Chapter 10

30 3 0
                                    


༻❝ FEDERIGO ❞༺

Marahan niyang ibinaba ang hawak na papel pagkatapos niya itong mabasa. Mag-isa lang siya ngayon sa kaniyang opisina na parte ng Kastilyo. Tulad ng dati, marami pa rin siya dapat asikasuhin pagbalik niya ng Espanya kahit na kakarating lang niya galing Pilipinas.  Ang kanang kamay niya na si Dio ay wala ngayon dahil sa utos niya na kailangan nitong pumunta sa isang kliyente at ito ang mismong haharap bilang representative niya.

Though he's still working at home, he will consider this as it's rest, for a while. Sa gayon ay magagawa pa rin niyang matulog buhat sa mahabang byahe niya. Kailangan pa rin niyang bumawi ng tulog o pahinga kahit kakarampot na oras lang.

Saka lamang siyang huminto sa ginagawa nang biglang may kumatok sa pinto ng kaniyang opisina.

"Come in," malamig niyang sagot na hindi tinitingnan ang pinto. Patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa.

Rinig niyang nagbukas 'yon. He's expecting Luciano or Lottie to give their reports while he was away, lalo na't may kinalaman 'yon sa kaniyang asawa.

Pero nagkamali siya.

Inangat niya ang kaniyang tingin na nasa hamba ng pinto. Hindi niyang maiwasan na tumaas ang isang kilay niya nang matagpuan niya ang isang tao doon, may hawak itong tray na may lamang pagkain.

It's Samirrah Lombardi. His wife. The woman who called her spineless and weak-spirited. Oh well, parang binabawi na niya ang mga salita na 'yon dahil hindi makatakas sa kaniyang paningin na parang may nagbago sa babae na nasa kaniyang harap.

She looks better now, at least. Nag-improved na ang pisikal nitong anyo, pati na rin ang pananamit nito. Inosente pa rin tingnan pero ang hindi niya maitindihan kung na tila nakakaramdam siya ng panghihina sa parte niya sa tuwing matagal niyang natitigan ang mga mata nito. Na tila inaakit siya nito kahit alam niya na wala naman itong alam at karanasan sa mga ganoong bagay, maliban lang n'ong unang gabi nila bilang mag-asawa. At malakas ang pakiramdam niya na hindi ganoon ang kaniyang asawa. Ibang-iba ito sa mga babaeng nakakahalubilo at nagagalaw niya.

"Mr. Lombardi. . ." Nahihiyang tawag nito sa kaniya.

Tumayo na siya mula sa kinauupuan niyang leather chair. Nilapitan niya ito. Tumigil lamang siya nang tuluyan na siyang nakalapit sa babae. Dumapo ang tingin niya sa hawak nitong tray. A cup of coffee and sandwich. Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa mga mata ng kaharap.

"I thought you need to eat while. . . Working. I'm so sorry for disturbing you." Aniya.

He keep staring at her. He licked his lower-lip. Hindi rin nagtagal ay tumango siya. Walang sabi na siya mismo ang umagaw  sa tray na ikinabigla ng esposa. Nilapitan niya ang isa sa mga lamesita ng silid at doon ipinatong ang tray. Ang mas hindi inaasahan nito ay bigla niyang binuhat ito at pinaupo sa mismong desk!

Kitang kita niya kung papaano nanlaki ang mga mata nito sa kaniyang ginawa pero pinili niyang hayaan na lang kung ano ang mga matatanggap niyang reaksyon.

"Mr. Lombardi?" Tawag nito sa kaniya, hindi mabura ang pagkagulat sa mukha nito.

Lumapat ang mga palad niya sa desk. Nagawa niyang ikulong ang asawa. Tipong hindi na makawala pa sa kaniya. Mas naging malapit pa siya dito. Kusang nagtama ang kanilang mga mata. Sa unang pagkakataon, ngayon lang niya nakita nang malapitan ang asawa. Ngayon lang din niya napansin ang kagandahan nitong taglay - mas higit pa sa ipinakitang picture. Hindi niya inaasahan na magagawa niya ang bagay na ito.

"What brings you here, Mrs. Lombardi? Other than you need to bring my food by yourself?" Namamaos niyang tanong.

Bahagyang ibinuka nito ang bibig. Nangangapa ng isasagot sa kaniya. Kusang lumipad ang paningin niya sa mga labi nito. Hindi niya rin namamalayan na mas naging malapit pa ang mukha niya. Daig mo pang nahihipnotismo siya nang wala sa oras. Anumang oras ay matitikman na naman niya ang mga labi nito na ilang araw na din niyang inaasam buhat ng gabing 'yon. May parte ng kaniyang isipan ang pagpipigil, mayroon din na inuudyok pa siya that made him confuse right now.

The Heir's Bride | On Going | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon