Chapter 8

6.2K 474 149
                                    


We slept separately.

I end up sleeping on the floor. What a bitch.

Masakit tuloy ang likod ko at wala ako sa mood pag gising ko. Hindi kasi talaga nya ako pinahiga sa tabi nya. Akala naman nya gagapangin ko sya. Ano sya sinuswerte?

"Aahhh bwiset!" - singhal ko dahil tumama pa sa gilid ng upuan yung daliri ko sa paa.

I was limping on my way out when I saw her walking too, towards our room. I acted like nothing was happening and just let her walk past me as if I weren't there. 

Talagang nilagpasan lang nya ako at sinarado lang ang pinto ng kwarto pagkapasok nya. Napailing nalang ako at bumaba na. Kumuha lang ako ng pagkain dahil may mga nakahanda naman na sa mahabang mesa at lumabas na ako.

Naupo ako sa bamboo seat na nanduon at duon kumain ng agahan habang nakatanaw sa dagat. Na mimiss ko na pumasok sa school. Kumusta na kaya yung dalawa dun? For sure nag tataka yon dahil wala ako. Hindi ko pa naman ugaling umabsent dahil ayaw ko na may masabi na naman ang magulang ko sa akin.

"Hi cutie!"

Napahinto ako sa pag nguya at na patingin sa pinagmulan ng boses. It's the blonde girl from last night.

"Ngayon lang kita nakita dito. Kaano ano ka ni Quinn?" - tanong nya at lumapit. "Hindi nya nasabi na may bata pala dito."

Lumunok ako at bumuntong hininga.

"I'm not a kid, Miss."

"Okay? Pero sino ka nga muna? Ang cute mo kumain." - nakangiti nyang sabi.

My brows furrowed. "I don't talk to strangers."

She pouted and chuckled, "But you're responding to me. I'm Heidi, you are?" 

I look at her slim hand when she extends it in front of me. Since I'm not a total snob, I accepted it. 

"Rae." - maiksing sabi ko at bumitaw na.

Akala ko after nun aalis na sya pero naupo sya sa tabi ko at tumingin din sa dagat.

"You remind me of someone. I just can't tell exactly who it is." - she said, glancing at me, still smiling. 

I studied her face; she has a dimple. She looks like they young Rachel McAdams in her mean girl era, but her features are way softer. She's also petite, but not as tall as Quinn. 

"What?" - she asked, holding her cheek. "Do I have dirt on my face?" 

"No, you just look pretty," - I said honestly, and I continued eating my food. 

She giggled, and after that, silence enveloped us. Nobody spoke again until I finished my food. The only thing that breaks the silence is her ringing phone. 

"Ugh! They're looking for me," - she grunted and stood up. "I'm going back inside. I hope to see you again later. Bye!" 

I waved my hand lazily and didn't bother returning her warm smile. I watch her leave, and that's my cue to stand up and take a walk on the seashore. 

Hindi pako nag tatagal ay may narinig na akong papalapit na speed boat. Nanatili ako sa pwesto ko at walang emosyon nakatanaw sa dumating.

Kahit rinig ko ang boses ng mga kaibigan ni Quinn na lumabas ng bahay ay hindi ko magawang lumingon. Naka glue na yung mga mata ko sa lalaking matangkad at gwapo. Naka tshirt ito na white, khaki short, at may malawak na ngiti sa labi.

Patakbo itong umalis sa speed boat matapos makababa at sa paglingon ko nakita ko kung paano nya yakapin si Quinn na mukhang nagulat din pero no choice sya kundi ang kumapit nalang din dito dahil ma aout balance sya kung hindi.

Bound In Secrecy 🚩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon