Kabanata 11

53 2 0
                                    


Nasa loob kami ng isang taxi ni Gigi at bumabyahe na papuntang benguet. After kasing umalis ni Luiji sa condo ko ay siya naman ang dumating at naka-ootd na at ready to go na lang kaya minadali niya ko.


"Kailan ang balik ni Luiji?" Bigla ay tanong nito.


"Last year niya na lang ngayon sa pag-aaral. He told me na after niyang grumaduate ay babalik na siya ng pinas pero hindi ko alam kung kelan 'yon," sagot ko. April pa lang ngayon. Pero dito kasi sa pinas ang normal na end ng school year is March or April.


"Sana may pangkain pa tayo mamaya 'pag nasa benguet na tayo," sabi nito na ang paningin ay nasa metro bill.


Napangiwi ako. Kaunti na lang kasi ay aabot na 'yon ng libo.


"Sino ba kasing may gusto sa taxi? I told you dapat nag-bus na lang tayo," reklamong bulong ko sa kaniya.


Napakamot ito ng ulo. "Ang hassle naman kasi dahil kada point ay lilipat tayo ng bus," reason nito.


Well she have a point.


Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa benguet at patungo na sa pabrika ng mga tela, sa supplier ni Gigi. Doon muna kami pupunta dahil mas malapit iyon.


Bumaba na kami sa Taxi at nagbayad na. Hating kapatid sa pagbayad dahil pareho kaming taghirap. Pumasok na kami sa pabrika. Mukhang nasabihan na ang guard ng may-ari ng pabrika sa pagdating namin kaya mabilis kaming pinapasok. Nagsimula na sa paghawak si Gigi sa bawat tela na nakikita niya. Malaki ang pabrika at malawak. Iba't ibang kulay ng tela ang makikita mo. Makikita mo rin ang mga makina sa loob na siyang bumubuo ng mga ito at ang mga taong naghahanay ng mga iyon sa bawat kulay o klase ng tela. Mapababae at lalaki.


May isang bakla ang lumapit sa amin. "Hi, Gigi, Girl. Long time no see," masayang sabi nito. Mahinhin nitong niyakap si Gigi na agad namang tinugon ng kaibigan ko. Palagay ko ay ang edad nito ay trenta pataas.


"Hello, Adie," nakangiting bati rin ni Gigi. "Gumaganda ka atang bruha ka," puri nito sa bakla.


Nagbitaw sila ng yakap. Mahina siyang hinampas ng bakla sa braso. "Huwag mo na akong utuin, Gigi. Kilala kita, gusto mo lang makamura."


Natawa si Gigi. "I'm telling the truth, ha."


"Tse. Sino 'tong kasama mo?" tanong nung bakla at ang tinutukoy ay ako.


"She's my bestfriend," si Gigi. "Pakilala ka," sabi nito sa'kin.


Ngumiti ako. "Stella." Nilahad ko ang kamay kaya kinuha niya 'yon at nagpakilala rin.


"Adie," nakangiting sabi nito. Nagbitaw na ang kamay namin. "So ano bang tela ang kailangan mo, Gigi?" Muling baling nito kay Gigi.


"Satin and tulle," sagot ni Gigi.


"Okay. Dito tayo." Inakay niya kami patungo sa satin daw na tela. "Lahat ng satin at tulle na naririto ay magaganda ang kalidad."


Isa 'yong malaking lamesa na pulos tela.


Namili na nga ron si Gigi. Halos kalahating oras siya bago nakapili kaya bagot na bagot ako kakahintay.


Nagbayad na ito at nagpaalam na. Umalis na kami ng pabrika at sumakay nang jeep para magtungo sa pagbibilhan ko ng mga bulaklak. Sa jeep na lang kami sumakay dahil malapit na lang naman.


Nang makarating kami sa tapat ng wooden gate ng hardin ng supplier ko ay tumawag ako para ipaalam na nandito kami.


Nakangiting nag-abang ako sa tapat ng katamtamang laki ng wooden gate, inaabangan na pagbuksan ako ng may-ari o ng isa sa tauhan nito.


Under The Night Sky | Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon