Kabanata 4

72 4 2
                                    

Gumising kami nang maaga sa hotel para maagang makabyahe pauwi. Tulog nga lang ako nang tulog dahil sa antok pero dahil nga sumisikat na ang araw, pumapasok na ito sa bintana at tumatama na sa mukha ko kaya nagising ako.

Napakusot ako ng mata at napatingin kay Loki na siyang nagda-drive, sumunod ay kay Gigi na tulog.

Muli akong bumaling kay Loki.

"Pabalagbag ba ko mag-drive kaya nagising kita?" Sulyap niya sa akin.

Umiling ako. "Hindi naman. Okay ka lang ba, Loki? Hindi ka ba inaantok? Gusto mo bang ako naman mag-drive?" presinta ko. Isang oras palang ata ang nakalipas simula nung bumyahe kami.

Umiling siya. "Hindi na. Matulog kana lang dyan. Gigisingin ko na lang kayo 'pag malapit na tayo," aniya.

"You sure?" Paniniguro ko.

Ngumite siya. "Yeah. Tulog na, medyo mahaba pa ang byahe." Muli niyang binalik ang paningin sa kalsada.

"Salamat." Ngumite ako.

Pasulyap-sulyap lang siya sa'kin dahil tumitingin siya sa daan.

"Ayoko niyan," anito.

Napakunot noo ako. "Huh?"

Ngumisi siya. "I don't need your thank you."

Mas lalo akong naguluhan. "E, ano pala?"

"Punta ko mamaya sa condo mo, payagan mo kong manood," ngiting-ngiting pahayag niya.

Napasimangot ako. "Until now wala paring internet WiFi mo?"

"Oo."

"Wengya," naibulalas ko na lang.

*****

Saglit lang ako nagpahinga sa condo ko pagkahatid sa'min ni Loki ron at agad ring nagtungo ako rito sa Flower Shop ko, ganon rin si Gigi na nasa Boutique niya ngayon. Minabuti naming pumasok ngayon dahil baka wala na kaming makain sa susunod na araw. Lalo na ko na dalawang beses na nag-sarado ng Flower Shop.

Isa palang ang nagiging customer ko ngayong umaga kaya todo abang talaga ko sa papasok sa Flower Shop ko. Bawat customer, ang siyang bumubuhay sakin sa araw-araw, kung wala kong customer, mamamatay ako sa gutom dahil ito lang ang trabaho ko.

Kaagad na napatayo ako nang may pumasok. Nakangiti ko sana itong babatiin pero hindi iyon natuloy nang makita ko kung sino ang pumasok, kasama nito ang tingin ko dalawang kaibigan niya.

"I heard that you and your husband will stay na sa U.S, is it true, Sunny?"

"Yeah. Gusto niyang mag-migrate kami ron," sagot niya sa kasama.

"Sana all. How I wish to have husband like yours. Gwapo na, mayaman pa."

Bakit ba sa dinarami-rami ng Flower Shop sa Pilipinas, bakit 'yong sakin pa 'yong napili nila?

"Gaga—" Natigilan ito sa balak sabihin nang mapatingin sa'kin. Napaiwas ako nang tingin. Badtrip na araw 'to. Hayst.

"Stella," mariing banggit niya sa pangalan ko. Napaangat ang tingin ko sa kaniya at matigas siyang tinignan.

"Bakit?"

Nilibot nito ang paningin sa Flower Shop ko. "So ito 'yong pinagmamalaki mong business mo?" nauuyam na sabi niya.

Hindi ako sumagot.

"Do you know her, Sunny?" One of her friends asked.

"Sana nga hindi na lang, e," sarkastikong sabi niya.

Under The Night Sky | Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon