#LGS1DelaPaz #LGS1chapter26 #LaGrilla1 #LaGrilla
***
KINABUKASAN pinanood ni Imee ang nagmamadaling pagpapabalik-balik ni Leo sa kuwarto at office room nito. Sa huli, umalis ang binata nang hindi man lang siya kinakausap kahit kitang-kita naman nitong nakatayo siya sa pasilyo sa second floor.
"May hearing yata s'ya ngayon," bulong niya sa katabing si Yaya Lumeng habang nakasilip sa main door.
Meanwhile, Yaya Lumeng crossed her arms before she went out to close the gates. Iniwanan nito si Imee na napasandal na lang sa hamba ng pinto.
'Hindi man lang nagpaalam,' simangot niya bago umalis sa pintuan para bumalik sa loob ng bahay. Then, she scolded herself. 'Sino ka rin ba para pagpaalaman n'ya, 'di ba? He already made his point last night. Nandito ka lang sa bahay n'ya dahil hinahanap ka na ng mga magulang mo, dahil gusto ka n'yang ibalik sa Batangas. Gusto lang n'yang linisin ang imahe n'ya sa mga tagaroon. Iyon lang.'
Pagkatapos mag-almusal nina Imee at Yaya Lumeng, inabala ni Imee ang sarili sa pag-iikot sa bahay habang hinihintay na mai-deliver mamayang hapon ang pina-laundry nilang mga damit. Nagdilig naman si Yaya Lumeng ng mga halaman sa bakuran.
Nang dumating na ang mga pina-laundry na damit, si Imee na ang nag-ako sa pagtitiklop at pagha-hanger ng mga ito. She bought too many clothes to spite Leo, so she suffered the consequence of it—folding and hanging mountains of them. Mabuti na lang at sinamahan siya ni Yaya Lumeng sa kaniyang kuwarto at ito na ang nag-asikaso sa pagtitiklop ng mga damit ni Leo.
Ngalay na ngalay man ang mga braso at kamay ni Imee sa katitiklop, hindi naman siya nabagot dahil may ilang pagkakataon na ipapakita sa kaniya ni Yaya Lumeng ang mga underwear ni Leo para tuksuhin siya. It was when she discovered that he was never a fan of briefs or shorts because all he had were those modal boxers. Natatawa na lang sila sa mga nakalolokong reaksiyon nila sa mga damit ng binata, partikular na sa mga boxer nito na mukhang ang sikip masyado para sa binata.
Yaya Lumeng finished first, so she helped her with folding the rest of her clothes. By late afternoon, the maid left with Leo's clothes which were mostly slacks pants, underwears, button down shirts, and suits. She would arrange them in his walk-in closet in his bedroom, then she went straight to the kitchen to prepare everyone's dinner.
Ilang minuto rin ang itinagal ni Imee sa pag-aayos ng mga bagong tiklop at hanger niyang mga damit sa cabinet. Lumabas siya ng kuwarto pagkatapos ngunit napahinto si Imee sa pinto ng office ni Leo.
She shouldn't be in his office without his permission, but her curiosity convinced her to take a little peek inside. So, she finally tried the door and it did click open.
Malinis ang office room. May isang desk, isang swivel chair, at dalawang visitor's chair. Sa likuran ng swivel chair ni Leo ay may malaking bookshelf na puno ng mga libro at files.
Sa gitna ng silid, may maliit na coffee table sa ibabaw ng light green na carpet at isang mahabang couch sofa na nakasandal sa pader. Mayroon ding wall-mounted flat screen TV, DVD player, at isang drawer na kinalalagyan ng mga CDs.
Napasipol na lang si Imee sa sobrang linis at kinis ng silid bago siya lumabas.
Napalapit at napatitig naman siya sa pinto ng master's bedroom. Nanginig ang kamay niya nang hawakan ang door knob nito.
"Never mind," she muttered, releasing the door knob.
Bumaba na lang siya sa living room para puntahan si Yaya Lumeng sa kusina. Baka kailangan kasi ng katulong ng tutulong dito sa pagluluto ng hapunan.

BINABASA MO ANG
La Grilla Series #1: Come Here
Ficción GeneralPre-order available at KPub PH! 💜✨ Hindi ka naman tanga, pero napagsamantalahan ka pa rin. Nagpakawais ka lang dahil ayaw mong maloko, pero bakit parang ikaw pa ang mali? Wala na ba talagang hustisya sa mundo? ••• Imee Pascual could not believe tha...