CHAPTER THIRTEEN
“ATE CAN-CAN, itong Ronan Keating poster na lang ang tatanggalin ko para palitan ng AJ McLean ko. Sila’ng magka-size. Look, o!” hiling ni Rachel.
“No,” tutol ni Candice. “That’s very important to me, don’t touch that. Iiwan ko 'yan sa attic.”
“Ate—”
Naputol ang sasabihin ni Rachel nang umentrada sa maluwang na sala si Ambet.
“Good afternoon,” pormal na bati nito, nakapako agad ang tingin sa mukha ni Candice.
“Kuya Ambet, 'di ba kasyang-kasya 'tong poster ko sa frame na 'to?” si Rachel.
“Stay put, we’re gonna have a serious talk,” pagkuwa’y sabi ni Ambet sa kanya bago nilapitan ang dalagita. Kinuha nito ang frame.
“What’s the problem? Ayaw ipatanggal ng ate mo ang picture na 'to?”
Akmang bubuksan ni Ambet ang seal sa likod niyon nang pigilan niya ito.
“No! Don’t touch that!” Hindi siya pinansin ni Ambet kahit nilapitan na niya ito. She was on the verge of panic. Nang ipagpatuloy nito ang ginagawa, tinangka ni Candice na agawin mula rito ang frame.
“Don’t you dare touch that! You can’t!”
“And why not?” hamon nito na patuloy ang kamay sa ginagawa.
Nanlumo siya saka dahan-dahang napaupo sa sofa. Umiyak.
“Ganyan ka ba ka-groupie, Candice? Goodness, hindi ganyan ang pagkakakilala sa 'yo ni Jom.”
Pagkasabi niyon ay nabuksan na ni Ambet nang tuluyan ang frame. Hinugot nito ang poster na nakapaloob doon.
“Shit!” impit na bulalas niya.
Napamaang si Ambet, pinagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa larawang ngayon ay siyang naka-expose sa loob ng frame. It was his picture!
A copy of the one in his room.
“C-Candice...”
Candice feigned innocence. Nagtangka siyang magpalusot kahit alam niyang wala iyong saysay.
“Ano’ng ginagawa niyan d’yan, Rachel? Kung saang ecology textbook mo na naman ginupit 'yang chimpanzee photo na 'yan.”
Napangiti si Ambet. “Rach, take this. Your sister and I are going to have a long, serious talk.”
Marahan siya nitong nilapitan pagkatapos at saka hinawakan sa kamay. “Shall we, Ronan Keating die-hard?”
He was mocking her. Alam iyon ni Candice kaya nanggigigil siya. Kung hindi lang interesadong nakatanga sa kanila si Rachel, babarahin niya ito at tatarayan. Nabisto na rin lang siya, lubusin na niya ang kahihiyan. Tutal, babalik na rin naman siya sa Ottawa.
Awtomatikong tumayo siya. “To the library,” wika niya sa flat na tono. Nagpatiuna na siya sa pag-akyat. Dere-deretso siya sa library. “Now, talk,” sabi niya nang makaupo sa ibabaw ng mahogany desk. Nagsisimula na siyang ma-tense.
She was alone with this man; and it scared her. Humalukipkip muna ito bago isinandal ang likod sa concrete wall; titig na titig sa mukha niya.
“Don’t be so tense, Candice.”
“Mag-usap na tayo nang matapos na ito once and for all,” mataray na sabi niya.
“Kung maupo ka kaya nang maayos.” Nang hindi siya tuminag ay ito na lamang ang naupo sa ottoman. “Aalis ka raw papuntang Canada.”
YOU ARE READING
Dearly Beloved by Camilla
Tiểu Thuyết ChungDEARLY BELOVED by Camilla Published by Precious Pages Corporation "Hindi ko alam ang chances ng pag-ibig ko sa 'yo. But damn, ayokong habambuhay na sisihin ang sarili ko for letting you go without having even tried." ©️Camilla and Precious Pages Cor...