"Wife?"
Napataas ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya. Nawala ang madilim na ekspresyon ng mukha niya at napalitan iyon ng mapang-asar na ngiti.
"Angas ba ng eksena ko? Pang K-drama ba?" Nakatawang tanong niya sabay halakhak nang malakas. Sa inis ko ay hinampas ko siya sa braso. Mukhang hindi siya nasaktan dahil mas lalo niya pa akong tinawanan.
"Lumayo-layo ka sa'kin Ripley at baka magdilim ang paningin ko sa'yo," inis na wika ko saka siya tinalikuran at naglakad palayo ngunit sumunod ang loko habang tatawa-tawa pang umakbay sa akin.
Pabalik na kami sa cottage area nang may marealize ako. Masamang tingin ang pinukol ko kay Ripley sabay malakas siyang siniko sa tagiliran. Malakas siyang napamura at napaaray.
"Aray! What was that for?"
"Bakit nandito ka? Hindi ka kasali sa outing hindi ba?" tanong ko. Nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan iyon ng ngisi. Nakakabwisit ang klase ng pagngisi niyang iyon. Papasa na nga siyang actor sa galing niyang magpalit ng expression.
"I booked this beach resort last month. I told you before, right?"
Napaisip naman ako bigla sa sinabi niya. Wala akong matandaan na may sinabi siya sa akin. Meron ba? I can't remember. Sa huli ay hinayaan ko na lamang iyon. Malapit na kami sa cottage area nang makita ko si TL Aria. She wasn't alone. Kasama niya si TL Roscoe habang ang isang braso niya ay nakakapit sa braso ng huli. Humarang sila sa daraanan namin ni Ripley kaya huminto kami.
"Ripley? Glad you're here! Hindi ka nagsabi na pupunta ka," bati ni TL Aria kay Ripley sabay napatingin sa akin.
"Hindi mo naman sinabi na pupunta ang boyfriend mo, Klein. Well, at least madadagdagan tayo. Right, Ros?" Malambing na saad niya pa kay TL Roscoe. Hindi ko alam kung sinadya niya ba ang paghilig sa braso ni TL Roscoe. Nang mapatingin ako ay marahang tumango si TL Roscoe sabay umiwas ng tingin sa amin. Akma na sana akong magpapaalam na mauuna na kami ngunit ang walanghiyang Ripley ay may balak yatang mang-asar lalo.
"You're out for swimming? Why don't we join you?" seryosong tanong niya kay TL Aria. Naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko. Mangali-ngali ko siyang batukan sa ginawa niya kung wala lang sila TL Aria sa harapan namin.
The nerve of this guy!
"Really? That's great!"
"Teka.." sabay silang napatingin sa aking tatlo.
"Yes, Klein?"
Napatingin ako ng hindi sinasadya kay TL Roscoe ngunit walang mababakas na ekspresiyon sa mukha nito. Makailang beses akong napalunok habang ramdam ko biglang panlalamig ng buong katawan ko. Hindi ganoon kalakas ang hangin kahit malapit kami sa dagat nang oras na iyon ngunit nanlalamig ako.
"Klein are you okay?" Biglang napalitan ng pag-aalala ang boses ni TL Aria habang nanlalaki ang mga mata ni Ripley nang tingnan ako.
Buti naman at narealize ng walanghiya.
"Sorry. I think we can't join you tonight. Klein's not feeling well. Excuse us."
Hindi na hinintay ni Ripley na makasagot sila TL Aria. Inalalayan na lamang niya ako hanggang makarating kami sa cottage na tutuluyan ko. Mabilis siyang kumuha ng tubig at pinainom sa akin. Nang kumalma ang sistema ko ay masamang tingin ang pinukol ko sa kanya.
"Sorry, Klein. I'm really sorry. Nawala sa isip ko- aray!"
Inis kong binato siya ng unan na nadampot ko. Nailagan niya iyon ngunit sa pangalawang unan ay sapul siya sa mukha.
"Bwisit ka talaga Ripley."
"Aray! Sorry na nga. Hindi na mauulit. Peksman."
I can't swim. May trauma ako sa dagat kahit pa sabihing gusto ko ang dagat. Muntikan na akong bawian ng buhay noon habang nasa dagat at iyon ang dahilan ng nangyari sa akin kanina.
"Bakit nandito ka? Huwag kang magsisinungaling na nag-book ka ng resort." Pang-iinteroga ko sa kanya. Ngunit hindi pa man siya nakakasagot nang malakas na bumukas ang pintuan ng cottage at pumasok doon si TL Aria. Nakasimangot ito at nang mapatingin sa amin ay nagtaka ako sa biglang pag-irap nito.
"TL? Did something happen? Where's TL Roscoe?" tanong ni Ripley sa kanya. Ilang sandali pa ay nawala ang pagkakasimangot ng mukha nito.
"Of course not. I was just surprised sa sinabi ni Roscoe sa akin. I didn't expect that." Kinikilig bigla na kwento nito. Hindi ako nag-react ngunit si Ripley ay tumawa lamang.
"Really? What did he say?"
"It's a secret Ripley. Saka bakit nandito ka ba?" may bahid na inis na tanong ni TL Aria sa kanya. Nagkatinginan kami ni Ripley dahil sa biglang pagbabago ng tono sa boses ni TL Aria. Sa huli ay pinagkibi-balikat na lamang namin iyon.
"Just because. Anyway, I'll go back to my room Klein. See you around," paalam niya sabay lumabas na. Naiwan naman kami ni TL Aria sa loob at ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin.
"TL lalabas na muna ako." Dali-dali na akong lumabas at hindi na siya hinintay makasagot. Paglabas ko sa cottage ay hindi ko inaasahan ang sumalubong sa akin.
Si TL Roscoe.
Napaiwas ako ng tingin nang makitang nasa akin ang atensiyon niya. Sa halip na diretso sana ang direksyon ko ay kumaliwa ako ngunit
hindi pa man ako nakakalayo nang tawagin ni TL Roscoe ang pangalan ko."Klein. Can we talk for a minute?"
"Y-yes po TL?" Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko ng mga oras na iyon habang nasa harap ko si TL Roscoe. Ilang beses pa akong napalunok sa kaba dahil sa presensiya niya.
Hindi sumagot si TL Roscoe. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay kong nanginginig.
"Klein, look at me." Utos niya na hindi ko ginawa. Sa ibang direksiyon ako tumingin dahil hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya.
"Is this really what you want?" mahinang tanong niya pa sa akin sabay hinawakan ang pulsuhan ko. Napakunot noo ako sa biglaang tanong na iyon. At hindi ko rin naman inaasahan na kakausapin niya ako.
Sinalubong ko ng tingin ang mga mata niyang matamang nakatuon sa akin. Ngunit siya rin ang unang umiwas sa aming dalawa. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at humakbang ng isang beses paatras. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko ngunit hindi niya pinahalata iyon.
"What are you talking about?" tanong ko rito. Nagsalubong ang mga kilay niya tanda na hindi niya nagustuhan ang tanong ko.
"Nakalimutan mo na ba?"
Ako naman ang hindi nakapagsalita. Mga ilang segundo akong nakatingin lang sa kanya at akma na sanang sasagot nang makita kong palapit sa amin si TL Aria. Sumimangot pa ito pagkakita sa akin.
"Ros, anong ginagawa mo rito? Hindi ka nagsabi na pupuntahan mo ako," aniya pa kay TL Roscoe. Tumingin sa akin si TL Aria at bakas doon ang pagtatanong sa mga mata niya.
"Ah, nagtanong si TL Roscoe kung nasa loob ka. Sakto kasing paglabas ko ay nakasalubong ko siya," paliwanag ko na lang saka walang paalam na iniwanan silang dalawa.
Nang makasiguradong nakalayo na ako sa kanilang dalawa ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Pakiramdam ko ay aatekihin ako sa puso dahil kay TL Roscoe. Ilang beses pa akong naghabol ng hininga dahil doon.
𝑊ℎ𝑎𝑡 𝑤𝑎𝑠 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑓𝑜𝑟? 𝐻𝑒 𝑛𝑒𝑣𝑒𝑟 𝑡𝑎𝑙𝑘𝑒𝑑 𝑡𝑜 𝑚𝑒 𝑏𝑒𝑓𝑜𝑟𝑒.