#LGS1Prelude #LGS1chapter20 #LaGrilla1 #LaGrilla
***
“SABING, wala na siya!" bulyaw ni Mang Baste.
Sa pagkakataong ito napagtanto ni Leo na kaya siguro siya pinatuloy ng mag-asawang Pascual sa tahanan ng mga ito ay hindi dahil sa bukas ang isip ng mga ito para pagbigyan siyang makausap si Imee. Pinapasok lang yata siya ng mga ito sa bahay para hindi masaksihan ng mga kapitbahay ang magiging pagtatalo nila.
Marahas na napabuga ng hininga si Leo at napasuklay pataas sa kaniyang magulong buhok.
"Nasa'n siya?" baling niya uli sa matanda. "Nasa'n si Imee?"
"Hindi ko alam." Bumaba na ang tono ng matanda habang tahimik ngunit nangingilag kung makatingin mula sa likuran nito si Aling Minerva.
Naubusan na siya ng pasensiya. Kilala niya sina Mang Baste at Aling Minerva. Mabuting mga magulang ito kaya imposibleng hayaan ng mga ito na umalis si Imee nang hindi nila alam kung saan pupunta. Malamang ay itinatago lang ng mga ito ang dalaga mula sa kaniya!
"Anak n'yo, hindi n'yo alam kung nasaan?"
"Nagpaalam ang anak ko, pero apat na buwan na siyang hindi na bumabalik! Hindi tumatawag! Hindi nagte-text! Araw-araw kaming nag-abang sa radyo, sa TV, sa diyaryo. Halos mamatay-matay kami sa isiping baka mabalitaan na lang namin isang araw na ninakawan siya o pinatay. Sa awa ng Diyos, walang gano'ng mga balita tungkol sa Imeng namin. Pero ano ang kalakip ng pag-asa sa 'ming dibdib na buhay siya? Poot! Poot para sa 'yong hayop ka! Dahil kung buhay pa nga ang aming anak, tiyak na ikaw ang tanginang dahilan kaya ayaw niya nang bumalik dine!" Hindi na napigilan ng tatay ni Imee ang maluha nang manginig ng boses nito.
Agad na nakonsensiya si Leo. After all, this was his fault. He grew frustrated and close to insanity for breaking Imee's heart. Heto at naibunton pa niya sa mga walang-muwang na magulang ng dalaga ang bugso ng kaniyang damdamin!
Natigilan si Leo sa nakitang panghihina ni Mang Baste, sa tila pagbagsak ng buo nitong pagkatao dahil ang kaisa-isa nitong anak ang pinag-uusapan nilang nawawala.
Talunang tumango-tango na lang siya. "Kung gano'n, hahanapin ko ho s'ya. Ibabalik ko s'ya rito." Unti-unting naging malumanay ang kaniyang pananalita dahil nahimasmasan na siya. "Sabihin n'yo lang po sa 'kin kung may ideya kayo kung saan siya posibleng nagpunta."
'O nagtago . . .'
"Paano mo siya maibabalik sa 'min? E, dahil sa ginawa mo, tiyak na hinding-hindi na sasama sa 'yo si Imeng!" salo ni Aling Minerva para kay Mang Baste na hindi na makasagot nang maayos dahil umiiyak na ito.
Nababalot man si Leo ng takot at lungkot, kumislap pa rin ang pag-asa at determinasyon sa kaniyang mga mata. "Mas makapagpapaliwanag na ho ako nang maayos, Aling Mineng. At kapag napakinggan niya 'to, naniniwala ako na mapauuwi ko rin ho siya rito."
Napalunok ito. Ito lang ang pagkakataon na nasaksihan ni Leo ang paglambot ng matigas na babae. Tila nagpipigil na ito na maiyak. "Ang gusto ko lang ay bumalik na ang anak namin dine. Hindi ko na alam kung kakayanin pa ni Baste ang mga susunod na araw na wala pa si Imeng dine."
'Ako rin ho. I don't know if I'll ever take one more day without seeing her.' He nodded. "Opo. Ibabalik ko siya rito. Pangako."
He gave the two a polite nod before he turned and headed for the door.
Kung ang bersiyon ng kuwento ni Imee lamang ang alam nina Aling Minerva, tiyak ni Leo na isang sinungaling na ang tingin ng mga magulang nito sa kaniya. Kaya ang isipin na pinagkatiwalaan pa rin siya ng mga ito na maibabalik dito si Imee?
Labis na nakadudurog ng puso.
Nakadudurog isipin dahil kahit sa isang sinungaling na katulad niya ay desperadong kumapit na ang mga magulang ni Imee, maibalik lang ang dalaga sa kanilang piling.
Leo descended the bamboo stairs, more determined to make it up not just with Imee, but also with her loving parents.
***
COME HERE
La Grilla Series #1
Copyright Registered: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama
First publish on Wattpad: December 2016Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: anathecowgirl@gmail.com
BINABASA MO ANG
La Grilla Series #1: Come Here
General FictionPre-order available at KPub PH! 💜✨ Hindi ka naman tanga, pero napagsamantalahan ka pa rin. Nagpakawais ka lang dahil ayaw mong maloko, pero bakit parang ikaw pa ang mali? Wala na ba talagang hustisya sa mundo? ••• Imee Pascual could not believe tha...