#LGS1LionInManila #LGS1chapter33 #LaGrilla1 #LaGrilla
***
Warning: 🚫
Bullying, ViolenceLEO slammed his fists on his desk. Pinagbalingan niya ng galit ang lahat ng gamit sa office room. Ibinato niya ang flower vase sa pader kaya nabasag ito sa maraming piraso. Inihagis niya lahat ng file folders sa desk niya kaya nagkalat ito sa paligid. Tinadyakan niya ang mga drawer. At kahit ang flatscreen TV ay hindi nakaligtas, binato niya ito ng throw pillow mula sa sofa.
Nanghihinang napaupo siya sa tabi ng pinto pagkatapos. Ipinanghilamos niya ang mga kamay sa sariling mukha na puno ng pinaghalong pagkabalisa, galit, at marami pang magkakahalong emosyon.
Parang ulan na bumuhos sa kaniyang isipan ang pangit na mga alaala mula sa kaniyang nakaraan . . .
***
PANIBAGONG araw na naman sa kolehiyo. As usual, maagang gumising si Leo para gumayak at bumiyahe mula sa bedspace na nirerentahan niya patungo sa paaralan. As usual din, hindi siya nag-almusal dahil nakaugalian na niyang bumawi na lang ng kain sa tanghalian para makatipid sa pera.
Dumeretso si Leo sa classroom para sa unang subject. Pakiramdam niya ay nakabilad siya sa ilalim ng araw sa sobrang init ng mata ng mga kaklase na nakatutok sa kaniya. Malas kasi na block section sila. Ibig sabihin, mula una hanggang sa kahuli-hulihang subject ay sila-sila pa rin ang magkakaklase. Ibig sabihin din nito, hindi rin nakaligtas sa mapanuring mga mata ng mga ito na kakaiba siya kumpara sa kanila.
Napapikit si Leo nang may bumuhos na puting pulbos sa kaniyang ulo. Mabango ngunit matapang ang amoy kaya napaubo siya at marahas na suminga ng hangin mula sa kaniyang ilong. Mabilis na pinagpagan niya ang pulbos na bumagsak sa bandang dibdib at balikat ng kaniyang suot na asul na collared shirt.
"O, 'wag mong pagpagan! Kaya kumupas 'yang kulay ng shirt mo, e! Tatlong buwan mo na yata 'yan hindi nalalabhan!" palatak ng isa sa mga lalaking kaklase ni Leo bago sinundan ng nangungutyang pagtawa.
He glared at his classmate, Rigel. He thought he always looked stylish only because a rich kid like him could afford it. Unlike him who had to settle with old, faded hand-me-downs.
"Say 'thank you, Rigel' ka naman d'yan, Leo!" dagdag ng alipores ng walang-hiyang lalaki. "Napakabait!" akbay nito kay Rigel na mayabang na ngumisi sa kaniya. "Heneroso! Mantakin mo! Binigyan ka ng libreng detergent!"
Leo gave Rigel a piercing stare before uttering fiercely and lowly. "Fuck you, Rigel."
Nagkatinginan ang dalawa. They were shocked for a second, then offended for another second, before they returned their eyes on him that matched their mocking smirks.
"Bakla pala 'tong patpatin na 'to, e! Ipa-fuck ka raw, o, Rigel!"
Rigel just smirked wider with his eyes focused on him. Ngunit tila napikon ito dahil hindi man lang siya nagsalita o na-offend nang paratangan na bakla. Bakit nga ba siya ma-o-offend? Wala namang nakaiinsulto roon.
![](https://img.wattpad.com/cover/342098935-288-k567615.jpg)
BINABASA MO ANG
La Grilla Series #1: Come Here
General FictionPre-order available at KPub PH! 💜✨ Hindi ka naman tanga, pero napagsamantalahan ka pa rin. Nagpakawais ka lang dahil ayaw mong maloko, pero bakit parang ikaw pa ang mali? Wala na ba talagang hustisya sa mundo? ••• Imee Pascual could not believe tha...