Prologue

96 5 0
                                    

༻❝ SAMIRRAH ❞༺

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Medyo madilim dahil sa madilim na kulay at makapal na mga kirtina at nababalutan ng katahimikan ang sumalubong sa aking umaga.

Pinagpasyahan ko nang bumangon pero napaimpit ako sa sakit. Daig pang nagkalasog-lasog ang buong katawan ko, pero ang mas dinadaing ko ay ang sakit ay ang ibabang bahagi ng aking katawan. Saglit ako napatulala. Sinasariwa ko kung ano ang nangyari kagabi - oh right, last night is my wedding night. Nang ma-realize ko ay napasapo ako sa aking mukha at napahilamos. Tama, simula sa araw na ito, I'm not a single lady anymore. I'm already a married woman who need to serve her husband, for life.

Bumaba ang aking mga mata sa aking katawan. Natagpuan ko na lang na wala na akong ni isang saplot at tanging puti at makapal na kumot lang ang pangtaklob sa aking hubad na katawan. Biglang sumagi sa isipan ko ang pangyayari ng gabing 'yon. Malinaw na malinaw at hinding hindi ko makakalimutan kung ano ang mga negatibong nararamdaman ko nang nakaharap ko na siya sa araw mismo ng aming kasal na siya din ang unang beses naming pagkikita nang mata sa mata, na simulang inihayag na siya ang papakasalan ko. He never showed up even in our engagement party. He only told my parents he's busy and I couldn't believe they allowed him to do that! It's cruel and inappropriate! Ni hindi man lang niya naisip kung ano ang mararamdaman ng mapapangasawa niya ng araw na 'yon! Walang pinagkaiba na pinahiya niya sa ako sa harap ng mga bisita!

Oh well, sino ba naman ako para mag-demand? Isa lamang akong estranghera sa buhay niya at ganoon din siya sa akin.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Napaisip tuloy ako kung tama ba ang desisyon kong ito? Na pumayag magpakasal ako sa taong hindi ko naman mahal? Kung mapapasaya ko kaya ang pamilya ko sa lalaking malaking mapapakinabangan nila pagdating sa negosyo? Is it really worth it?

"Are you really sure about this, Samirrah?" taas-kilay na tanong ni Radellia, my half-sister. Nasa likuran ko siya at nakasandal sa tabi ng pinto ng dressing room.

Umangat ang tingin ko sa salamin na nasa aking harapan. Nakita ko siya sa pamamagitan ng repleksyon. She's wearing a black spaghetti strap dress na may slit sa gilid. Naka-alon ang kaniyang buhok. She even wearing her favorite shade of lipstick. She gave me a mocking smile na isinawalang bahala ko 'yon.

"I'm really sure, Radellia." lakas-loob kong tugon sabay bawi ng aking tingin. Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri para maibsan ang kaba na unti-unting umaahon sa aking sistema.

Hindi mabura ang mapang-asar niyang ngisi. "Ikaw na nga ang legal na anak, ipinamimigay lang. How poor of you."

"Do you think? Siguro. Naisip yata nilang sa wakas ay may pakinabang na ako para sa negosyo nila." sabi ko, inaalis ang pait sa aking ngiti.

'Unlike you.' gustuhin ko man idugtong 'yon ay huwag na lang. Ayokong magkagulo kamo sa mismong araw ng kasal ko.

Nawala na parang bula ang kaniyang ngiti. Napalitan 'yon ng malamig na tingin. Tumaas muli ang isang kilay niya. "The question is, how can you be sure? Are you going to be happy with a total stranger?" saka tumawa siya na may panunuya. "Oh, right. You are a good daughter, I forgot. . . Lahat pala ay gagawin para mapansin ng mga magulang. What a desperate btch."

"Radellia," I called her with a warning tone.

Nagpakawala siya ng hakbang palapit sa akin. Bigla niyang inikot ang aking kinauupuan na medyo ikinabigla ko. Yumuko siya para magkalebel ang aming mga mata. "Pero hahayaan mo lang bang abusuhin habambuhay Samirrah? Hindi na uso ang pagiging mabait at martir sa panahon ngayon."

Hindi ko magawang sumagot pa. Ako na nag mismong sumuko sa tagisan ng titigan naming dalawa. Kung makikipagtalo pa ako ay wala rin akong mapapala. Imbis ay itinuon ko na lang ang aking tingin sa ibang direksyon. Ayokong magpaapekto sa mismong araw ng aking kasal. Tama, doon na lang ako mag-fofocus, hindi sa walang kuwentang bagay na sinasabi niya.

The Heir's Bride | On Going | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon