Kabanata 9

57 2 0
                                    


Nang makapasok ako sa loob ng condo ko ay tuluyan nang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.


Nagdere-derecho ako sa kwarto at nang makarating ako ron at makapasok ay nanghihinang napasandal ako sa pintuan. Dahan-dahan akong dumausdos pababa. Nilabas ko ang luha ko na ilang taong naipon. I cried silently.


Binaluktot ko ang tuhod ko at doon umiyak.


Masakit, oo, masakit. My Lola died sa araw mismo ng birthday ko at kasalanan ko 'yon! It's my fault. Sinumpa ko ang birthday ko matapos mangyare ang aksidente noong araw na 'yon.


Hinayaan ko lang ang sarili na umiyak hangga't hindi nauubos ang tubig sa katawan ko.


Pagkatapos ng limang taon, ngayon na lang ulit ako umiyak ng ganito.


"Stella?"


Natigilin ako nang marinig ko ang boses na iyon.


"Stella, nandyan ka ba?" Kumatok ito ng dalawang beses.


Mabilis akong napapunas ng luha. Paano siya nakapasok?


"You left your door open. Hindi ka ba natatakot manakawan? Ang laki pa naman ng TV mo," pangaral nito sa'kin. Muli itong kumatok.


Tiningnan ko ang sarili. No, no, ayokong makita niya kong ganito. No!


I cleared my throat. "A-Ano... Nakalimutan ko lang. Anong ginagawa mo dito?" Ayokong buksan ang pinto.


"Trip ko lang? Buksan mo nga 'tong pinto?" naiinip nang tanong nito.


Nakagat ko ang labi. Ayokong makita niya kong ganito. Inayos ko na lang ang sarili bago ako tumayo at buksan ang pinto.


"Bakit hindi nakasarado pinto mo? Gabing-gabi na, ha—" bungad na sabi nito pagbukas ko ng pinto pero kaagad din siyang natigilan nang makita ako.


"Umiiyak ka ba?" Nagaalalang tanong nito.


Kaagad akong umiling. "A-Ano... Hindi ah. Napuwing lang." Lumabas ako ng kwarto at sinarado iyon.


Nangunot ang noo nito at tinitigan ako ng matagal. "Nice lie," kapagkuway na sabi nito.


Napaiwas ako ng tingin.


"What happened?" Seryosong tanong nito.


"W-Wala. Ano bang ginagawa mo dito? Gabi na, ha." Pagbabago ko ng usapan.


"I'm here because I want to see you," sinserong sabi nito.


Peke akong natawa. "In-game kana naman sa kalandian mo, ha."


Hindi ito umimik pero humakbang ito papalapit sa'kin. Napaatras ako kaya napasandal ako sa pintuan.


Tinitigan ako nito gamit ang malamlam na mga mata. "Who made you cry?" tanong nito. Inangat nito ang kamay at nilapat iyon sa kaliwang pisnge ko. Pinunasan niya ang marka ng luha ko sa gilid ng mata ko.


Hindi ako nakaimik.


"Tell me, Stella."


Umiling ako pero muli nang nag-init ang mga mata ko.


Binaba nito ang kamay at nagpamulsa. "Let's watch fireworks display tomorrow," anito. "Sa isang amusement park."


Napayuko ako at tumango na lang. Inangat nito ang ulo ko para ipatingin sa kaniya.


Under The Night Sky | Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon