Chapter 2

8 1 0
                                    

-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-

Sumapit ang lunch ko. Wala nang naiwan na agent ko sa bay namin kaya lumabas na rin ako sa production floor at dumiretso sa pantry area. Kanina pa ako nagugutom at inaantok ngunit hindi ko alam kung matutulog na lang sa sleeping quarter o kakain pero dahil nasa pantry ako ngayon no choice ako kundi ang manatili rito.

"Klein!" Pagtawag sa akin ng isang SME ring si Xion. She's one of my closest co-workmate aside Ripley. Lumapit ako sa table nila. Kasama niya ang iba pang SME na kumakain din nang oras na iyon.

"Lunch niyo rin?" tanong ko sabay umupo sa katapat nitong upuan. Malapit iyon sa glass window kaya tanaw ko ang city lights.

"Break lang. Nagpaalam naman kami sa mga TL namin," sagot ni Xion.

"Lunch ko. Nauna na ako kina TL Roscoe. May inaasikaso pang email daw," wika naman ni Calissa. Isa ring SME at kaibigan ko. Nasa team siya ni TL Roscoe pagkakaalam ko.

"Ano bang meron kay TL Roscoe at halos crush siya ng halos karamihan sa mga babae dito sa office?" tanong ni Kairos. Isa namang QA o Quality Analyst.

"Ikaw na maging mysterious poging greenflag na team leader." Kinikilig na sagot sa kanya ni Calissa. May kasama pang pag nginig ng katawan na akala mo ay kinuryente. Napailing na lamang ako habang nakikisali na sa kwentuhan nila. Hindi ko na nagawang bumili ng pagkain dahil pakiramdam ko ay biglang nawala ang gutom sa katawan ko. Isang oras na lang din ay tapos na ang shift ko.

"Ang ganda pa ng mata niya. Grabe ang sarap titigan lagi. Ang rare kasi ng kulay. Gray pero ibang klase ng pagka-gray yung mata ni TL."

"Ang bait pa ni TL Roscoe. Bukod doon ay napakacaring din niya sa mga agent niya." Si Calissa na siyang panay daldal tungkol kay TL Roscoe.

"Sila ba ni TL Aria? Lagi silang magkasama eh," tanong naman ni Kyros. Nasa tabi ko siya kaya lumingon ako sa kanya.

"Ewan ko. Nag-uusap sila, oo pero.. ah hindi ko alam. Kahit naman kasi inaasar ng team namin si TL Roscoe saka si TL Aria sa isa't isa wala silang comment pareho."

Patuloy lang nilang pinag-uusapan ang dalawang team leader habang ako ay tamang nakikinig lang sa kanila.
Naputol lamang ang pag-uusap nila nang may naglapag ng isang cheeseburger at Vitamilk na chocolate flavor sa lamesa namin.

"You should eat."

Sabay-sabay kaming nag-angat ng tingin sa taong pumutol sa pag-uusap nila.

"Panira ka naman ng moment, Rip. Busy kaming nag-chichikahan dito eh," reklamo ni Xion kay Ripley. Tinawanan lang siya ni Ripley na kumuha ng isang upuan sa tabing lamesa namin at tumabi sa akin.


"Bakit hindi ka bumili ng pagkain mo?" usisa niya sa akin.

"Sabi mo libre mo lunch ko." Pang-aasar ko. Wala naman talaga akong balak kumain dahil sa pangako niya kanina at isa pa ay nawala ang gutom ko dahil sa amoy ng mga pagkain pero dahil binilhan niya ako wala akong choice kundi kainin ang binili niya. Sayang eh. Libre din iyon.

"Oo nga pala. Sasabay ka ba sa akin pag-uwi?"

Umiling ako.

"Mag commute muna ako ngayon. Nakakahiya na sa'yo. Libre mo na nga ako lagi ng pagkain tapos pati sasakyan? Pass. Saka bukas naman na ayos na yung sasakyan ko," paliwanag ko rito.

"Sabi mo eh."

Patapos na ang lunch break ko ng pumasok sa pantry area si TL Roscoe at nakabuntot ulit sa kanya si TL Aria. Literal na buntot kasi nasa likod lang ito at hindi niya kasabay pumasok. Nauuna si TL Roscoe sa kanya.

"Si TL. TL Roscoe! Here!" Malakas na pagtawag sa kanya ni Calissa. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Ripley ngunit hindi ko iyon pinansin. Inabala ko ang sarili ko sa pagkain ng binili niyang cheeseburger. Dahil nakatalikod ako sa kung nasaan sila TL Roscoe ay hindi ko rin sinubukang tumingin sa kanila. Ayoko ring masalubong ang tingin niya.

Nanghihina ako.

"May vacant pang upuan dito TL. Dito na po kayo ni TL Aria," pag-aya ni Calissa sa kanila.

"No, thank you. Sa ibang table na lang kami."

Halos pasalamatan ko si TL Aria dahil sa sinabi niya pero nanlumo ako sa sagot ni TL Roscoe.

"It's okay Aria. Let's join them."

Sa huli ay sa table namin sila pumwesto. Katapat ko si TL Roscoe habang nasa tapat ni TL Aria si Ripley na tila walang pakialam sa bagong dating. Magkatabi silang dalawa at halos isiksik na ni TL Aria ang sarili niya sa tabi ni TL Roscoe. Ang mga kasama ko ay kilig na kilig naman sa kanilang dalawa.

"TL Roscoe, si Klein, Ripley saka si Kyros po. Mga SME sila sa team ni TL Iyah. Si Kyros po QA." Pakilala sa amin ni Calissa sa dalawa. Saglit lang akong nag-angat ng tingin sa kanila at muling tinuon ang atensiyon ko sa  cheeseburger na hindi ko pa nauubos.

"Dadaan ka ba sa bahay mamaya? Doon ka na mag-breakfast. Gusto ka ring makita ni Mama." Lahat kami maliban kay Ripley ay napatingin kay TL Aria dahil sa sinabi niya kay TL Roscoe.

Confirmed. Sila nga ni TL Roscoe.

Halos kinilig ang mga kasama namin sa lamesa habang si Ripley ay mas lalong naging tahimik at naging abala sa pagkain niya.

"I'll check later, Aria."

"Sure. Let me know ha? Alam mo naman si Mama, nag-eexpect makita ka. Mas mahal ka na niya yata kesa sa akin eh." Nakatawang wika pa ni TL Aria. Natigil lang ulit sila sa pagkukwentuhan nang tumayo si Ripley.

"Klein, sumabay ka na sa akin pag-uwi. I'll wait for you in the car." Iyon lang at walang paalam kaming nilayasan ni Ripley. Nasundan ko na lang siya ng tingin pag-alis niya.

"May gusto ba sa'yo si Ripley?" biglang tanong ni Xion. Hindi agad ako nakasagot kaya dinugtungan pa ni Calissa.

"Nililigawan ka niya? Infairness pogi din 'yun si Gray-eyed Ripley. Bagay kayo."

Hindi ko nagawang sumagot nang isa-isa na silang nagtayuan. Five am na pala. Tumayo na rin ako at hindi ko alam kung magpapaalam sa dalawang TL sa harap ko. Sa huli ay yumuko na lamang ako at umalis na.

Once in a LifetimeWhere stories live. Discover now