Kabanata 2

109 3 0
                                    



"Ay kumag ka!" Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang pagdilat na pagdilat ko mukha ni Gigi ang bumungad sa'kin, sobrang lapit pa ng mukha niya.

Napaupo rin ito sa gulat. "Ano ba 'yon, Ella?" antok na reklamo nito.

"Bakit dito ka na naman natulog?" Hindi na ko nagtaka na malaya siyang nakapasok dahil alam naman niya ang password ng pinto ko.

Umunat ito at nagtagal ng muta. Kadiri.

Tumingin ito sa'kin bago napangisi. "Kumusta date niyo ni Loki?"

"Ewan ko sa'yo, ang aga aga, G."

"Eh, 'yon nga 'yong pinunta ko dito!"

Inirapan ko siya. "Mag-tooth brush ka muna! Ang baho ng hininga mo!" reklamo ko habang nagtatakip ng ilong.

Inamoy nito ang hininga. "Hindi naman, ha."

"Ang baho nga!"

"Ito na, magto-tooth brush na. Arte!" Tumayo na ito at pumunta ng banyo.

Napaunat ako. Napatingin ako sa wall clock ko. Maga-alas otso na pala.

Tumayo na ko at kinatok si Gigi na nasa banyo. "Bilisan mo. Magto-tooth brush din ako!"

Umungol lang ito dahil malamang nagto-tooth brush. Natigilan ako. "Anong gamit mong toothbrush?" kinakabahang tanong ko.

"Shayo," sagot nito na obviously may toothbrush ang bibig.

"Gigi, kadira ka!"

*****

"Ano na, Ella. Ano ngang nangyare sa date niyo kahapon ni Loki?" atat na atat nang makasagap ng chismis na sabi ni Gigi. Nasa hapag kami ngayon kumakain mg almusal.

"Kumain lang kami, okay? 'Yon lang!"

Napasimangot na naman ito. "Iyon lang ulit? Ang boring niyo naman. Wala nang ibang naganap?"

Umiling ako. "Wala na."

"Ano ba 'yan. Wala bang ibang diskarte si Loki kundi pakainin ka? Kung ganyan lang nang ganyan, baka tumaba ka lang!" asar na sabi nito.

"Ang dami mong alam, G. Kumain kana nga lang," suway ko rito.

"Nga pala, Ella. Tumawag sakin ate mo, hindi mo raw sinasagot texts and calls niya," pagbabago nito ng usapan.

Saglit akong nahinto sa pagkain. "Hayaan mo siya." Muli kong pinagpatuloy ang pagkain.

"Hindi ka ulit pupunta?"

Umiling ako. "Hindi."

Napabuntong hininga na lang siya.

****

Muli akong nakatulala lang sa glass door ng aking flower shop. Napatingin ako sa mga bulaklak kong naka-display. Buti pa mga bulaklak ko makulay, buhay ko hindi. Muli akong tumulala sa glass door.

After twenty minutes...

Ang tumal naman ngayon ng flower shop ko.

Napabuntong hininga ko. Try ko kaya mag-shopping naman? Tutal wala na kong mga bagong damit, e. Para maiba naman ganap sakin ngayong araw.

Tumango ako. Tama, tama.

Tumayo na ko sa counter at kinuha ang shoulder bag ko. Naglakad na ko palabas. Binaliktad ko muna ang sign bago isarado ang pinto at lumayas na.

Under The Night Sky | Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon