-
𝗞𝗟𝗘𝗜𝗡'𝘀 𝗣𝗢𝗩"Are you sure you're okay? Kung hindi mo kayang pumunta sa outing sabihin mo lang. Ako na ang magsasabi kay TL Iyah." Makailang ulit akong tinatanong ni Ripley at nakukuli na ang tenga ko sa kanya.
Nagising akong nasa loob ng isang private room ng isang hospital kagabi. Hindi ko alam kung anong nangyari at sa ospital ako bumagsak. Ang huling natatandaan ko lang ay narinig ko ang pagtawag ni TL Aria sa pangalan ni TL Roscoe. Pagkatapos niyon ay hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin.
"Hindi nga pwede. May outing ang mga Team Leader at kasama kaming mga SME. Minsan lang din 'yon," mahinang sagot ko sa kanya. Nakauwi na ako sa bahay at siya ang kanina ko pa kausap sa cellphone. Mula paggising ko ay hindi na niya ako tinantan sa pagtawag. Siya ang sumundo sa akin sa ospital at naghatid pauwi. Mag-aalas nuebe na ng umaga nang maggising ako simula paghatid ni Ripley sa akin sa bahay.
"Sabagay. Ihatid na lang kaya kita mamaya?" See? Napakakulit niya pero kahit paano ay nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit may pagkasiraulo siya ay ang laki ng naitulong sa akin ni Ripley.
"Rip, kaya ko na nga. Saka may van na susundo sa amin mamaya."
Sa office magkikita ang mga Team Leader at SME na sasama sa outing dahil sa doon magmumula ang van na sasakyan namin. Depende na lang kung may sariling sasakyan kami, pwedeng sundan na lang ang van. Pero kahit mayroon man ay hindi ko rin gustong gamitin dahil malayo ang biyahe.
"Sigurado ka?"
"Yes sir. Kaya tigilan mo na pangungulit sa akin, okay?" pagbibiro ko.
Kinuha ko na ang traveling bag na dadalhin ko at sinukbit iyon sa may balikat ko.
"Alright. Alright. Wala naman na akong magagawa."
"Wala talaga. Sige na. Paalis na rin naman ako."
"Sure. Ingat doon."
"I will, Rip. Bye!"
In-end ko na ang tawag niya saka nilagay sa kotse ang gamit ko. Iiwanan ko muna sa parking lot ng office ang sasakyan dahil nga balak kong sumabay sa van.
Mahigit forty-five minutes din ang inabot ng biyahe ko bago nakarating sa office. Nang mai-park ko ang sasakyan ko ay agad na akong dumiretso sa tapat ng entrance ng office. Nandoon na halos karamihan sa mga team leader at SME. Pati na rin si TL Roscoe at Aria. Magkatabi silang nakatayo sa isang puting BMW na sasakyan. Dahil halos marami na kami ay natapat ang pwesto ko sa kanila. Busy si TL Aria na nakikipagkwentuhan kay TL Iyah habang si TL Roscoe naman ay nasa phone niya. Mabilis akong umiwas ng tingin at sa ibang direksiyon ko dinako ang atensiyon ko dahil bigla niyang inangat ang tingin niya.
"Klein!" Malakas na pagtawag sa pangalan ko ng bagong dating na si Calissa. Kasama niya si Xion na parehong hinihingal pa.
"Anyare sa inyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.