𝗞𝗟𝗘𝗜𝗡'𝗦 𝗣𝗢𝗩
-"𝐹𝑖𝑛𝑒. 𝐼 𝑑𝑜𝑛'𝑡 𝑙𝑖𝑘𝑒 ℎ𝑒𝑟. 𝑆𝑎𝑡𝑖𝑠𝑓𝑖𝑒𝑑?"
"What's on your mind?"
Nagkibit-balikat ako sa tanong ni Ripley. Wala akong ganang makipag-asaran sa kanya. Bukod sa tinatamad ako ay paulit-ulit lamang naglalaro sa isipan ko ang naging sagot ni TL Roscoe kay TL Aria. 𝐻𝑒 𝑑𝑜𝑒𝑠𝑛'𝑡 𝑙𝑖𝑘𝑒 𝑚𝑒. Ano naman? Hindi ko sinabing gustuhin niya ako. Pero kasi..
"Did you know that I watched an interesting movie earlier?" natatawang tanong pa ni Ripley sa akin. Kumuha siya ng puting buhangin kung saan kami nakaupo habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Pasado alas diyes na ng gabi pero hindi ko magawang makatulog. Pinaglaro niya sa mga kamay ang buhangin habang nagkukwento kahit hindi ko tinatanong.
"You know, the male lead being a jerk and then there's another woman who loves him. However, it's a one-sided love," pagkukwento niya. Nanatili lang akong nakatingin sa dagat habang patuloy siya sa kwento niya.
"The jerk still loves the female lead but.." Huminto siya at biglang hinawakan ang mukha ko sabay pinaharap sa kanya.
"Ano?!" singhal ko sa kanya. Tinawanan ako ng siraulo at binitiwan na ang mukha ko. Ramdam ko pa ang paggaspang ng mukha ko dahil sa white sand na galing sa kamay niya. Inis na pinunasan ko ang mukha ko at nilinis ang kamay gamit ang manggas ng damit niya. Mabuti at hindi siya nagreklamo kung hindi ay tatamaan siya sa akin.
"To make the long story short, the female lead doesn't want the male lead in her life anymore. She's happy being alone."
"Paano mo nasabing masaya na yung female lead?" usisa ko. 𝑆𝑎𝑛𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑖𝑖𝑤𝑎𝑛 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑠𝑎𝑦𝑎.
"She doesn't talk about the male lead. Even they see each other, the spark weren't there unlike before."
"Hmm.. what if magaling lang magtago ng feelings yung female lead? Hindi naman lahat ng iniiwan ay masaya," ani ko. Natahimik si Ripley at tumitig sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay at ang walanghiya ay ginaya ako.
"Sure ka? Magaling magtago yung female lead sa totoong nararamdaman niya?" curious na tanong niya. Nilapit niya ang mukha sa akin at nandoon na naman ang nakakabwisit na ngisi niya. Hays. Gwapo sana siya kung hindi lang parang isip bata kung minsan.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba nanood nung movie?"
"Grabe. Nagtatanong lang naman. Teka.. hindi ka pa matutulog? Bukas na balik natin sa Manila."
"I can't sleep." Tipid na sagot ko sa kanya. Hindi nagsalita si Ripley hanggang sa naramdaman ko ang pagpatong ng jacket na suot niya sa balikat ko. Bale doble ang suot kong jacket dahil suot ko ang sa kanya.
"Hmm.. do you want to visit her tomorrow?" mahinang tanong niya. Nagulat ako sa tanong niya at alam kong nakita niya iyon. Agad na nangilid ang luha sa mga mata ko.
"Kaya ko ba?" Halos mangatal ang labi ko habang hinihintay ang sagot ni Ripley.
"I know you can. Matagal ka niyang hinihintay, Klein. Miss ka na niya." Mabilis na naglandas ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabi niya. 𝐾𝑎𝑦𝑎 𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑏𝑎? 𝐻𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑛𝑎 𝑏𝑎 𝑎𝑘𝑜?
"M-miss ko na rin siya, Rip." Tuluyan akong napaiyak. Limang taon. Ganoon na pala katagal. Niyakap ako ni Ripley kaya kahit paano ay gumaan ang loob ko pero alam ko sa sarili ko na may kulang. It's still empty.
"It's okay. Cry all you want. You'll see her tomorrow."
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa pakiramdam ko ay wala na akong luhang mailalabas pa.
