༻❝ FEDERIGO ❞༺
"Everything's ready, boss."
Umikling nang kaunti ang ulo niya habang nasa harap siya ng bintana ng kaniyang silid pagkarinig niya sa pormal na boses ni Dio na nasa hamba ng pinto.
Kumilos siya. Hinarap niya ang kaniyang kanang kamay nanv nakapamulsa. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay pagkatapos magawa ang mga dapat kailangan sa kaniyang pag-alis dahil ngayong gabi na ang flight niya patungo sa Manila para asikasuhin ang mga dapat doon, lalo na tungkol sa hotel and casino na kaniyang itinayo---pati na din ang auction na gaganapin doon.
Hindi na siya nagsalita pa. Sa halip ay nagpakawala na siya ng hakbang palabas sa kaniyang silid.
Sa gitna ng katahimikan na bumabalot sa buong pasilyo ng Kastilyo ay tanging mga yabag lang ang umalingawngaw. Nanatiling nakabuntot sa kaniya si Dio.
Nang marating na nila ang hagdan ay doon siya natigilan. Nagtataka man nakatingin sa kaniya ang kasama ay wala siyang pakialam.
Awtomatiko siyang napatingin sa kabilang wing kung nasaan ang mismong silid ng kaniyang asawa. Malamig lang siyang nakatitig doon ng mga ilang segundo. Gustuhin man niyang lumihis ng daan upang mapuntahan ang mismong asawa ay hindi niya magawa. Pinipigilan niya lang ang kaniyang sarili. Sa huli ay ganoon nga ang kaniyang ginawa. Hindi na siya nag-abala pang puntahan o bisitahin ito. Humakbang na siya pababa kung nasaan naghihintay na sa kaniya ang sasakyan niya para maihatid siya kung nasaan ang kaniyang private jet. Nasa bukana naman ng entrada ng Kastilyo sina Eugenio, Luciano at Lottie na naghihintay na rin sa kaniyang pag-alis.
Agad siya dinaluhan ni Eugenio para isuot sa kaniya ang itim na trench coat.
"You know what to do." malamig niyang bilin sa mga kaharap.
"Yes, boss." sabay na sagot nina Luciano at Lottie. "We will keep her safe, no matter what."
Tumango siya. Inilipat niya ang kaniyang tingin kay Eugenio. "Keep buying her needs and wants."
"Understood, Mr. Lombardi. Please keep a safe flight."
"If there's something wrong, call me."
Muling sumagot ang mga ito bago man niya itong tuluyang nilagpasan at nilapitan na ang sasakyan. Sumakay siya doon habang si Dio ay isinara ang pinto na nasa kaniyang gilid at nagmamadali na itong sumakay sa front seat.
'Why suddenly I feel I'll be living in Héll for fúcking two or three days?' tanong ng parte ng kaniyang isipan.
**
After a long flight from Girona, lumapag na rin sa wakas ang private plane niya sa private hangar sa bandang Pasay.
The next thing he supposed to do is to rest pero mukhang mauudlot lang 'yon dahil hindi pahinga ang ipinunta niya dito. Kungdi trabaho. Kahit ganoon ay nakatulog naman siya kahit papaano habang nasa byahe siya patungo sa Maynila, habang si Dio naman ay abala sa pag-aasikaso at paghahanda sa oras na makatapak sila sa Pilipinas. Dagdag pa na kailangan talaga nila paghandaan ang gaganapin na auction, mismo sa hotel at casino. Hindi rin maipagkaila na medyo stressful nga ang proseso na kanilang preperasyon dahil mga malalaking tao sa mundo ng business at personalidad ang dadalo. At higit sa lahat, mga kapwa rin nilang sindikato.
Dahil malaking event ang paparating, sinisiguro din nila ang seguridad. Sinisiguro nila na walang makakalabas na impormasyon para sa gabi na 'yon. Especially the goods they will sell through black market.
As they reached the one of five star hotels in Manila which he owns. Not his father's. Hindi na siya nagsayang pa ng panahon, lalo na si Dio. Agad nilapitan ang receptionist para makuha na ang mga naka-reserved na kuwarto sa kanilang pagdating. Hindi rin nagtagal ay ibinigay na ang mga key card. Kinuha na niya ang isa at dumiretso na sila sa elevator.
BINABASA MO ANG
The Heir's Bride | On Going | R18+
General FictionThe Black Table 1 : You can define Samirrah Siannodel as a good daughter. At bilang isang mabuting anak, kailangan niyang sundin ang bawat iuutos ng sariling magulang, kahit na ang mismong kaligayahan at kaligtasan na niya ang nakasalalay. Kaya niya...