-
"Good morning Ma'am."
"Good morning po."
"Good morning."
"Klein!" Agad na nalukot ang mukha ko nang marinig ang boses na iyon. Utang na loob. Ang aga-aga pa para mang-asar ang tulad niya. Tumigil ako sa paglalakad at nakasimangot na hinarap ang walanghiya.
"Ano? Ayusin mo buhay mo kung gusto mong makalabas ng buhay dito, Ripley." Banta ko sa kanya. Tinawanan lang ako ng siraulo sabay umakbay sa akin. Gawain na niya talagang bwisitin ako sa loob ng 8 hours.
"Eto naman. Parang di tayo tropa ah. Anyways, tara kain. Libre ko habang hindi pa start ng shift."
Napatingin ako sa wristwatch ko, 7:30 PM pa lang. May thirty minutes pa ako para kumain. Sabagay ginugutom na rin ako dahil hindi ako kumain kanina pag-alis ko sa apartment na tinutuluyan ko.
"Libre mo ah," paniniguro ko. Siraulo pa naman siya lagi.
"Yes, ma'am," sagot niya sabay sumaludo na parang sundalo saka ako hinila sa pantry area.
Nagtatrabaho ako bilang SME or Subject Matter Expert sa isang malaking BPO or Call Center Company. Wait. Huwag niyong Sabihin na porke't nasa isang Call Center Company ako nagtatrabaho ay hindi ako graduate ng college. College graduate ako. Bachelor of Arts in Mass Communication ang course na tinapos ko. Kung nagtataka kayo bakit nasa isang BPO company ako ay simple lang. Mas malaki ang sinasahod ko sa kumpanya kaysa sa dating trabaho ko. Naeenjoy ko ang trabaho ko at hindi lahat ng nagtatrabaho sa isang call center company ay walang alam tulad ng mga sinasabi ng iba. Karamihan sa mga kakilala ko sa trabaho ay halos mga college graduate at professional. May iba-iba man silang rason kung bakit pinili nilang sa ganitong trabaho ay hindi ko na inaalam pa. Hindi biro maging isang call center agent sa totoo lang. Dito ka magiging artista, kailangan maging mahaba ang pasensiya mo. Iba't-ibang klase ng ugali ng tao ang makakasalamuha at makakausap mo araw-araw. At higit sa lahat, kahit ayaw mo sa numbers ay magiging instant accountant ka.
Tulad na lang ng isang ito..
"Ang sarap dagukan ng customer na iyon. Biruin mo, sabi niya sa akin '𝑰 𝒘𝒓𝒊𝒕𝒆 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒏 16 𝒍𝒂𝒏𝒈𝒖𝒂𝒏𝒈𝒆𝒔. 𝑰'𝒎 𝒏𝒐𝒕 𝒂𝒏 𝒊𝒅𝒊𝒐𝒕.' Pero hindi makaintindi ng basic english. Paulit-ulit kami sa issue niya sa bill niya. Badtrip talaga," reklamo sa akin ni Ripley. Isang Chat Support sa kumpanya at dating ka-team ko. Matalino siya. Dating General Surgeon pero heto at nandito sa kumpanya dahil gusto niya raw mag-iba ng landas. Mukhang wala na ring balak bumalik sa pagiging doktor dahil limang taon na siya rito katulad ko samantalang tatlong taon lang ang tinagal niya sa pagiging doktor.
"Sinasabi ko sa'yo, RIP ka talaga sa akin kapag binasa ko 'yang chat mo at binalasubas mo lang." Nakairap na saad ko sa kanya sabay kagat ng libre niyang cheese burger na tinda sa pantry.