Chapter 9

34 3 1
                                    

༻❝ SAMIRRAH ❞༺

Bumaba ang tingin ko sa mababang mesa nang may ipinatong doon si Eugenio na isang kahon. Hindi ito nakabalot kaya alam na alam ko kung ano ang laman nito.

Isang cellphone. But a high end phone!

Tumingala ako sa kaniya. Binigyan ko siya ng tingin na may pagtatanong. Sina Rowena, Luciano at Lottie naman ay tahimik na nakatayo sa likuran ko. Nakikinig lang sa kung ano ang pag-uusapan namin ni Eugenio ngayon.

"The young master leave an order to buy you a phone before he left, Mrs. Lombardi." Pormal na saad niya.

Tumango ako. Naalala ko nga nabanggit nga sa akin ni Mr. Lombardi na bibigyan nga niya ako nito para ma-kontak daw niya ako habang nasa Pilipinas siya, syempre may kinalaman 'yon sa negosyo kaya hindi na rin nakakapagtataka na kailangan niyang lumabas ng ibang bansa. At saka, tulad ng plano ko. I need the social media for my arts and craft. Hindi ko man nakuha na tapusin ang Fines Arts, siguro naman, malaya ko pa rin naman mag-express ang sarili ko sa pamamagitan ng sining.

"I understand, Eugenio." Nakangiting sabi ko. "Please tell him that I'm grateful."

Ngumiti rin siya at tumango. "Very well, if you allow to excuse myself. And please tell me what you need, Madame."

"Alright, thanks."

Pinanood ko lang siya kung papaano na siya umalis dito sa kuwarto. Agad lumapit sa akin si Rowena. Yumuko ito ng kaunti.

"May gusto po ba kayong gawin, Madame? Merienda?"

Bumaling ako sa kaniyang. Ginawaran ko siya ng maliit na ngiti. "Gusto ko lang sana ay magpinta." Sunod kong binalingan ay ang balkonahe. "Mukhang maganda rin ang araw ngayon. Doon na lang siguro muna ako tatambay."

Tumango siya. "Siya, tutulungan ko na lang po namin kayong ilipat ang mga gamit ninyo para makapagpinta na kayo."

"Thank you, Rowena."

Habang ginagawa nila 'yon ay inabot ko na ang kahon na ibinigay sa akin ni Eugenio. Binuksan ko 'yon. Pinaandar. Hindi rin nagtagal ay kinulikot ko muna ito saglit. Tinetesting ko na rin. Tinitingnan ko kung kung gaano kalinaw ang camera para na rin sa art purposes ko. And unexpectedly, maganda. Ano pa ba ang aasahan ko sa isang mamahalin na cellphone?

Sunod ko naman binisita ay ang contacts. Nakita ko roon na nakarehistro na pala ang numero ni Mr. Lombardi doon. Pero ang pangalan niya lang ay Rigo na hindi ako sanay na tawagin siya ng ganoon kahit na sabihin nilang mag-asawa na kami. Kailangan ko pa rin maglagay ng distansya at linya sa pagitan naming dalawa.

And that's the result of marriage for convenience.

"Madame, nailipat na po namin ang mga painting materials sa balkonahe." Pahayag ni Rowena nang nakalapit na siya sa akin.

Tinanggal ko na rin ang tingin ko sa cellphone. Inilapag ko 'yon sa mababang mesa. Inalalayan ako Rowena na makatayo. Si Lottie naman ay nakahawak sa upuan na nasa harap ng easel. Si Luciano naman at tahimik na nakatayo sa hamba ng patungong balkonahe. Pero nakatitig siya sa amin, nag-aabang kung hihingi kami ng tulong sa kaniya, pero hindi na rin nagtagal ay tumulong na rin siya para makaupo ako ng ayos sa upuan.

"I'm fine here, thank you." Sabi ko sa kanila na may matamis na ngiti sa aking mga labi. "You can have your break. I'll call if I need something."

Nagkatinginan silang tatlo.

"A-are you sure, Madame?" Tanong ni Lottie. May pag-aalangan doon.

"Yeah, I am very sure."

Sa huli ay wala na rin silang magawa kungdi gawin ang gusto ko. Si Rowena naman ay nagsabi na babalik daw siya para sa tanghalian.

The Heir's Bride | On Going | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon