༻❝ SAMIRRAH ❞༺
Halos tulala pa rin ako nang naalala ko na ang nangyari kagabi. Napapikit ako ng mariin, medyo nagsisisi rin ako dahil parang ang lumabas pa ay ako ang nag-initiate na may mangyari sa amin kagabi. Pero kahit ganoon, atleast nagawa ko ma ang aking tungkulin bilang asawa niya kahit sa ganoong paraan man lang.
Napadilat ako kasabay pa na nanumbalik ang ulirat ko na biglang may kumatok sa pinto. Dahil sa pagkataranta at adrenaline rush ay agad kong hinablot ang makapal na kumot ng kama kahit na may bahid pa 'yon na dúgo gawa kagabi. Pero mabuti na lang ay itinapis ko 'yon bago tuluyang nagbukas ang pinto. Nakahinga rin ako ng maluwag na makita ko ang pumasok dito ay si Rowena, may hawak siya na planggana, may bimpo sa gilid nito. Sinalubong niya ako ng pinakamatamis niyang ngiti.
"Good morning po, Mrs. Lombardi!" magiliw niyang bati sa akin nang humahakbang na siya palapit sa akin. "Kamusta po ang tulog ninyo?"
"Uh. . ." hindi ko magawang isagot ang tanong niya pero pinasadahan niya ng tingin ang kumot na nakatapis sa akin. Hindi ko maiwasang kabahan nang makita ko ang initial reaction niya nang makita niya ang dúgo sa kumot na ito.
Marahas siyang suminghap sabay takip sa kaniyang bibig. Namimilog pa pati ang kaniyang mga mata. Tumingin siya sa akin na ganoon pa rin ang reaksyon niya. Sa hitsura niya ngayon ay alam na niya kung kamusta ang aking tulog kagabi.
"Oh. . . Em. . . Gee! Binisita ka ni young master? Congrats po, Mrs. Lombardi!" halos magtatalon-talon siya nang sabihin niya 'yon, at talagang nag-impit pa siya ng tili sa lagay na 'yan. "Grabe, kaya pala mukhang good mood si Mr. Lombardi kanina habang nag-aalmusal."
Umukit ang pagtataka sa akin nang marinig ko ang balita na 'yon. Bahagya kong itinagilid ang aking ulo. "W-what do you mean?"
Bigla siyang pumalakpak. "Naku, Mrs. Lombardi! Kung nakita mo lang na hindi siya nakasimangot habang kumakain. Parang relax siya. Madalas kasi kunot palagi ang noo! Akala mo palaging may kaaway!" pagkukwento niya sa akin. "Ay, teka po. . . Ipapasok ko na rin po ang almusal ninyo." ipinatong niya ang hawak niyang planggana sa mesa na nasa gilid lang ng pinto ng banyo.
Napamaangan ako. "Huh?"
Mukhang narinig niya 'yon. Lumingon siya sa akin saka ngumiti ulit. "Mismong si young master ang nagbilin sa amin na hatiran ka po ang almusal, Mrs. Lombardi para raw hindi po maistorbo ang tulog ninyo." saka bumungisngis siya't kinuha na nga niya ang magiging almusal ko mula sa labas.
Sa pagbalik niya ay may tulak siya na serving trolley na hindi ko inaasahan. May laman na doon na mga pagkain pati na rin ng mga inumin. Itinabi niya muna 'yon sa isang round table na may plorera na may bulaklak sa gitna nito. Sa akin naman siya lumapit ngayon.
"Tulungan ko na po kayo maligo. . ."
Ngumiwi ako. "N-no, ako na. Uhh, ihanda mo na lang siguro ang pagkain habang naliligo ako. . ." binawi ko rin ang aking tingin saka humakbang na pero natigilan ako nang maramdaman ko ang sobrang sakit, lalo na sa bandang magkabilang binti ko na halos hindi ko maigalaw dahil sa sakit o ngalay. Dahil d'yan ay na-out of balance ako!
"Mrs. Lombardi!" malakas na tawag sa akin ni Rowena, natataranta siyang lumapit sa akin. Inaalalayan niya akong makatayo. "Naku, ayos lang po ba kayo?"
Muli ako napangiwi saka tiningnan siya. "Mukhang kailangan ko nga ang tulong mo." I said hopelessly.
"Sige po."
She gave me a warm and soothing bath through bath tub. Hinagod ng bimpo ang aking likuran. Hindi ko lang din akalain na hinaluan din niya ang mga rose petals at gatas ang tubig ang bath tub.
BINABASA MO ANG
The Heir's Bride | On Going | R18+
Ficción GeneralThe Black Table 1 : You can define Samirrah Siannodel as a good daughter. At bilang isang mabuting anak, kailangan niyang sundin ang bawat iuutos ng sariling magulang, kahit na ang mismong kaligayahan at kaligtasan na niya ang nakasalalay. Kaya niya...