"Ito na pala ang condo mo? Ganda, ha," kaagad na sabi ni Luiji nang makapasok kami sa condo ko.
"Wow, flat screen TV! Saang mall mo 'to denekwat?" aniya nang mapatingin sa TV ko.
"Binili ko 'yan, huwag kang ano."
Natawa siya. "Nagbibiro lang." Umuunat na naupo siya sa sofa ko at sumandal ron. "Parang ngayon ko lang ata naramdaman ang pagod mula sa flight ko kanina."
Naglakad na rin ako papasok habang hinuhubad ang heels ko. Nang mahubad ko 'yon ay nagpalit ako ng slippers na pambahay. "You can sleep here. May guess room naman rito," sabi ko.
Umupo ako sa single sofa at nilapag sa glass mini table ang shoulder bag ko.
"Later. Let's eat muna, insan."
"Hindi ako mahilig magluto, order kana lang. Ako ang magbabayad."
Napangiti siya. "Nice."
Omorder na nga siya at almost thirty minutes lang ay dumating na rin ito kaya kumain na kami. Isang pizza, two burger, two shawarma rice at para sa inumin ay nagtimpla na lang ako ng juice.
"Kung tulungan na kaya kita magka-love life, insan? Gusto mo bang ireto kita sa kaibigan ko?" Pagbubukas nito ng topic.
"Kahit 'wag na. Masaya na nga ang buhay single ko, okay?" Kumagat ako sa burger ko.
Sinubo nito ang buong pizza bago muling nagsalita. "Try mo lang, para kahit papaano naman ay makaranas ka ng kilig sa katawan."
"No thanks. Sapat na sa'kin ang nararamdaman kong kilig tuwing umiihi ako."
Bigla naman itong nasamid kaya kaagad kong inabutan ng tubig. "Ginagawa mo, Luiji?"
Nang mahimasmasan ito ay saka ito tumawa. "Your so funny, insan!"
Napakunot noo ako. "Nakakatawa? Baliw kana?"
Muli siyang natawa at humawak pa talaga sa tiyan niya habang sa kabilang kamay ay hawak niya ang isang slice ng pizza.
Napailing na lang ako.
****
"Good morning, Ella!" Bati nito mula sa kabilang linya.
"Ano ba ang aga-aga pa," antok na reklamo ko sa kaniya. "Bakit ba napatawag ka?" Inaantok na umupo ako mula sa pagkakahiga. Napakamot ako ng ulo.
"Guess where am I? Dali!" Kinikilig na sabi nito.
"Nasaan ka ba?"
Napatili na ito. "I'm on my way to White Villa!"
"Ha? White Villa?"
"White Villa na matatagpuan mo sa Laguna. Isa 'yong Ice skating rink. At yeah nandito na ko sa Laguna at papunta na ron," excited na excited na sabi nito.
Napangiwi ako. "Ano na namang trip mo, G?"
Natawa siya sa kabilang linya. "Na-bored ako sa boutique ko at naisipan kong mag-ice skate."
"Aga-aga, G. Seriously? Saka marunong ka ba non?"
Tumayo ako at nagtungo ng banyo. Pagkapasok ko ay sumandal ako sa pintuan.
"Hindi, pero susubukan ko lang. Tingin ko kasi masaya, e."
"Ewan ko sa'yo, G. Tumawag ka lang ba para ipaalam sa'kin na nasa Laguna ka at magi-ice skating?"
BINABASA MO ANG
Under The Night Sky | Completed ✓
RomansStella Sanchez, a 23-year-old woman who is still NBSB, was busy with her studies before, so she didn't pay attention to suitors, but now that she is free every day, wala nang nanliligaw sa kaniya. Wala nang nagkakamali. She is fed up with her life r...