"Magpahinga ka na. Doon na tayo didiretso bukas." Tumango lamang ako sa sinabi ni Ripley bago nito ako alalayang tumayo at ihatid sa tapat ng cottage ko.
"Sleepwell. Good night." Pagkaalis ni Ripley ay hindi na ako nag-abalang buksan pa ang ilaw sa loob ng cottage dahil alam kong tulog na si TL Aria. Dumiretso na ako sa higaan at nagpalamon sa antok.
Halos tatlong oras lang ang naging tulog ko dahil 3 AM ang luwas namin pabalik sa Manila. Matapos kong ayusin ang gamit ko ay nakita ko si TL Aria na tila tulala at mugto ang mata. Napansin siguro niyang nakatingin ako sa kanya kaya agad siyang nagsuot ng itim na sunglass at walang salitang lumabas na.
Nang masigurong ayos na ang lahat ay lumabas na rin ako sa cottage. Sinundan ko ang mga ka-officemate ko papunta sa parking lot ng beach resort. Halos lahat ay nandoon na.
"Okay, kung sino ang magkakasama sa sasakyan ay doon kayo ulit sasakay para sakto lang. Walang labis, walang kulang. Convoy ulit guys lalo na at alas tres pa lang ng madaling araw. O siya, sakay na," pagbibigay instructions sa amin. Didiretso na sana ako sa sasakyan ni TL Roscoe nang sumulpot si Ripley bitbit ang gamit nito.
"Klein, sa akin ka sasabay."
Wala na akong nagawa nang kunin niya sa akin ang bag ko at sinalpak sa loob ng kotse niya. Nagpaalam lang ako saglit kay TL Roscoe pero hindi naman ako nakakuha ng tugon sa kanya. Sa huli ay sumunod na ako kay Ripley. Mabuti na rin iyon at baka kailangan din nilang mag-usap ni TL Aria.
Tahimik ang naging byahe namin hanggang makarating kami sa Manila. Pasado alas nuebe ng umaga nang makaluwas kami. Nang makita ko ang daan na binabaybay namin ni Ripley ay hindi ko maiwasang maluha na naman. Pinagmasdan ko lang ang malawak na daan at iba't ibang bulaklak na nasa gilid. Dahan-dahan kong binaba ang bintana ng sasakyan at pinapanood ang bawat taong labas pasok doon.
"Malapit na tayo." Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Ripley. Pinanlamigan ako ng kamay habang pilit kong inaalis ang kaba sa dibdib ko.
"I know you'll be alright, Klein. Trust me."
Nang huminto ang sasakyan sa isang malaking gate ay parang ayoko pang bumaba. Ayokong hawakan ang lock sa pinto ng kotse. Makailang beses kong sinara ang kamao ko upang hindi buksan ang pinto ngunit wala akong nagawa nang bumaba si Ripley at siya ang nagbukas para sa akin.
"Kaya mo. Hinihintay ka na niya."
"S-sasamahan mo naman ako 'di ba?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko sa kanya. Ngumiti lamang siya sa akin at inalalayan akong patungo sa gate. Hindi naka-lock iyon pagdating namin kaya pumasok na rin kami.
Tuluyan ng nalaglag ang luha sa mga mata ko nang makita ang pamilyar na pigurang nakatayo sa harap ng isang malaking portrait sa loob ng gate na iyon.
𝑊ℎ𝑦 𝑎𝑟𝑒 𝑦𝑜𝑢 ℎ𝑒𝑟𝑒? 𝐻𝑖𝑛𝑖ℎ𝑖𝑛𝑡𝑎𝑦 𝑚𝑜 𝑟𝑖𝑛 𝑏𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑘𝑎𝑡𝑢𝑙𝑎𝑑 𝑛𝑖𝑦𝑎?
"Kuya."
Pagtawag ni Ripley sa kanya ay unti-unti siyang lumingon sa akin. Ang malamig niyang mga mata ay napalitan ng malamlam na tingin.
"Thank you, brother."
"Klein, it's time for you to face her. We've been all waiting for you. It's time for both of you to heal from the past."
Mahinang tapik sa pisngi ko ang ginawa ni Ripley bago ito tuluyang umalis. Nang maiwan ako kasama 𝑠𝑖𝑦𝑎 ay patuloy lang sa paglandas ang mga luha ko.
"I've been waiting for you all these years, wife."