Kabanata 5

80 4 1
                                    



Three na ng hapon at nandito ako ngayon sa flower shop ko. Oo, may okasyon akong pupuntahan mamaya pero ayoko namang magutom ako sa susunod na araw kaya minabuti kong pumasok parin ngayon dito.

8 pa naman ng gabi kaya sure akong makakapag-ayos pa ko mamaya. Naisip ko rin na 'wag na magpatulong pa kay Gigi para sa susuotin ko dahil nag-shopping nga pala ko nakaraan. Isa pa, may dress nga rin pala kong bago na pasalubong sa akin ni Luiji.

Lumipas ang oras hanggang sa mag-five thirty na, don ko na napagpasyahan na bumalik ng condo para muling maligo at mag-ayos na.

Pagdating ko sa condo ay agad akong naligo at pagkatapos ay sinuot ko 'yong pasalubong sa akin ni Luiji, 'yon na lang ang naisipan kong suotin. Maganda naman, e. Pinagmasdan ko ang sarili sa human size mirror ko.

White floral dress na off shoulder at hanggang tuhod na may pa-flower rin na style sa likod ng bewang ko. Nakaumbok iyon.

Napangiti ako. "See? Bagay na bagay sa'yo, Stella. Ganda talaga mamili ng dress ng pinsan mo," kausap ko sa sarili.

Nagtungo ako sa vanity table ko at naupo ron. Pinusod ko ang buhok ko at inikot ang nakalaylay na buhok at muli iyong tinali. Kumuha lang ako ng unting buhok banda sa magkabilang-gilid ng noo ko at medyo kinulot 'yon at hinayaan ko ng nakalaylay.

Naglagay ako ng lip balm sa lips ko at kinalat iyon. Nag-blush on rin ako ng unti, basta mamula lang ng unti, sapat na. Pati sa talukap ng dalawang mata ko ay nilagyan ko rin. Tinaas ko ang mahaba kong pilik mata at nilagyan 'yon ng maskara. Pagkatapos ay nilagyan ko rin ng brown na pangkilay ang kilay ko.

Ngumite ako sa salamin. "Okay na siguro 'to."

Simple lang.

Sunod ay sinuot ko naman ang 3 inches na heels ko. Kulay puti rin ito.

Madaling kinuha ko ang phone ko na nasa kama ko nang may tumawag. Sinagot ko ang tumatawag.

"Are you ready?" he asked.

Tumango ako kahit hindi niya kita. "Yes."

"Labas kana. Nandito na ko sa tapat ng condo mo," aniya.

"Okay. Wait for me." After that i ended the call. Kinuha ko ang gray kong pouch at lumabas na nang condo ko.

"Do I look good?" tanong ko kay Loki pagkalabas na pagkalabas ko sa pintuan ng condo ko.

Pinagmasdan niya ko mula ulo hanggang paa. Ngumite siya. "Yeah, always."

Napabuga ko ng hangin. "Mabuti naman."

"How about me? Do I look more handsome now?" Ngumisi siya.

Pinagmasdan ko siya. He's wearing pink long sleeve na nakatupi ang manggas sa magkabilang singko, black pants and black leather shoes. He's you know... pogi as always. He has a good body na halatado sa suot niya.

Ngumite ako. "Mukha ka nang matino."

Napakunot noo siya. "Hindi ba ko matino sa paningin mo nakaraan?"

Natawa ko. "Hindi naman. I mean, you look so handsome today, an architect indeed."

Napasimangot siya. "Mukha ba kong tambay sa kanto sa mga suotan ko nakaraan?"

"No! It's not what I mean! You look more decent now, like a serious man."

Naningkit ang mga mata niya. "See? Siguro mukha kong basag-ulo sa paningin mo, 'no?"

Under The Night Sky | Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon