Chapter 16

43 1 0
                                    

༻❝ FEDERIGO ❞༺

Hindi na niya alam kung ilang oras na siyang nakatingin sa kawalan. Lakas-loob niyang sinulyapan si Samirrah na ngayon au mahimbing na nakatutulog sa passenger seat. Nakatulog ito sa labis na pagod buhat kanina. Pero hindi parin maalis sa kaniya ang sobrang pag-aalala.

Ngayong alam na ng asawa niya ang tunay niyang pagkatao, hindi na siya sigurado kung mananatiling ganoon pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya sa oras na magising na ito. He already saw her reaction when they're in the middle of car chasing, aminadong natatakot siya na baka madalas ito sa gulo ng sitwasyon niya. Pero hindi niya rin maipagkaila na umahon ang kaba at takot sa kaniyang sistema nang hingin nito ang katotohanan tungkol sa kaniya. Bukod sa kilala siya sa larangan ng negosyo, he need to tell her the truth.

Pero malaki pa rin ang pasasalamat niya, hindi siya iniwan nito sa kabila ng pag-amin niya. Instead they both shared such a wonderful bliss in the middle of this dark and cold place. Napagbigyan siyang angkinin ang asawa sa kabila ng tunay niyang pagkakatao. That he is a monster or a devil. At 'yon ay isa sa mga hinding hindi niya pagsisisihan sa huli.

And what he said, he pledge to protect his wife. He need to keep her safe under his watch. No one will ever touch her. Kahit ganoon, kailangan pa rin niyang gawin ang binabalak niya noon pa man. Kailangan niyang isagawa ang plano na matagal na niyang inaasam. Kung dati, para sa sarili niya ang plano na 'yon, ngayon ay hindi na. Kahit na para sa sarili niya, para na lang kay Samirrah.

Mas inilapit pa niya ang kaniyang katawan sa natutulog niyang asawa. Inayos niya ng mabuti ang trench coat na nakapatong sa katawan nito, bilang magsisilbing kumot. Iginalaw niya ang kaniyang kamay upang hawiin sana ang mga takas nitong buhok pero agad din siyang natigilan.

He found himself fo staring at her. He admits that he's mesmerize with her innocent beauty to the last long he's with her. He found himself smiling yesterday. That his wife really love arts, lalo na't dinala niya ito sa Old Town. Kasabay na unti-unti na rin niya itong nakikilala.  Para bang ngayon lang ito nakaranas ng kalayaan though she from a wealthy family in Manila. Pero dahil sa report na ipinadala sa kaniya ni Red, unti-unti nang nagiging malinaw sa kaniya and there's one more way he could learn everything about his wife.

Marahan niyang isinandal ang kaniyang likod sa upuan ng kotse. Tumingala siya at marahang ipinikit ang kaniyang mga mata. He rub his forehead, para mabawasan ang mga iniisip niya sa mga oras na ito.

Hindi rin nagtagal ay nagpasya na niyang buhayin ang makina ng sasakyan at tahimik na nilang nilisan ang lugar na 'yon.

Payapa naman ang pagbabalik nila sa Kastilyo. Agad din silang sinalubong ng iilang empleyado, kabilang na doon sina Eugenio at Rowena. Kasama nila sina Dio, Luciano at Lottie sa paghihintay sa kanila. Kahit na nalilito ang mga ito ay hindi rin nakatakas sa mga mukha nila na buhat-buhat niya ang natutulog na si Samirrah. Mukhang napagod ito ng husto kaya hinayaan na lang niyang matulog ito. Siya na rin ang personal na nagdala nito sa mismong silid ng asawa. Nakabuntot naman ang iba sa kanila.

Nagmamadaling buksan ni Rowena ang double door ng kuwarto. Dire-diretso siya sa malambot at malapad na kama. Maingat niyang inihiga doon si Samirrah.

"Should I call the doctor, young master?" Pormal na tanong ni Eugenio sa kaniya.

"No need. She's fine." Mabilis niyang sagot. Binalingan niya si Rowena na abala sa paglalakbay ng duvet sa katawan ng asawa. "You may now leave. The rest, stay." Malamig niyang utos.

Walang pagkukuwesyon sa mukha ni Rowena. Agad din niyang sinunod ang kaniyang utos. Yumuko ito at nagmamadaling umalis sa silid na ito. Tanging siya, sina Eugenio, Dio, Luciano at Lottie na lang ang naiwan dito.

The Heir's Bride | On Going | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon