Tatlong araw na ang lumipas at tapos ko ng gawin ang kalahati sa pinapagawa sa'kin ni Miss Castro at Mr. Dela Torre. At 'yon ay 'yong mga bilog na gawa sa artipisiyal na mga bulaklak. 30 pieces ang gagawin ko na ganon at 15 na ang tapos. Gaya nga ng sabi ko, gagawin ko ang 15 pieces gamit ang real na mga bulaklak. At gagawin ko 'yon the day before their wedding day.
Dahil nga tapos na ko sa mga bilog na gawa sa artipisiyal na mga bulaklak, inumpisahan ko na ngayon ang heart na gawa rin sa artipisiyal.
Nasa loob ako ngayon ng condo ko, dito sa sala. Gabing-gabi na nga pero patuloy parin ako sa paggawa ng heart na gawa nga sa mga artipisiyal na bulaklak. Hindi naman iyon buong heart talaga, heart nga siya pero butas ang gitna. Hinugis ko 'yon gamit ang matibay na alambre na nakatusok na sa foam, at don ko tinutusok ngayon ang mga bulaklak. Doon nga ko nahirapan kanina kaya ko natagalan at nasa simula palang talaga sa pagtusok ng mga bulaklak. Tatadtarin ko kasi 'yon ng mga bulaklak para syempre hindi makita 'yong puting foam. At sa paahan naman ng heart ay nilagyan ko ng medyo mahabang kahoy para tumayo at pinatungan ko rin ng foam. Tutusukin ko rin ng mga artipisiyal na bulaklak.
Tusok lang ako nang tusok kahit inaantok na.
Madaming kalat ngayon ang condo ko dahil sa ginagawa kong 'to. 'Yon 'yong mga artipisiyal na bulaklak na hindi ko sinasadyang masira. Nasa glass table lang din 'yong pinagkainan ko ng dinner dahil hindi ko na 'yon nagawa pang ligpitan at tumutok na agad sa paggawa nito. Nasa lapag din 'yong pinagputulan ko ng foam at alambre.
Napansin kong nakawanport na ko sa ginagawa kaya tumingin ako sa wall clock. It's already 1:30 am.
I need to rest. May ilang araw pa naman ako before ang kasal.
Tumayo ako mula sa lapag at agad na napahawak sa pwetan ko. Sumakit kasi. Pati likod ko masakit. Umunat-unat ako habang naglalakad patungo sa kwarto ko. Nang makapasok sa kwarto ay naglinis muna ko ng katawan at nagbihis ng pantulog.
Nahiga na ko sa kama at pumikit para matulog.
****
Gumising ako nang maaga para ipagpatuloy na ang ginagawa kong heart na gawa sa artipisiyal na bulaklak, habang nagkakape at kumakain ng sandwich.
Sa kalagitnaan ng ginagawa ko, my phone rang. Nasa tabi ko lang ito kaya agad kong nasagot.
"Hello?" bungad ko.
"Stella, how are you?" Natigilan ako sa baritonong boses na 'yon. It's Loki. Nakalimutan ko kasing tingnan kong sinong caller. Huli naming pagkikita is 'yong sa benguet pa tapos hinatid niya ko rito.
Sasagot na sana ko nang muli siyang magsalita sa kabilang linya.
"I miss you. We've both been busy lately."
Nakagat ko ang labi. "O-Oo nga, eh," sagot ko.
"Punta ko dyan mamaya."
Kaagad na napatingin ako sa paligid nang sabihin niya 'yon. Nanlaki ang mata ko. "B-Bukas na lang!" Sobrang kalat pa naman ngayon dito.
"Why? Busy ka pa rin ba? Makaka-abala ba ko 'pag pumunta ko dyan mamaya?"
"N-No! A-ano kasi..." Napakamot ako ng ulo. "Sobrang kalat kasi ngayon dito sa condo ko. Nakakahiya kung pupunta ka," amin ko.
"It's okay. Tutulungan na lang kitang magligpit dyan," anito. Nanlaki ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Under The Night Sky | Completed ✓
RomanceStella Sanchez, a 23-year-old woman who is still NBSB, was busy with her studies before, so she didn't pay attention to suitors, but now that she is free every day, wala nang nanliligaw sa kaniya. Wala nang nagkakamali. She is fed up with her life r...