"Sino na naman umaway sa'yo?" - puna ni Kylie pagkaupo sa tabi ko.
"No one."
"Sus! Sino nga? Sabihin mo at susuntukin ko. Laki laki ng muscles ko oh." - si Evren na pinakita pa yung biceps nya.
"Sige at ng ikaw naman ang masapak ko." - badtrip na sagot ko dito at umirap.
I heard Kylie suppressing her laugh beside me.
"Biro lang naman. Sino pala aattend sa'yo sa graduation?"
"Malamang yung lola nya."
Lola.. Hindi ko naman lola yung nakikita nila dati na na attend sa mga meetings. Mayordoma iyon sa mansion na naging second mom kona din. Sadly, nag resign na sya dahil na din sa katandaan at wala na akong balita sa kanya mula nung umuwi na sya sa probinsya.
"Does it matter? It'll pass like a normal day."
"Ang cold mo talaga pati sa sarili mo. Hindi ka ba love ng parents mo?" - asar ni Evren.
I know he's joking because he has no idea who I really am, but his question struck me like lightning. I felt cold and sick in my stomach.
Hindi ako nakasagot o mas madaling sabihin na hindi ko talaga sinagot dahil hindi ko din alam ang sagot sa tanong na iyon.
Nanahimik lang silang dalawa nuong pumasok na ang professor namin at nagsimula na mag discuss.
Para akong lutang the whole time na nakikinig ako sa discussion dahil ang daming sumasagi sa isip ko. Puro pangit na memories.
"Huwag kana kaya muna pumasok sa shift mo? Mukhang kailangan mo ng pahinga, friend." - sabi sa akin ni Kylie habang nag liligpit kami ng gamit. "Sumama ka nalang sa akin sa condo. Matulog ka dun."
Ngumiti ako at umiling dahil as much as possible gusto ko distracted ako ng ibang bagay ngayon.
"I can handle myself. Si Evren nalang yayain mo baka ma develop pa kayo."
"Eww! Kadiri!" - umakto pa sya na parang nasusuka kaya natawa na talaga ako.
"I heard my handsome name! Ano yon?" - sigaw ni Evren mula sa likuran bahagi ng room.
Hindi ko na sila pinansin pa at nauna na akong lumabas ng classroom. Isa lang naman subject namin ngayon kaya diretso na ako sa resto para sa shift ko.
Pagkadating ko duon ay binati ako ng iba kong kasamahan at tanging pag tango at ngiti lang ang naisukli ko dahil hindi naman ako palausap sa ibang tao. Dumiretso ako sa locker room at nagbihis.
"Kenny, table number nine." - sabi ni Mario na nakasalubong ko.
Pumunta agad ako sa table na sinasabi ng kasama ko at huminga ng malalim.
"Good afternoon, ma'am. May I take your orders now?" - nakayuko ako dahil kinuha ko din sa gilid ko yung notepad ko.
"Isang order ng five eleven na poganda at amoy baby ko please."
Dahil sa narinig ay napa angat ako ng tingin sa customer. Nabigla ako pero hindi ko pinahalata dito.
"Wala kami nyan, ma'am Heidi." - sagot ko at muling tumingin sa papel.
"You're here already."
I chuckled and met her gaze. "I'm working, ma'am."
She pursed her lips and leaned on her chair. Her eyes shamelessly rake on my body and stop on my face again.
"Anong oras out mo?"
"Six pm. Why?"
Ngumiti sya kaya lumabas na naman ang dimple nya.

BINABASA MO ANG
Bound In Secrecy 🚩
RomansaKenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has no plans to entertain anyone in her life, especially men, because she hates being sugarcoated with...