Epilogue

162 5 5
                                    




"Mom, Dad, Look! Tingin niyo po marami kayang bibili sa akin ng ganitong disenyo?" Pinakita ko kay Mommy ang hawak kong malaking bouquet na hugis puso. Iba't-ibang uri ng bulaklak ang nasa loob niyon.


Nasa sahig ako ngayon at sumusubok ng iba't ibang disenyo na pwede kong gawin sa bouquet ko. Sahig talaga ang pinipili kong lugar 'pag gumagawa ako ng bouquet dahil malaki ang space.


"Syempre, anak. Gawa mo 'yan e, basta gawa ng anak ko, da-best!" puri ni Dad.


Napangiti ako. "Salamat po! Ikaw, Mom?" Baling ko kay Mom, hindi kasi siya sumagot.


Tumayo ito at naglakad palapit sa akin. "Patingin nga." Kinuha niya sa'kin 'yong bouquet na hawak ko. Pinagmasdan niya 'yon at sinuri.


"Ano, Mom? Maganda po ba?" Excited na muling tanong ko.


"Maganda, anak. Ako ang unang bibili. Magkano ba 'to?" Napasimangot ako.


"Hindi siya for sale, Mom. Sample lang 'yan." Kinuha ko 'yon sa kaniya pero kakakuha ko pa lang sa kaniya ay may humablot na niyon sa akin.


"Ate, baka masira!" Sita ko kay ate na siyang humablot. Makahablot kasi akala mo naman walang bukas.


Malaki na ang tiyan ni ate, pitong buwan na kasi siyang buntis. Ang asawa niya ay nagki-chemo pa rin pero dito na sa pinas dahil hindi naman na malala ang sakit niya dahil maagang naagapan. Nasa Madrigal Hospital ito, ro'n din ako naratay ng tatlong buwan dahil sa aksidenteng nangyare na siyang naging dahilan para ma-coma ako.


Sinuri rin ni ate ang bouquet. Napa-ismid siya. "Ang panget," insulto niya.


"Mukha mo. Akina nga 'yan!" Tumayo ako at hinablot 'yon. "Ikaw lang ang napangitan. Sabi nga nila Mommy, ang ganda raw."


"Sus, inuuto ka lang nila," si ate.


"Kapag tinusok ko 'yang malaki mong tiyan," asar na sabi ko sa kaniya.


"Sira-ulo!" Kaagad niya kong binatukan kaya napadaing ako at napahimas ro'n.


"Nagbibiro lang," nakangusong sabi ko.


"Kain na. Tinatawag na tayo ni Berting," singit ni Lolo na galing sa kusina. "Siya ang nagluto ng tanghalian natin ngayong araw."


"Tara na, kumain na tayo. Tama na 'yang bangayan niyo," si Mommy. Hinawakan ako nito sa kamay at hinatak. Hinablot ko naman kay ate 'yong bulaklak. Nilapag ko 'yon sa divider na nadaanan namin.


"Ito si Sunny, buntis na't lahat-lahat, kung maka-asta akala mo, bata pa rin," sermon ni Daddy kay ate.


Napanganga si ate. "Why me? Unfair kayo. Porke ba siya ang bunso? Siya ang kakampihan niyo?"


Lumapit sa amin ni Mommy si Daddy at umakbay ito sa akin.


"Oo," sabay na sagot ni Mom and Dad. Natawa ako.


"Whatever. At least maganda 'ko." Naunang maglakad si ate sa amin. At sinakto pa talaga ang paghawi ng buhok sa tapat namin.


"Tara na, Lo." Kumapit ito sa braso ni Lolo at sabay silang naglakad patungo sa dining area.


Napangiti na lang ako.


"Pakain rin!" Biglang dumating si Luiji. Pabalagbag pa ang pagbukas ng pintuan. Graduate na ito sa course na kinuha niya sa Italy at nag-eensayo na bilang piloto. Siguro mga ilang buwan na lang ay maaari na siyang tuluyang makapagpalipad ng eroplano.


Under The Night Sky | Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon