#LGS1Paliwanag #LGS1chapter18 #LaGrilla1
***
SINILIP ni Imee ang townhouse mula sa bintana sa kaniyang tabi. It was two stories high, a sleek and rectangular white house with black accents and dark-tinted windows. She was already at Leo's house but she still could not believe that she would be having a candlelight dinner here with him.
Halos limang oras din ang itinagal ng biyahe nila papunta sa subdivision kung nasaan ang townhouse ng binata. Hindi naman siya nabagot dahil palakuwento ang lalaki sa sasakyan at katulad ng nakasanayan ay on-point ang sense of humor nito. Kaya kahit gaano kabigat ang dinanas nilang traffic, parang hindi niya iyon napansin.
Pagkababa ni Leo ng sasakyan, isinara nito ang pinto sa driver's seat. Nilapitan ito ng isang may katandaang babae. Base sa uniporme nito ay tila katulong ito ni Leo.
Mabilis na pinaputla ng pag-aalala ang mukha ng binata habang may sinasasabi ang katulong dito. Nakasarado ang mga pinto at bintana ng sasakyan kaya walang narinig si Imee sa usapan ng dalawa.
Nag-aalala man si Imee para sa nobyo, mas pinili na lang niya ang manatiling nakaupo at hintayin si Leo na pagbuksan siya ng pinto. Maybe, he would tell her about what worried him a little later.
Pagbalik ng katulong sa loob ng townhouse, ipinagbukas na siya ni Leo ng pinto ng sasakyan. She got down gracefully, although she wasn't really trying to act so composed and poised. Her tension could only be seen with her reluntance to let go of the strap of her brown, leather square bag.
Meanwhile, Leo smiled at her as if he saw her in this sun dress for the first time. Imee reciprocated the same smile. He just smelled so good, as always! Guwapong-guwapo pa ang lalaki sa mid-parted nitong yellow blond na buhok, ebony slacks, brown leather shoes, at button-down short-sleeved shirt na dilaw na may maliliit na dark gold pattern ng mga ibon. His only accessories were a silver wristwatch and a silver buckled black belt. Maingat na dumulas ang kamay nito sa kamay niya na nagpagapang sa maliliit na kuryente sa bawat guhit ng kaniyang palad bago nagkasya ang mga daliri ng binata sa bawat puwang ng kaniyang mga daliri. They closed their hands, both at the same time.
Leo led her inside the house. Namilog ang mga mata ni Imee dahil lahat ng dapuan ng kaniyang paningin ay magaganda at mukhang mamahalin—mula sa kahoy na muwebles hanggang sa mga kahoy na dekorasyon kung saan ang ilan ay may larawan ng mga puno ng niyog. Nakaramdam tuloy si Imee ng konting panliliit sa sarili dahil ibang-iba ang payak niyang buhay kung ikukumpara kay Leo.
Alam na niya ang kuwento ng buhay nito—na anak ito ng dating mga mahihirap na trabahador sa Hacienda Hermano, katulad niya—kaya nakapapanibagong tingnan si Leo sa ibang perspektibo, na napakalayo na nito mula sa Leo na nakilala niya noon at naunang natutuhang mahalin. . . .
"Umupo ka muna." Leo cheerfully gestured to the beige leather sofa. "May titingnan lang ako saglit sa office room ko. I'll be back!"
Napangiti si Imee dahil sa malaking ngiti sa mukha lalaki. His smile was just contagious! Nakalimutan niya tuloy ang tila pag-aalala ng lalaki sa sinabi ng katulong nito rito kanina.
Tumango si Imee bilang tugon at pinanood ang nagmamadaling pag-akyat ng lalaki sa hagdan.
***
GIGIL na napatiim-bagang si Leo pagkatalikod kay Imee para akyatin ang hagdan.
Habang umaakyat ng hagdan, inalala ni Leo ang ibinalita sa kaniya ni Yaya Lumeng pagkababa mula sa kotse kanina. . . .
"Sir, si Ma'am Melissa, narito na naman at hinihintay kayo."
BINABASA MO ANG
La Grilla Series #1: Come Here
Ficción GeneralPre-order available at KPub PH! 💜✨ Hindi ka naman tanga, pero napagsamantalahan ka pa rin. Nagpakawais ka lang dahil ayaw mong maloko, pero bakit parang ikaw pa ang mali? Wala na ba talagang hustisya sa mundo? ••• Imee Pascual could not believe tha...