Chapter 7

671 7 0
                                    

#LGS1Party #LGS1chapter7 #LaGrilla1

***

IT was Saturday, the night before Greggy and Mara’s wedding day. Alinsunod sa isa sa mga tradisyon sa Batangas na may gaganaping ganitong salo-salo kinagabihan bago ang mismong araw ng kasal. Sa gabing ito magaganap ang wedding dance at hindi sa mismong wedding reception na ginaganap pagkatapos ng seremonyas ng kasal.

Hindi ka-close ni Imee o ng kaniyang pamilya ang sinuman sa mga ikakasal o ang alinman sa mga kapamilya ng mga ito, ngunit dahil lahat sila ay magkakatrabaho o naninirahan sa village ng mga trabahador ng Hacienda Hermano, kasama siya at ang mga magulang niya sa mga imbitado sa salo-salo. Parte ng tradisyon din ang pag-imbita ng mga ikakasal sa mga taga-ibang sitio.

Alas-sais pa lang ng gabi ay nasa malaking kubo sa dulo ng hacienda na ang mga bisita. The place served as a pavilion, ngunit kadalasan ay ‘malaking kubo’ ang tawag dito ng mga residente dahil gawa sa cadjan o hinabing dahon ng niyog ang bubong at mga dingding nito. Mukha tuloy itong isang malaking kubo kung titingnan mula sa labas. Makinis, sementado, at kulay abo naman ang patag nitong sahig sa loob.

Nakabitin sa ilang panig ng kisame ang mga dilaw na bombilya ng ilaw. Their yellow glow made the place look warm and friendly. Habang hindi pa nagsisimula ang event ay may tumutugtog na masiglang background music para pagaanin ang mood ng mga bisita.

Sumalubong kay Imee at sa kaniyang mga magulang ang magandang pagkakagayak sa loob ng pavilion. Nagkalat ang table arrangements kung saan kasya ang halos walong tao sa bawat pabilog na mesa na may puting table cloth. Pink ribbons were twisted and folded to form into pretty roses that decorated the place, the tables, and the seats.

The guests looked impeccable in their casual attires—mostly in their T-shirts and jeans—and makeups on fleek. Imee chose to wear a pair of rusty orange doll shoes, skinny jeans, and a round neck pink T-shirt that almost kissed the waistline of her jeans. Her white cloth headband held her pixie cut hair in place and clearly showed her face with a hint of subtle makeup.

Nakakawit ang kamay niya sa inang si Minerva. Nakaputing headband din ang kaniyang ina ngunit gawa sa plastik. Maayos na nakaladlad ang namumuti nitong buhok. Nakasuot ito ng bulaklaking bestida na green na pinarisan ng puting sandals na may manipis na straps. Katabi nito ang asawang si Mang Baste na medyo maluwag ang denim jeans na suot. Naka-rubber shoes ito na kulay itim at T-shirt na puti na may stripes na pula.

Wala namang RSVP o pangalan sa mga mesa kaya ang mga bisita na ang bahala kung saan uupo. Iginiya ni Imee ang mga magulang sa isa sa mga bilugang mesa malapit sa sentro ng pavilion, katapat ng dance floor.

Nang makapuwesto na ay unti-unting nadagdagan ang mga tao sa loob ng pavilion. Habang tahimik na nakaupo si Imee sa tabi ng ina ay abala ang mga magulang niya sa pakikipagdaldalan sa mga kahati nila sa mesa.

Hanggang sa dumating na nga ang mga magulang ng bride na si Mara. Iniisa-isa kasi ng mga ito ang mga mesa para kumustahin ang bawat bisita. Habang nakikipagkumustahan ang mga ito sa kanila ay napukaw ang atensiyon nila ng paglapit ni Leo.

“O, Nardo! Aba’y ang akala namin, hindi ka makapupunta?” ani tatay ni Mara na semi-formal ang pormahan sa puti nitong polo at jeans.

Leo just smiled at them. “E, may nagbago sa schedule ko, kaya libre ako ngayong weekend.”

“Masaya kami na nakarating ka!”

Nakow, masaya talaga sila, Nardo,” pabirong tudyo ni Mang Baste rito, “kasi inaasahan na ng mga ’yan na ikaw ang may pinakamalaking iaabot na sabog mamaya!”

La Grilla Series #1: Come HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon