༻❝ SAMIRRAH ❞༺Inayos ko nang mabuti ang nakapusod kong buhok. Ngumuso pa ako sa harap ng salamin. Suot ko ang olive color puff sleeve midi dress, and ballet flats. Wala akong suot na alahas maliban lang sa stud earrings na madali lang siyang masilayan dahil half-up french braid ang ginawa sa aking buhok. Mas kumportable ako kapag ganito ang suot ko. At saka wala naman sinabi sa akin si Mr. Lombardi kung ano dapat kong suotin para sa araw na ito. Kaya naisip ko baka casual date lang ang gagawin namin.
Nang makuntento ay nilapitan ko ang lamesita. Kinuha ko ang maliit na sling bag saka isinuot ko 'yon sa aking katawan. And I'm getting ready!
Rinig ko ang pagkatok sa double door. Agad ko binalingan 'yon. Kusang nagbukas din 'yon. Rowena came in and greeted me with her big smile. Parang ang ganda-ganda ng araw niya ngayon. Hindi na ako nagtangka pang magtanong kung para saan 'yon.
"Madame, hinihintay na po kayo ni Mr. Lombardi sa baba." Anunsyo niya.
Ngumiti ako pabalik. Tumango rin di kalaunan. Kumilos na rin ako. Malalaking hakbang ang ginawa ko mula paglabas ng kuwarto hanggang sa marating ko ang ground floor ng Kastilyo.
Huminto lang ako nang narating ko na ang mismong entrada ng Kastilyo. Ang mas lalo nagpatigil sa akin ay naabutan ko si Mr. Lombardi na ngayon ay prenteng nakasandal sa kaniyang kotse habang nakahalukipkip. Naghihintay sa pagdating ko. He's wearing a black long sleeves collared button-down, a pair of dress pants and a pair of loafers. And of course, his trench coat. Suot din niya ang rolex niyang relo. His caramel color wavy hair is so casual. Unlike what I used to, he looked more handsome and more human than I'd ever seen him.
Bigla ko na lang naramdaman ang pagbilis ng pintig ng aking puso. Hindi ko na maitindihan kung bakit bigla-bigla ko na lang nararamdaman ito. Naguwapuhan lang ako sa kaniya pero bigla ako nagkaganito.
"Ready?" Tanong niya sa akin. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.
Tumingala ako sa kaniya. "Y-yeah," ang naging tugon ko, sabay bawi ng aking tingin. Ayokong isipin niya na nagiging weird na ako sa paningin niya, kahit ako, nawiwirduhan na sa sarili ko!
Napaitlag ako nang bigla niyang pinulupot ang isang braso niya sa aking bewang. Halos kaladkarin na niya ako patungo sa kotse. Narating namin ang front seat, siya na ang mismong nagbukas ng pinto doon.
"Hop in," marahan niyang sabi.
Kusang sumunod ang aking katawan sa utos niya. Pero muli na namang nawindang na yumuko siya at siya ang mismong nagkabit ng seatbelts para sa akin!
Nagtama ang aming paningin. "For your safety, my lady."
Lumunok ako at dahan-dahang tumango. Umalis din siya sa harap ko. Isinara niya ang pinto. Nakasunod lang ang mga mata ko sa kaniya hanggang sa narating na niya ang driver's seat. Another surprise na naman, siya ang driver! Mukhang marunong naman talaga siya magdrive pero dahil sadyang nasanay ako na may personal driver siya sa tuwing aalis siya sa Kastilyo para sa kaniyang trabaho o sa personal niyang lakad!
"Let's stroll first before we're going in that place." Saad niya bago niya binuhay ang makina ng kaniyang sasakyan.
"Okay."
**
It was unexpected that I could see the beauty of Girona in daylight, kahit na hapon na kami nakarating dito. Hindi ko kasi naaninag ito noong unang beses akong nakalabas ng Kastilyo para dumalo sa isang party na kasama siya at madilim ng mga oras na 'yon.
Nanatili akong nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Hindi matanggal ang tingin ko sa labas. Parang ang saya-saya lang dahil maraming tao, bukas ang mga tindahan, resto at mga café na naririto. Napansin ko rin ang grupo ng mga cyclist sa hindi kalayuan.
BINABASA MO ANG
The Heir's Bride | On Going | R18+
Fiction généraleThe Black Table 1 : You can define Samirrah Siannodel as a good daughter. At bilang isang mabuting anak, kailangan niyang sundin ang bawat iuutos ng sariling magulang, kahit na ang mismong kaligayahan at kaligtasan na niya ang nakasalalay. Kaya niya...