Chapter 19

596 5 0
                                    

#LGS1CourseofAction #LGS1chapter19 #LaGrilla1

***


NAGHIHIWA ng patola si Imee sa mesa sa dining area nang dumating si Mang Baste. Kauuwi lang nito galing sa niyugan at ang una nitong ginagawa pagkauwi ay uminom ng tubig.

Nilagpasan si Imee ng ama niya. Kumuha ito ng plastik na baso at lumapit sa asul na water gallon na de-gripo. Pagkakuha ng tubig ay sumulyap ito sa kaniya.

"Kumusta, Imeng?" anito bago dinaan sa malalaking lagok ang tubig sa baso.

Hindi naman tumigil si Imee sa kaniyang ginagawa. "Okay lang po, Itay."

"Hm. Talagang okay ka ga? Si Nardo?"

Mas binilisan ni Imee ang paghihiwa. "Busy lang ho s'ya, Itay."

Sinikap niyang pigilan ang pagbugso ng damdamin. Sa puntong ito kasi ay hindi pa handa si Imee na aminin sa mga magulang niya ang lahat.

'Si Leo dapat ang mahiya dahil sa panloloko n'ya sa 'kin, pero bakit parang ako ang isang malaking kahihiyan dine dahil naging napakalaki ng kumpiyansa ko sa kan'ya? Bakit ako ang malaking katatawanan ngayon dahil sa nagtiwala ako sa lalaking alam ko naman na palikero? Bakit ako ang tila walang mukha na maihaharap kina Inay at Itay kapag kinumpirma ko na tama nga ang mga agam-agam ni Inay noon sa intensiyon ni Leo sa akin?'

"Sobrang busy? E, dalawang linggo nang hindi dumadalaw rito si Nardo?"

Imee shrugged, trying to act nonchalant.

"At dalawang linggo ka na ring matamlay," lapag ni Mang Baste sa ginamit nitong baso sa lababo. Natigilan saglit ang matanda bago ibinalik ang namimilog na mga mata sa kaniya. "Aba, baka hindi lang si Leo ang dalawang linggo nang hindi dumadalaw, ha?"

"Ano?" naguguluhang lingon niya sa kaniyang tatay. Nabahala siya dahil may bahid ng akusasyon sa boses nito.

Sakto namang narinig ni Aling Minerva ang usapan nila dahil pumasok ito sa kusina dala ang binili sa tindahan na dalawang maliit na plastik ng pamintang buo. "Ano'ng hindi dumadalaw? Ikaw nga, Baste, huwag mong pinag-iisipan ng gay'an si Imeng!"

"Pinag-iisipan ng ano?" naguguluhang tanong niya sa kaniyang nanay.

"Na hindi ka na nga dinadalaw ni Leo, hindi ka pa dinadalaw ng buwanang-dalaw mo!" gigil na lapag nito ng mga paminta sa tabi ng kalan bago sinimulan ang paggisa sa bawang, sibuyas, at pork giniling sa isang aluminum na kaldero.

"O, bakit ka nagagalit? Magkarelasyon naman sila! Sila na rin ang may karapatang magdesisyon kung gusto na nila magkaanak!" ani Mang Baste.

"Kahit hindi pa kasal?" buwelta ni Aling Minerva sa asawa.

"Kasal o hindi kasal, sino ba tayo para magdesisyon no'n para sa kanila?" Pagkatapos ay nilingon siya ni Mang Baste. "Pero kung tatanungin mo kami ng nanay mo, mas gusto naming ikasal muna kayo. Namnamin n'yo muna ang buhay-mag-asawa bago ang buhay ng pagiging mga magulang."

Imee gave her father a bored look. "Itay, wala pang nangyayari sa 'min ni Leo."

Umaliwalas agad ang mukha ni Aling Minerva. She even heard her mother's smile and sigh of relief. "Hindi sa hindi ko nakikitaan ng pag-i-improve ang Nardo na 'yon, anak, pero tama ang sinabi ng tatay mo. Gay'on ang gusto kong buhay para sa 'yo. At bago ang kasal na 'yan, siyempre, gusto kong ma-enjoy mo iyang pagsasayaw mo. Enjoy-in mo muna ang pera na kikitain mo sa pagsasayaw."

La Grilla Series #1: Come HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon