Chapter 7

31 1 0
                                    


༻❝ SAMIRRAH ❞༺

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nahikab. Kung hindi, napabuntong-hininga naman ako. At aaminin ko, sobrang bored na bored na ako ngayon kahit dalawang araw nang nakalipas buhat na natapilok ako. Kung hindi lang ako injured ngayon, siguro may mga magagawa ako ngayon. Kahit nga pagbasa ko ng mga libro ay hindi rin ako nakakatagal.

Bumaling ako kay Rowena na ngayon ay nagliligpit ng aking pinagkainan. Kakatapos ko lang kumain ng lunch. Tahimik lang akong nakatunghay sa kaniya pero iba ang takbo ng isipan ko. Nag-iisip ako ng pupwede kong gawin kahit narito lang ako sa kuwarto.

Pinutol ko ang tingin ko kay Rowena. Bumaling ako sa bintana. Muli na naman ako napabuntong-hininga at mukhang napansin iyon ng aking kasama.

"May problema po ba, Mrs. Lombardi? Hindi ninyo po ba nagustuhan ang pagkain? Teka, sasabihan ko lang po ang cook o hindi kaya si Sir Eugen--"

Agad akong tumingin sa kaniya. "No, masarap ang pagkain, totoo. May iniisip lang ako. Kung ano ang pupwede kong gawin." pag-amin ko na nakangiwi dahil sa sakit ng paa.

Hindi siya agad nagsalita. Iniwan niya muna ang kaniyang ginagawa saka lumapit sa kama kung nasaan ako ngayon. Umupo siya sa gilid ng kama at mataimtim na nakatingin sa akin. "Uhmm, hindi po ba nabanggit ninyong mahilig kayo sa art? At saka ang sabi ninyo, nagpipinta po kayo? Baka makatulong po 'yon para hindi po kayo ma-bored." magiliw niyang suhesyon.

Natigilan akong tumingin sa kaniya. Kumurap pa ako ng tatlo bago ko man napagtanto na tama nga siya. Puwede ko rin gawin 'yon. Bukod pa d'yan, namimiss ko na rin magpinta. Pero gumuhit ang ngiwi sa aking mga labi. "Ang problema, wala akong gamit sa pagpipinta, Rowena. Balewala pa rin."

Bigla siyang tumayo pero hindi pa rin nawawala ang kasiyahan sa kaniyang mukha. "Don't worry, Madame. Magagawa rin natin po 'yan ng paraan."

Umukit ang pagtataka sa akin. "Pero. . . Papaano?"

"Ako na po ang bahala. Sa ngayon po, nagpahinga po muna kayo. Ihahanda ko na rin po ang panghimagas ninyo pagkagising ninyo po." muli siyang lumapit sa akin. Tinulungan niya akong makahiga ng maayos para makapagpahinga ako tulad ng sabi niya.

Hindi na ako nagsalita pa. Pinapanood ko lang si Rowena. Binalikan niya ang kaniyang ginagawa hanggang sa nakalabas na siya sa kuwarto para ibalik ang mga kurbyertos sa Kusina.

Nang wala na siya sa aking paningin, napatitig ako sa kisame ng silid na ito. Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga. Sa huli ay sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Ngayon ko lang din na-appreciate ang presence ni Rowena. Mabuti na lang din talaga at siya ang kinuha ni Mr. Lombardi para sa akin. Kahit na nasa ibang bansa ako, sa hindi pamilyar na lugar para sa akin, ipinaramdam pa sa akin na hindi ako nag-iisa.

Nawala lang ang ngiti ko nang biglang sumagi sa aking isipan ang mukha ni Mr. Lombardi. Malinaw na malinaw pa aking memorya ang bagong ekspresyon sa mukha niya nang makita niya na natapilok ako. He looks so worried. O sadyang naging OA lang siya para sa akin? Dahil ang totoo, kahit ako ay nawindang pero hindi ko lang ipinahalata dahil baka magalit siya sa akin sa oras na mapansin niyang napuna ko siya.

Ang mas napansin ko pa lalo sa kaniya ay mukhang anticipated din siyang matikman ang luto ko, especially pasta. Para bang matagal na siyang hindi kumakain n'on, though pwede naman. Ewan ko. Hindi ko na rin siya maitindihan.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Pilit ko na lang ialis sa isipan ko ang lalaking 'yon. Mas mabuti pa nga sigurong magpahinga na muna ako tulad ng sabi ni Rowena.

**

Sa pagdilat ng aking mga mata ay may naririnig akong kaluskos. Mabilis akong bumangon. And it's a good thing, hindi naman naapektuhan ang paa ko.

The Heir's Bride | On Going | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon