"Ang sarap ko ba?" Nakangising tanong ni Loki na nasa harapan ko na pala.
"H-Huh?" lutang na bulalas ko.
"You're drooling."
Kaagad kong pinunasan ang gilid ng labi. Meron nga.
Napatikhim ako. "Sabi mo sasakay tayo sa banana boat? Nasaan na?" Pagbabago ko ng usapan.
"Nakapag-rent na ko but we need to wait. Gamit pa kasi ng iba." Nginuso nito ang magbabarkada sa 'di kalayuan na gamit 'yong tatlong banana boat. Ang dami kasi nila.
"Bakit 'yan lang ba 'yong banana boat nila rito?" I asked.
"Oo. Lima daw 'yon pero nabutas 'yong dalawa at kailangan pang ayusin," sagot niya.
Tumango na lang ako. Hindi ko na siya tiningnan pa at pinanatili ang paningin sa magbabarkada. Ayoko kasing ibalik 'yong paningin ko sa kaniya dahil otomatiko 'yong bumaba sa tiyan niya, nakakahiya't baka makita niyang nakatingin ako ro'n.
Teka, nasaan na nga pala si Gigi?
Hinanap ko ito sa mga taong nasa dagat gamit lang ang paningin. And I saw her talking to Lee. Ayon naman pala. In-game na sa paglalandi.
Ang bilis niya namang makapunta ro'n?
"Loki!" Someone called Loki kaya sabay kaming napalingon ro'n.
Kaagad na napataas ang kilay ko nang makita ko ang isang babae. I know her, siya 'yong kasama ni Loki sa Mcdo nun. 'Yong ex niya.
Pinasadahan ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik. I don't know kung panty pa ba ang suot niya sa pang-ibaba dahil parang 'yong line na lang ng ano niya 'yong tinatakpan. Kahit 'yong bra niya, 'yong nipple na lang rin 'yong hinaharangan.
Lumapit ito sa amin—I mean kay Loki lang pala.
"What are you doing here?" Salubong ang kilay na tanong ni Loki sa babae.
"I texted Lee earlier. I asked where you were, and he said that you were here, so I followed," nakangiting sagot ni Rita.
Umigting ang panga ni Loki. "Napakadaldal talaga ng hayop na 'yon."
"Are you mad? Are you not happy that I'm here?" malungkot na sabi nito.
Napataas ang kilay ni Loki. "Bakit sino ka ba? Baka gusto mong tupiin kita sa walo?"
Napasimangot ang babae. "You're so harsh to me, babe. Parang dati lang sarap na sarap ka sa halik ko."
"H-Hoy, h-hoy! Sinungaling ka," kinakabahang sabi ni Loki na tinuro pa nga ang babae.
"So you're denying it now," mas lalong lumungkot ang itsura nito.
Kaagad na lumapit sa akin si Loki at tinakpan ang dalawang tenga ko gamit ang dalawa niyang kamay. "H-Huwag kang makinig sa kaniya."
"Ano mo ba siya, Loki? Bakit ganiyan ka kung umasta? Totoo naman lahat ng sinasabi ko, ha," asar na sabi ni Rita.
Hindi siya pinansin ni Loki. Tinangay ako nito palayo kay Rita habang nakatakip pa rin ang dalawang kamay sa tenga ko. Wala naman 'yong silbi kasi nakakarinig pa rin ako.
"Loki, hindi pa tayo tapos mag-usap!" tawag pa sa kaniya ni Rita.
"Shut up!" Sigaw niya kay Rita.
BINABASA MO ANG
Under The Night Sky | Completed ✓
RomanceStella Sanchez, a 23-year-old woman who is still NBSB, was busy with her studies before, so she didn't pay attention to suitors, but now that she is free every day, wala nang nanliligaw sa kaniya. Wala nang nagkakamali. She is fed up with her life r...