that morning, nakararamdam siya ng surot ng konsiyensiya. Binalingan nito si Ambet at ang mga kapatid.

“Guys, how about a picnic? Raise your hands kung sino’ng may gusto.”

Nauna pa ang binata sa pagtataas ng kamay. Nagtatawanan naman sina JR at Rachel na nagsipag-­raise hands din.

“Well,” masayang bigkas ni Therese, “Everybody wants a picnic. Are you going with us, Candice?”

Magalang siyang umiling. “I-I’ll be waiting for my sister’s phone call from Ottawa,” pagdadahilan niya. Then she remembered, hindi pa nga pala siya tumatawag sa kapatid. She reminded herself to give Caroline a ring after the four left for their picnic.

“Sayang. Well, guys, saan n’yo gustong mag-­picnic?”

Sina Rachel at JR na lamang ang enthusiastic na sumagot. “Sa lake!”

PAGKAALIS ng apat para mag-picnic, nag-­long-­distance call si Candice sa Ottawa. Matapos mag-­iwan ng mensahe sa answering machine sa flat ni Caroline, nagtungo siya sa library upang mamili ng librong babasahin. Hindi dala ni Ambet ang ipinagbilin niya ritong Angela’s Ashes.

Nakalimutan marahil dahil sa namamagitang tensiyon sa kanila nitong mga huling araw. Nang makapili ng isang classic book, dumeretso si Candice sa kanyang silid. Pero ilang minuto na siyang nakatitig sa isang pahina ng libro ay hindi pa rin ma-absorb ng utak niya ang binabasa. Her mind was occupied by something or someone, rather.

Si Ambet.

Pumikit siya nang mariin, waring ipinapahinga ang mga matang hindi pa naman halos nagagamit sa pagbabasa. Mayamaya ay bumangon siya. Her mind filled with curiosity. Papasok siya sa kuwarto ni Ambet. Gusto niyang makita kung ano ang hitsura niyon.

Pero nang makababa siya sa ikalawang palapag ay nakita niyang naglilinis ng veranda ang isang katulong. Sa pangambang makita siya sa gagawin, nag-­back out na lamang siya. Pagpasok muli sa sariling silid, ang Aida cloth naman na gamit sa pagko-cross-­stitch ang hinagip ni Candice. Inilabas niya ang mga sinulid na gagamitin sa pananahi ng Goku pattern na para kay JR. Matapos ayusin ang sewing kit, nagsimula na siyang mag-­cross-­stitch.

Dearly Beloved by CamillaWhere stories live. Discover now