CHAPTER SEVEN
PAGKAPANANGHALIAN, tumawag ngang muli si Ambet. “Kumain na ba kayo riyan?” tanong nito.
“Oo. Kare-kare. Tumulong pa nga ako kay Yaya Meds na magluto, eh,” nagmamalaking sabi ni Candice.
“Talaga?”
“Oo. Kaya lang, allergic pala ako sa bagoong-alamang. Bigla akong nangati,” aniyang napasimangot. “Nakalimutan ko na, kasi wala namang alamang sa Ottawa kaya matagal akong hindi nakatikim.”
“Oh. Makati pa rin ba hanggang ngayon?” nag-aalalang tanong ni Ambet.
Na-touch na naman siya. “Mild lang naman dahil hindi ako nakakain nang marami. Pinainom na ako ni Yaya Meds ng antihistamine kani-kanina kaya medyo humuhupa na ang itch.”
Nang muling magsalita ay hindi na ganoon kasigla ang boses nito. “Allergic ka pala sa alamang. Paborito ko pa naman ang kare-kare.”
“Favorite mo pala 'yon. Sige, pag-uwi mo this weekend, ipagluluto kita n’on.”
“Don’t bother. Hindi mo rin naman pala matitikman dahil may allergy ka. Hindi ko naman yata kayang kumain n’on while you can’t. Maiinggit ka lang.”
“I’m sure not. Hindi ko nga masyadong type, eh. Tonight, magluluto si Yaya ng estofado. I’ll hang around in the kitchen. Gusto ko ring matutunan ang lutong iyon. Lagring said sweet iyon, and I like sweet.”
Humaba pa ang usapan nila hanggang sa magkaroon ng gap nang wala ng mapagkuwentuhan.
“Aba, more than twenty minutes na tayong nag-uusap, Ambet,” na-realize ni Candice habang nakatingin sa suot na wristwatch. “Your bills are gonna go up.”
“Okay lang, basta ikaw.” Narinig niya ang mahinang pagbuntong-hininga nito. “I miss you already,” pagkuwa’y mahinang sabi ni Ambet.
Hindi niya iyon naunawaan. “Ano ‘ikamo?”
“May sinabi na naman ba ako?”
“Ambet! Inuuto mo na ako, eh.”
Humalakhak ito.
“Siyanga pala, may dumating na invitation card para kay Daddy. Escort ka pala sa debut party ng sister ng best friend mo. Poor girl. Wala bang ibang choice 'yon?”
Tumawa lang si Ambet. “Wala na. Ako na yata ang pinakaguwapo sa buong San Joaquin.”
Naniwala si Candice sa sinabi nito kahit biro lamang iyon. Ambet was the most gorgeous guy in the whole town, nakakasiguro siya roon. At hindi na niya kailangang tingnan ang bawat isang binata roon.
“The next weekend after the next iyon, right?” Umoo siya.
“Oh, I need to buy her a present,” anitong tila biglang namroblema. “Tulungan mo akong mag-decide ng puwede kong iregalo sa kanya, okay? Where women stuff are concerned, I’m left totally clueless. My presents revolve around jewelry and perfumes.”
Biglang na-excite sa narinig si Candice. “No problem. I love shopping. Kung gusto mo, sasamahan pa kita sa mall para bumili ng regalo.”
“Hmm...good idea.”
Tuwang-tuwa siya.
“Hay, salamat. Makalalanghap na naman ako ng polluted air,” biro pa niya.
Tumawa lang si Ambet.
PANAUHIN ni Candice sina Rachel, JR, at ang kanilang daddy nang hapong iyon.
“Kumusta ka rito ngayon?” concerned na usisa ni Dr. Davila. “Hindi ka ba naiinip?”
YOU ARE READING
Dearly Beloved by Camilla
Fiksi UmumDEARLY BELOVED by Camilla Published by Precious Pages Corporation "Hindi ko alam ang chances ng pag-ibig ko sa 'yo. But damn, ayokong habambuhay na sisihin ang sarili ko for letting you go without having even tried." ©️Camilla and Precious Pages Cor...