CHAPTER TWELVE
“O, BA’T ganyan ang hitsura mo?”
Isang pairap na sulyap lang ang itinugon ni Ambet kay Candice.
“Baba na,” utos nito matapos buksan ang pinto sa backseat. Bigla itong napabaling ng tingin nang makita ang medyo nakalilis na bestida niya, showing a portion of her creamy white thighs.
Napabungisngis si Candice. Talagang hindi bagay rito ang maging masungit.
“What’s funny?” padaskol na tanong ni Ambet. Hinawakan siya nito sa braso at hinila palabas sa hindi naman garapal na paraan. Even when mad, nakakaya nitong i-maintain ang gentleness.
“Ayusin mo’ng pag-upo-upo...lumalabas ang half-slip mo.”
Napabungisngis na nang tuluyan si Candice.
“Bakit, nabosohan mo ba 'ko kanina?”
Hindi sumagot si Ambet, sa halip ay pabagsak na isinara ang pinto.
Itinuloy niya ang panunudyo. “Ang ganda ng legs ko, 'no? Pang-Miss U.” Nang makita ang pagkalukot ng mukha nito, napahalakhak siya.
“What’s funny?”
“You. Ikaw ang funny. You look funny when you’re mad.”
“Behave ka lang dito, okay? Mga teenager ang karamihan sa madaratnan natin, but please, don’t act like one...just like when you’re with Rachel.”
Napailing siya. “Tinopak ang mama kasi hindi nakasama ang princess charming n’ya.”
Kunwari ay biro iyon, pero ang totoo ay pinipiga ang puso ni Candice sa isiping iyon. Sa halip na makipagdebate, inalalayan na lang siya ni Ambet sa siko at iginiya papasok sa bakuran ng mga Fernando. Magara ang bahay na iyon, isa sa pinakamaganda sa lugar na iyon, puna niya. Sa gawing likuran, naririnig nila ang waltz music at malalakas na boses ng mga nauna nang dumating.
“Behave,” muli ay paalala sa kanya ni Ambet.
Hindi pa ito halos tapos magsalita nang sumulpot ang isang teenager na babae. Mestisa ito, at tsinita ang mga mata. Agad niyang nahulaan na iyon si May-Ann dahil may hawig ito kay Jomar.
“Kuya Ambet, you’re here na pala!” excited na bati nito in perfect kolehiyala twang. Lumapit ito sa kanila at yumakap sa binata. “Gee, ang pogi mo pa rin talaga, ha.”
Tumawa si Ambet. Para itong kilig na kilig sa papuri ni May-Ann. “Hi, Cutie Pie,” ganting-bati nito. Tumingin ito sa kanya bago muling binalingan ang kausap. “You’re stunning yourself. Where’s Jomar? Umarkila ako ng performer para sa birthday mo and she’s here for rehearsal. May-Ann, meet Britney Spears.”
Humagikhik si May-Ann, pero in-extend ang kamay sa harap ni Candice. “Kilala na kita. You’re Candice, 'yong daughter ni Tito Dick na Canadian.”
Nginitian niya ito; mukha namang natural ang pagiging friendly nito. “Nice meeting you, May-Ann, and happy birthday in advance.”
“Save the greetings for tomorrow. You’ll be here, right?”
“Of course.”
Hinila na nito sa braso si Ambet. “'Lika na, late ka na sa rehearsal. Si Kuya, nanonood sa 'min...and he’s been waiting for Candice,” anitong may makahulugang ngiti sa mga labi.
Iginiya sila ni May-Ann sa likod-bahay kung saan masayang nag-eensayo ang labing-walong parehang pawang mga kabataan. Candice had no time for the admiring young men na gustong makipagkilala sa kanya. Nang makita ni Candice si Jomar ay agad niya itong nilapitan. Mula sa handbag na bitbit ay may inilabas siyang libro at ibinigay iyon sa binata.
YOU ARE READING
Dearly Beloved by Camilla
General FictionDEARLY BELOVED by Camilla Published by Precious Pages Corporation "Hindi ko alam ang chances ng pag-ibig ko sa 'yo. But damn, ayokong habambuhay na sisihin ang sarili ko for letting you go without having even tried." ©️Camilla and Precious Pages Cor...