Chapter 7

6 1 0
                                    

-𝗔𝗥𝗜𝗔'𝗦 𝗣𝗢𝗩

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-
𝗔𝗥𝗜𝗔'𝗦 𝗣𝗢𝗩

𝑇𝑖𝑡𝑖𝑖𝑠𝑖𝑛 𝑘𝑜 𝑎𝑡 𝑝𝑖𝑝𝑖𝑙𝑖𝑡𝑖𝑛 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑢𝑚𝑎𝑝𝑖𝑡 𝑝𝑎..

"Sawi ka ba?" Napalingon ako sa may-ari ng boses na bigla na lamang sumulpot sa tabi ko. Medyo malakas ang pagkakatanong niya dahil broken hearted yata ang barista na nag-seserve ng alak dahil puro sad song ang tumutugtog sa malaking speaker. Sumabay pa ang malamig na simoy ng hangin dahil gabi nang oras na iyon.  Umupo siya sa katabing pwesto ko at umorder ng wine. Pasimpleng inirapan ko ito upang hindi makita ni Roscoe. Baka kung anong isipin niya sa ginawa ko.

"Why are you here Ripley? Dapat girlfriend mo ang kasama mo 'di ba?" diretsong tanong ko sa bwisit na ito. Naiinis ako simula pa kanina ng dumating siya. Naiinis ako dahil hindi maalis ang atensiyon ni Roscoe sa kanilang dalawa ni Klein. Ayokong magtanong dahil baka sa huli ay ako lang ang masaktan. Kasama ko siya pero ang atensiyon niya ay nasa babaeng iyon.

"Girlfriend? Ah.. Si Klein. Hayaan mo siya. Hindi naman ako ipagpapalit nun kahit kanino." Nakatawang sagot ni Ripley sa akin sabay nilipat ang tingin kay Roscoe. Tinaas niya ang hawak na wine glass bago nilagok ang huling laman niyon.

"Bakit? Lalaki lang ba ang pwedeng maging cheater?" Asar na tanong ko pa sa kanya.

"Bakit? May sinabi ba akong pagtataksilan ako ng girlfriend ko?" Nakangising saad ni Ripley sa akin, partikular na kay Roscoe dahil naroon ang atensiyon niya. Tiningnan ko si Roscoe at sa unang pagkakataon simula ng makilala ko siya ay ngayon ko lang nakita ang madilim na expression ng mukha niya. Napansin ko ang madiin na paghawak niya sa wine glass na anumang oras ay posibleng madurog dahil may kanipisan iyon.

𝑊ℎ𝑎𝑡'𝑠 𝑔𝑜𝑖𝑛𝑔 𝑜𝑛? 𝐴𝑓𝑓𝑒𝑐𝑡𝑒𝑑 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑖 𝑅𝑖𝑝𝑙𝑒𝑦?

"Gaano ka kasigurado na hindi magtataksil si Klein? She's just your girlfriend besides even a wife can cheat-"

"Will you both stop talking about her?"

Hindi ko man pinahalata ngunit nagulat ako sa biglang pagbabago ng mood ni Roscoe. Kung kanina ay mapapansin ang madilim na expression ng mukha niya pero ngayon ay kalmado na iyon. Hindi na rin ganoon kadiin ang hawak niya sa wine glass. Wala sa amin ni Ripley ang atensiyon niya dahil nakatutok ang pansin niya kay Klein.

𝐷𝑎𝑚𝑛! 𝐾𝑙𝑒𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛.

Malayo sa amin ang babaeng iyon. Nasa may bar area kami sa labas ng cottage habang ang babaeng iyon ay malapit sa dagat at masayang nakikipagkwentuhan sa mga kapwa niya SME habang nasa gitna nila ay ang bonfire.

"Ang saya niya 'no?" Mayamaya ay saad ni Ripley sa tabi ko. Inginuso niya pa si Klein sabay lingon kay Roscoe. Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating dito pero halata ang pang-aasar sa tono ng boses niya.

Once in a LifetimeWhere stories live. Discover now