Chapter 9

679 4 0
                                    

#LGS1Imahinasyon #LGS1chapter9 #LaGrilla1

***

NAKATAYO si Imee sa tapat ng tindahan ni Manay Baby malapit sa distillery ng hacienda. Natatanaw niya mula rito ang mansiyon ni Jamer Hermano, ngunit tila wala siyang nakikita dahil nakatulala siya sa kawalan.

She held her cell phone, leveled to her chest, as she restlessly stroked the back of its case with her point fingers. Halos magbuhol-buhol ang mga salita sa kaniyang isip kaya hindi niya malaman kung ano ang text na ipapadala.

Sakto namang may dumating na tatlong lalaking trabahador mula sa distillery. One of these men noticed Imee.

"Imeng," tawag nito na tarantang nagpalingon sa kaniya rito. "Nakabili ka na ga?"

She was disoriented at first. Ngunit nang rumehistro sa kaniyang isip ang tanong ng lalaki ay tumango siya bilang sagot.

"O, sige. Bibili na kami, ha?" ani isa sa mga ito bago hinarap ang tindahan. "Pabili po!"

Nang lumitaw sa likuran ng grills ng tindahan si Manay Baby ay bumili ng softdrinks para sa tatlo ang lalaki bago masayang nakipagdaldalan sa mga kasama nito.

Itinuon naman ni Imee sa harap ang tingin. Bumalik siya sa kaniyang malalim na pag-iisip, sa kaniyang pagdadalawang-isip.

Inaabot na ni Manay Baby ang unang plastic at straw ng softdrinks nang kausapin si Imee ng isa sa mga lalaki. "Hoy, Imeng, ayos ka lang ga?"

"Oo nga," segunda ng isa pang lalaki. "Parang kanina ka pa nakatulala riyan, e."

Nag-aalalang sinilip na tuloy siya ni Manay Baby. Halos bumakat na sa mukha ng matandang babae ang grills na harang sa tindahan nito. "Aba'y hindi pa pumapasok 'yong load?"

"Natanggap ko na po 'yong load, Manay Baby," malumanay niyang sagot dito.

"Aba'y nagpa-load pala! May textmate ka, Imeng?" nanunuksong wika ng isa sa mga lalaki.

Kinantiyawan na siya ng nagtatawanang mga lalaki. Maging si Manay Baby ay nangingiti na para bang kinikilig para sa kaniya.

"May katipan na yata si Imeng, e!" Boyfriend.

"Aba'y alam 'yan ni Mang Baste ga?"

"Wala na kayo ro'n, no!" she blurted defensively and immediately left the sari-sari store.

Habang nagmamadali sa paglalakad ay tila nakikipagkarerahan sa mga paa niya ang kaniyang puso. Natataranta kasi siya at hindi malaman kung ano ang ite-text kay Leo.

Should she ask him why he said those things this morning?

"I don't care if I am in the middle of something, I'll drop it all just to hear what you have to say."

"Aalis ako agad sa inuman kapag sinundo mo ako."

"Siyempre, hihintayin pa kasi kitang makapasok uli sa bahay n'yo bago ako makaalis."

Sa tuwing binabalik-balikan niya sa kaniyang isip ang mga sinabi ng lalaki, tila naririnig niya rin ang boses nito. Worse, there was this excitement stirring at the pit of her stomach, pounding in her chest. Para siyang kakapusin ng hininga sa intensidad ng mga nararamdaman niyang ito.

'Kinikilig ba ako?' tanong niya sa sarili, napahinto tuloy siya sa paglalakad sa kalagitnaan ng masukal na daan patungo sa lugar sa hacienda kung saan nagkumpulan ang nagtataasang mga puno ng niyog.

Imee lowered her eyes to her cell phone. "Heto na naman ako, e. Tamang-hinala. Assumera. Masyado kong binibigyan ng kahulugan ang mga bagay na wala lang naman para kay Leo."

La Grilla Series #1: Come HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon