Chapter 2

7.2K 449 167
                                    



Medyo magtatanghali na nuong makaalis kami. Sa kanya ako sumabay dahil ayaw nya ako payagan gumamit ng sarili kong kotse. Baka daw kasi takasan ko sya kapag nag convoy kaming dalawa.

Ang ginawa ko tuloy ay natulog nalang sa byahe. Hindi naman sobrang malayo pero gusto ko matulog e kesa ang makinig sa hangin o di kaya ay ang pagmasdan sya sa pag dadrive nya.

"You know what to do in front of them," - she said when we arrived.

She removes her seat belt and looks at herself in the mirror to see if nothing is wrong with her face. 

"Yeah I know. Medyo matagal tagal na din tayong umaacting kaya kabisado ko na ang gagawin."

Nauna na akong bumaba at iniwan na sya sa loob dahil alam ko na mag reretouch pa yon at aayusin ang buhok nya kahit ayos naman na.

She's too self-conscious because she's a model. She wants to look pretty and presentable as always, to the point that you don't have a choice but to turn your head when she passes by. Even her scent can make you go gaga.

I was tapping my foot on the ground when a warm hand held on to my arm. My head tilted to her side, and she gave me this fake smile, but if you didn't know her, you would probably mistake it for a genuine one. 

"Let's go?"

"Mamaya mo na ako hawakan. Wala naman tao."

Kinalas ko ang kamay nya sa braso ko at nauna na ako maglakad. Narinig ko naman ang pag sunod nya pero hindi na ako lumingon.

Hanggang kailan ba namin lolokohin ang pamilya namin?

"You're not mad at me, right?" - she asked, keeping up with my pace. Her heels were echoing on the floor. 

I didn't answer. I just shake my head in response. Before we turn right to the dining hall where her parents are waiting for us, she grabs my arm again and clings to it for a show. 

My lips were ready to say something, but a maid suddenly appeared in front of us and greeted us and guided us to the dining hall where her parents were waiting. 

"Mommy!!" - masiglang bati ni Quinn pero hindi ako binitawan.

Nagbeso sya sa mama nya pati ako at ganun din ang ginawa namin sa Daddy nya na tahimik pero hindi naman galit ang itsura.

"Blooming kayo pareho. Kailan nyo ba kami balak bigyan ng apo?" - tanong ni Mrs. Laurent sa tono na hindi ko alam kung nag bibiro o seryoso.

Quinn laughed and glanced at me, which made me confused.

"Mom, Ken is still too young to be a mom, and I'm not ready either. I'm at the peak of my career."

Ken..

Ken..

That's not my nickname! Kay kuya yon.

"Wag mo ng ipressure ang mga bata. Darating din sila dyan. Ang mabuti pa kumain nalang tayo." - yaya ni Mr. Laurent.

"Thanks Dad!" - sabi ni Quinn at tinawanan ang mama nya na biglang sumimangot.

Binitawan nya ako at naglambingan na  silang tatlo. Bumuntong hininga ako at naupo na sa bakanteng silya malapit sa manok.

Yes, I love fried chicken. It's the only red flag that I want to eat again and again.

Tahimik lang ako sa hapag, pa minsan minsan ay tumatawa kahit hindi ko gets ang pinag uusapan nila dahil mas naka focus ako sa masasarap na pagkain sa mesa.

Hindi naman ako matakaw, sadyang kapag masarap hindi ko talaga tinitigilan.

"Right, Ken?"

Muntik na ako masamid sa pag dapo ng kamay ni Quinn sa ibabaw ng hita ko. Nasa bibig ko pa yung kutsara habang dahan dahan na tumingin sa kanya pati sa parents nya na nakatingin din sa akin at parang nag eexpect ng response sa hindi ko alam na tanong.

Bound In Secrecy 🚩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon