Chapter 4

7 1 0
                                    

-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

-

𝗔𝗥𝗜𝗔'𝘀 𝗣𝗢𝗩

"Thank you again. You're really my saviour, alam mo ba iyon?" Pasasalamat ko kay Roscoe dahil sa pagpunta niya sa bahay namin kahapon. Kung hindi ko lang binanggit si Mama ay hindi talaga siya pupunta. Isang beses ko siyang niyaya dati sa bahay at nagustuhan agad siya ng nanay ko. Akala yata ay boyfriend ko si Roscoe kaya halos araw-araw niyang bukambibig sa akin na papuntahin ko sa bahay si Roscoe.

"Don't mention it, Aria." Iyon lang at muli na siyang bumalik sa pagkain. Kaharap ko siya at lagi kaming magkasama simula pagpasok hanggang sa pag-uwi sa trabaho pero hanggang ngayon ay wala pa ako halos alam tungkol sa kanya. Sa ilang buwan niyang pagtatrabaho bilang Team Leader sa kumpanya ay tanging pangalan lang yata niya ang alam ko sa kanya. Maliban sa paborito niya ang chicken curry ay iyon lang ang alam ko sa kanya bukod pa sa pangalan niya.


"Pwede bang sumabay ulit pauwi? Coding kasi ang sasakyan ko. Ayoko namang mag-commute dahil traffic sa main road." Oo. Halos araw-araw akong sumasabay pauwi kay Roscoe. Magkaiba ang way namin pero napipilit ko pa rin siyang isabay ako pauwi. Kaya akala ng marami ay may relasiyon kaming dalawa. Pero wala. Na mas kinakainis ko.


"Okay." See? Magsabi lang ako ay pumapayag agad siya.

Iyon lang dahil nasa kung saang direksiyon na naman ang atensiyon niya. Lumingon ako at nakita kong sa isang partikular na SME na naman ang pansin niya. Hindi ko alam pero may ibang reaksiyon akong nakikita sa mata ni Roscoe habang nakatingin sa babaeng iyon. Halos araw-araw ay laging ganoon. Hindi niya kinakausap yung babae pero lagi naman siyang nakatingin dito.

Gusto niya ba si Klein?

Nang dumaan ang babaeng iyon sa table namin ay hindi ko napigilang magparinig. Gusto ko lang isipin ng babaeng iyon na hindi pwedeng maging sa kanya si Roscoe.


"Salamat ulit ha? Napasaya mo si Mama nung pumunta ka kahapon."


Tumingin lang sa akin si Roscoe at muling bumalik sa pagkain. Pagkatapos ng lunch break ay dumiretso ako sa locker area. Si Roscoe ay dumiretso sa Director's Office dahil pinatawag daw ito. Literal na tumaas ang kilay ko nang makita si Klein. May kung anong inaayos ito sa locker nito at makailang saglit pa sinara na nito ang locker. Saktong pagharap niya ay nakita niya akong nakatingin sa kanya. Lalapitan ko na sana ito nang umeksena ang isang agent na lagi niyang kasama. Lumapit ito sabay akbay sa babaeng iyon. Boyfriend niya yata. Well, mas mabuti iyon para tigilan na siya ni Roscoe.


Napairap na lamang ako at bumalik na sa production area pero wala pang ilang  minuto ay muli kaming pinatawag ng Operating Director. May magandang balita. Nag-invite ang babaeng client namin na magkakaroon ng outing. Worst is kasama pala pati ang mga SME. Walang pasok ang buong kumpanya dahil rest day ang araw ng outing.

"OMG! Bibili kami ng swimsuit."

"TL Roscoe sasama ka?" Agad kong tinaasan ng kilay ang isang team leader na nagtanong.

Once in a LifetimeWhere stories live. Discover now