Simula

377 8 15
                                    


Nakatutok ako ngayon sa salamin dito sa banyo ng isang korean restaurant. Kailangan ko mag-retouch padating na raw kasi 'yong ka-blind date ko.

Ilang beses pa 'kong nag-pose sa salamin nang sa tingin ko ay okay na ang beauty ko saka ako lumabas ng banyo.

"Susmaryosep!" Bulalas ko nang pagbukas ko ng pinto mukha agad ng bestfriend ko ang bumungad. "Gigi, naman!"

"Sorry, girl. Ang tagal mo kasi kaya pinuntahan na kita," aniya.

Tuluyan akong lumabas ng banyo. "Bakit nandyan na ba?"

Matunog itong ngumite at mahinang napatili. "Nandyan na siya, nakaupo sa table natin. Ang pogi!" Kumapit ito sa braso ko.

Napatili ako. "Talaga?"

"Oo, girl!"

Naging lakad-takbo tuloy ang ginawa namin hanggang sa makarating kami sa sariling table.

Someone is sitting there. Nakatalikod pa ito sakin kaya hindi ko makita ang mukha pero 'yong likod palang na malapad at 'yong ma-muscle na braso, ulam na! Just kidding.

"Hi," bati ni Gigi kaya napalingon ito samin. Nakagat ko ang labi. Pogi nga!

"Siya na ba?" tanong niya kay Gigi pagkatapos niya kong sulyapan.

Tumango si Gigi. "Siya na nga. Her name is Stella Sanchez."

Ngumite ang lalaki sakin kaya mas lalo siyang pumogi. "Upo na muna kayo," aniya.

"Oo nga pala," alangan kong sabi. Umupo ako sa tapat nito. Napatingin ako kay Gigi nang manatili itong nakatayo. "Hoy, upo na," sita ko dito.

Umiling ito. "No, Ella. Aalis na ko. Date niyo 'to bakit pa ko magi-stay? Ayokong maging third wheel." Kumindat pa ito sakin. Magsasalita palang sana ko nang tumalikod na ito at nagmamadaling lumayo.

Umawang ang labi ko. "What the?"

Bumalik ang tingin ko sa lalaki nang bigla itong tumikhim. Maayos ko na siyang nakikita ngayon dahil magkaharapan na kami. Medyo shinave ang magkabilang gilid ng buhok nito at sa gitna lang medyo makapal ang buhok. He have maikling bangs na mukhang buntot. Meron siyang makapal na kilay at singkit na mata. Matangos na ilong at manipis na labi. Sa itsura niya ay mukha siyang masungit at badboy. Nakasuot siya ng white t-shirt at maong pants saka white rubber shoes na nakita ko kanina.

"Staring is rude, Stella," aniya habang nakangiti.

Napatikhim ako. Napatagal na pala pagtitig ko sa kaniya. "Alam mo na ang pangalan ko baka naman pwedeng magpakilala ka na rin?" mataray na tanong ko para itago ang pagkapahiya.

Nilahad nito ang kamay. "Loki Montero." Inabot ko ang kamay niya at nakipag-shake hands.

Nagbitaw na kami sa isa't isa.

Saglit kaming natahimik bago kami nagkatinginan at agad rin namang nagiwasan.

"Can I ask?" aniya.

"Nagtatanong kana," pamimilosopo ko kaya natawa siya.

"Sabi ko nga."

"Ano ba kasing itatanong mo?"

"Order muna tayo," suhestyon nito.

"Sige, nagugutom na rin ako, e," sang-ayon ko.

Tinawag niya ang waitress kaya lumapit ito samin. "What do you want?" tanong niya sakin.

"Kung ano na lang io-order mo," sagot ko.

Tumango ito at nag-order na. "Ano ng tanong mo?" I asked nang umalis na ang waitress.

Under The Night Sky | Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon