Chapter 14

67 1 0
                                    


༻❝ FEDERIGO ❞༺

Halos mabitawan niya ang hawak na cellphone pagkatapos niyang makausap si Red. Maski siya ay hindi makapaniwala sa nalaman ukol sa kaniyang asawa. Kung ano talaga siya mula sa pamilyang Siannodel - kung ano ang tunay nitong pagkatao.

Medyo tulala siya nang nakabalik siya sa pagkaupo sa kaniyang leather swivel chair. Nagkatinginan ang tatlo niyang kasamahan saka inilipat din sa kaniya di kalaunan, pawang may malaking tanong sa mukha ng mga ito. Pinipigilan lang ang sarili at baka mapagbalingan niya ito ng init ng ulo, kung sakali.

"Leave," mahinang utos niya sa mga ito.

Sinunod naman siya. Isa-isa nagsilabas ang mga kasama sa kaniyang opisina hanggang sa marinig na lang niya ang tunog ng pagsara ng pinto.

Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. Isinandal niya ang kaniyang likod sa upuan at tumingala. Binasa niya ang kaniyang mga labi. Sa puntong ito, sinisink-in pa siya kung ang lahat.

It's like she is the missing piece of this puzzle.

Pero wala siyang panahon upang uminit ng kaniyang ulo. Sa katunayan pa nga ay malaking tulong nga ang maibibigay ni Samirrah kung sakali. Pero may ideya din siya na hindi alam ng asawa kung ano ang nalaman niya ngayon.

He didn't want to use her for his own benefit. Ayaw niya na dumating sa punto na malalaman nito na ginagamit niya lang ito kahit hindi naman. Pero may parte rin sa kaniya ang takot. Na baka biglang mawala na parang ang pausbong nilang pagbubuklod nila bilang mag-asawa sa oras na malaman nito ang tunay niyang pagkatao. Kung ano ang tunay niyang trabaho. Kung ano talaga ang mundo na kaniyang ginagalawan. He admit, he's afraid to face the consequence. He's worried that she might stay away from him, someday.

Sa wakas ay nagawa niyang tumayo na. Nagpasya na rin siyang lumabas sa kaniyang opisina. Sakto na nasa labas lang dina Dio, Luciano at Lottie. Sabay tumingin sa kaniya. Mukhang hinihintay ang kaniyang utos.

"Boss," sabay na tawag nilang tatlong sa kaniya.

Humakbang pa ito palapit sa kaniya. Naghihintay ng magiging utos niya.

"Dio," tawag niya sa kaniyang sekretarya. "Give me the important information about the house of Farina."

Awtomatikong namilog ang mga mata ni Dio sa sunod niyang utos. Tahimik lang niya ito binigyan ng malamig na tingin. Tumikhim ito saka tumango. Patunay na susunod ito sa anumang iuutos niya.

Sunod niyang tiningnan ang mga naiwan sa harap niya.

"Going somewhere, boss?" Hindi mapigilang umusisa ni Lottie.

"I want to clear my head first," he shut his eyes so hard before he proceed. "You two, keep her under your watch. I'm heading somewhere."

"On it, sir." Sabay nilang sagot.

Nagpalitan ulit ng tingin sina Luciano at Lottie. Alam niyang alam ng mga ito ang tungkol sa pamilyang tinutukoy niya. Kahit nababasa niya ang mga katanungan sa mga mata ng mga kaharap ay pinili na lang niyang balewalain ang mga ito. Sa halip ay nilagpasan niya ang mga ito saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Ginawa na rin ng dalawa kung ano ang iuutos niya.

**

Natagpuan na lang niya ang kaniyang sarili sa harap ng double ng kuwarto mismo ni Samirrah. Kahit siya ay hindi alam kung bakit dito siya dinala ng kaniyang mga paa. Subalit imbis na umatras at iwan ang silid ay nagawang lumapat ang isang palad niya sa pinto. Dahan-dahan niyang itinulak 'yon, kasabay na humakbang siya papasok.

The Heir's Bride | On Going | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon