"Do you think magugustuhan niya 'yong bouquet na 'to?" Gigi asked. Pinapakita niya 'yong bouquet of white roses na ako ang gumawa. Pinagawa niya sa akin kanina. Pagkarating na pagkarating niya palang dito sa flower shop ko mula sa meeting niya sa client na tinutukoy niya kahapon.
"Aba'y malamang kasi kung hindi, kukurutin ko 'yang singit mo. Pinaghirapan ko na 'yan!" sabi ko.
"Paano kung hindi niya nagustuhan? Pwede i-refund?" she asked.
"Hindi syempre! Kanino mo ba kasi 'yan ibibigay?"
"Sa crush ko dati nung highschool tayo! Years na rin noong huli kong nakita 'yon. Hindi ko nga inaasahan na bigla kaming magtatagpo kahapon. Tapos inimbita niya kong dumalo sa birthday niya," kinikilig na sagot niya.
"Sino sa mga naging crush mo nung highschool tayo? Ang dami nun, ah."
"Si David, girl! Buti nga nakilala niya ako. Akala ko nga hindi, e,"
Napangiwi ako. "E, 'di ba, may putok 'yon?"
Sinamaan niya ko ng tingin. "Grabe ka naman! Syempre malinis na siya sa katawan ngayon. Mukhang hygienic na nga, e."
Napailing na lang ako.
"Maka-alis na nga lang!" aniya at tumayo habang hawak ang bouquet of white roses. Kinuha nito ang shoulder bag sa sofa at sinuot. "Kita na lang ulit tayo, bye!" paalam nito at naglakad na papunta sa pinto.
"Sige. Ingat," sabi ko.
Umalis na ito kaya muli na naman akong na-boring. Pina-ikot ko ang paningin sa paligid.
Nagulat ako nang bigla kong makita si Loki sa counter. Pumikit ako at nang muling dumilat ay wala na siya ro'n.
Natulala ako. "Anong nangyare?" bulong ko.
Bumukas ang pintuan at pumasok ro'n si Loki. Napakurap-kurap ako baka kasi nagha-hallucinate na naman ako.
Nakasuot ito ng white shirt, maong pants at white rubber shoes. Ganiyan din ang suot niya noong una naming pagkikita sa korean resto, our first date.
Naglakad ito palapit sa akin. "Ang gwapo ko na naman siguro sa paningin mo kaya natutulala ka nang ganyan," anito.
Do'n ko na napagtanto na totoong Loki na siya. Hangin e.
"Hangin naman nito," ismid ko.
Pero totoong ang gwapo na naman nga niya sa paningin ko pero mas lalo siyang gumwapo ngayon. Ang aliwalas niya kasing tingnan ngayon.
He chuckled. Humalik ito sa pisnge ko bago naupo sa tabi ko. Nakagat ko na lang ang labi at 'di na nagtakang umangal.
"Nabo-bore ka ba dito?" He asked.
"Medyo," sagot ko.
"Do you wanna come to me?" anito.
"Saan punta?" takang tanong ko.
"Sa penthouse ko." Inipit nito ang nakahiwalay na ilang hibla ng buhok ko sa tenga ko saka siya umakbay sa akin.
"Ayokong iwan 'tong flower shop ko. Wala pa kong benta," I pouted. Si Gigi pa lang kasi ang nagiging customer ko ngayong araw. "At saka wala ka bang gagawin ngayon?"
Umiling siya. "Nothing."
"Ano bang gagawin natin sa penthouse mo?" I asked.
"Gusto mo bang matuto mag-paint? Tuturuan kita."
BINABASA MO ANG
Under The Night Sky | Completed ✓
RomanceStella Sanchez, a 23-year-old woman who is still NBSB, was busy with her studies before, so she didn't pay attention to suitors, but now that she is free every day, wala nang nanliligaw sa kaniya. Wala nang nagkakamali. She is fed up with her life r...