#LGS1INboxes #LGS1chapter30 #LaGrilla1 #LaGrilla
***
Warning: 🚫
Sexual contentIT WAS as if an invisible angel saved them by pushing the car a little farther to the other side of the street. Leo pulled Imee closer to the nearby hedge as the speedy car passed by.
Tumilamsik ang tubig na nadaanan ng mga gulong nito habang naglalapat na ang mga labi nina Leo at Imee. Pero ayos lang dahil paanan at mga binti lang nila ang nabasa.
The kiss was quick but it left a burning sensation on Imee's lips. Napamulat ang mga mata niya at napatitig kay Leo.
"B-Bakit wala kang dalang payong?" yakap niya sa sarili, basang-basa na ng ulan tulad ng binata. Mula nang maghiwalay kasi ang kanilang mga labi ay nanuot na uli ang lamig ng hangin at tubig sa kaniyang balat.
"Hindi ko na naisipang magdala. Baka hindi na kita maabutan kung hindi kita hahabulin agad."
Imee wiped the raindrops off her face, particularly around her eyes. "At hinabol mo 'ko, dahil?"
"It's so obvious, Imee! I just kissed you!" His lips shuddered as raindrops hung on his lashes, over his eyes that burned their gaze on hers. "I have come here to take you back to my house!"
"At ano? Aawayin mo 'ko uli dahil lang sa pagsayaw ko?"
He shook his head. "I'm sorry."
Napatitig siya sa binata. Kahit hirap na hirap na siyang makakita dahil sa mga patak ng ulan sa kaniyang mukha at pilik-mata ay tila mas mahirap alisin ang pagkakatitig niya rito.
She did not expect Leo to apologize for being upset about her sexy dance with his friends. What made him change his mind about his false accusations of her?
"I'm not really mad at you, Imee. Naibunton ko lang sa 'yo ang pagkairita ko sa mga gago kong kaibigan," nahihiyang yuko nito ng ulo. "When you left, nakapag-isip-isip din ako. I realized that probably, one of them suggested that you should do a dance number to make me happy on my birthday. Your intention is good, but it backfired, because that idiot who came up with this sexy dance idea actually wants trouble."
"P'wede mo 'kong sisihin o ang mga kaibigan mo, Leo. Pero sana ma-realize mo na kagagawan mo ang mismong naging reaksiyon mo. Hindi ka dapat nagalit nang gano'n. Hinabaan mo na lang dapat ang pasensiya mo. Pinatapos mo na lang sana 'yong sayaw. 'Tapos, kinausap mo na lang sana kami nang maayos."
He shyly lifted his eyes on her and meet her gaze. "You're right. I should have done just that. Will you please forgive me?"
Imee felt another icy gust, giving her goosebumps and making her hug herself tighter. Her teeth chattered lightly as she answered. "Oo na. I forgive you. P'wede na ba tayong umuwi? Nangangatog na 'ko rine!"
Tinakbo nila ang kalsada sa kasagsagan ng pag-ulan. Hila-hila siya ng lalaki sa kamay habang patungo sa bahay nito.
Gulat na sinalubong sila ni Yaya Lumeng sa pinto, puno ng pag-aalala ang mukha.
"We're fine, yaya," ngiti lang ng binata rito habang nakatayo pa sila sa ibabaw ng floor mat para patuluin dito ang tubig-ulan na bumasa sa kanila. "Kami na ang bahala sa sarili namin. Get an early rest tonight. Alam ko namang napagod din po kayo sa pagtulong para sa paghahanda sa birthday party ko."
Inilipat ng katulong ang tingin nito sa kaniya. To reassure Yaya Lumeng that she would be fine, Imee gave her a small smile and a nod.
"Sige po, sir," tango nito bago sila iniwanan para tunguhin na ang sarili nitong silid.
BINABASA MO ANG
La Grilla Series #1: Come Here
General FictionPre-order available at KPub PH! 💜✨ Hindi ka naman tanga, pero napagsamantalahan ka pa rin. Nagpakawais ka lang dahil ayaw mong maloko, pero bakit parang ikaw pa ang mali? Wala na ba talagang hustisya sa mundo? ••• Imee Pascual could not believe tha...