Hindi pa rin makapaniwala si Faye sa naging desisyon ni Yoko sakanyang ipinahayag. Oo at nabunutan siya ng tinik sa lalamunan ngunit hindi pa rin niya maiwasang ma-overwhelmed sa napakabilis na pagdedesisyon nito.Ba't hindi ka nalang maging masaya? Hindi ba't diyan naman nakasalalay ang matamis na oo ni Mr. Kim Nawa?
Naalala niya ang naging pag-uusap nila ng assistant nitong kababayan.
"Miss Peraya, Mr. Kim Nawa Would like you to know that he likes your proposal a lot. But you should know that he's very conservative yet he respect you for being .. You know what I mean. He heard the news that in no time, Your father would give the presidency of the company to you. And he doesn't have confidence in leaders who are single to be running a company. Para sakanya kase mas responsable ang mga taong pamilyado. And because of that, he's giving another company who also wants to have business with him a chance.''
"Teka masyado naman yatang unfair yan , Kasalanan ko bang single ako? I mean---Aaah !" Faye hopelessly ranted. Huminga nalang siya ng malalim.
"I'm sorry , but you have no other choice kundi ang paagahin ang pagpapakasal ninyo ng nobya mo. Nalaman ko na may nobya ka raw. Pasasaan ba't sa kasal din yan mauuwi. Wag mo na lang patagalin pa kung gusto mo talagang makuha ang deal na 'to with Mister Kim Nawa.'' payo nito sa kanya.
Mabuti nalang pala at hindi pa kumakalat sa opisina nila na nagbreak na sila ni Jennie. Palibhasa, hindi naman kase masyadong isyu doon ang relasyon nila. Bihirang-bihira lang kung pumunta si Jennie sa opisina kaya naman hindi pa ito nakikilala ng marami. Ang tanging alam lang nila ay may nobya siya. Mas kilala pa nga ng mga empleyado si Yoko. Madalas kasi itong bumibisita sa kanya noong sila pa ni Jennie.
An Idea struck her.
Si Yo ! Oo si Yoko! Siya ang makakatulong sa akin sa sitwasyong ito..
Pagkatapos ng pagbabalik-tanaw ay napabuntong-hininga si Faye. Umoo na si Yoko sa kanya. That meant, she would be able to seal the deal with Mr. Kim Nawa, Then everything would be all right. But why she feel uneasy?
Bakit ba kase ang bilis-bilis niyang umoo? Tanong niya sa isip.
Di ba nga kase raw mahal ka niya? Napailing-iling siya sa sagot na iyon.She had know that the answer would complicate things sooner or later. But she had no choice, She needed Mr. Kim Nawa's Approval or else, it might affect her father's decision of turning over the presidency to her. Naisip din niyang mas makakabuti sa kanyang reputasyon kung magpapakasal na siya kaysa maunahan pa siya ng balitang hiwalay na sila ni Jennie. Hindi bale nang ibang babae ang pakakasalan niya, Tutal ay hindi rin naman masyadong kilala ng mga tao si Jennie. She heavily sighed.
___
"What ?! nababaliw kana ba Yoko ,ha ?!"Singhal sakanya ng Tito niya pagkatapos ipaalam dito ang plano nilang pagpapakasal ni Faye. Napaghandaan na ni Yoko ang maaaring maging reaksiyon nito kung kaya alam na rin niya ang mga isasagot sa kapatid.
"Tito, nasa tamang edad na ako, Okay?'' Alam ko nang ginagawa ko,'' Aniya pagkatapos ay pasalampak na umupo sa sofa ng bahay ng mag-asawa.
Nagpakasal na sa huwes ang Tito niya at si Jennie na ngayon nga ay nakatira na sa bagong bahay. Samantalang siya ay naiwan sa bahay nila kasama ang yaya niya mula pagkabata na si Yaya Minda.
"Iyon na nga eh! Nasa tamang edad ka na and yet you're still making decisions like a child!'' Naihilamos pa ng Tito niya ang kamay sa mukha tanda ng pamomroblema nito sakanya.
"I'm already Twenty-six, Tito, Okay? Kaya hayaan mo na ako sa mga desisyon ko.'' giit pa niya.
"Hinahayaan kita sa mga desisyon mo kung alam kong ikabubuti mo, gaya noong nagtayo ka ng boutique sa mall, pero hindi sa pagkakataong ito,Yoko Apasra, Definitely not this one." iiling-iling pang turan nito.
BINABASA MO ANG
Fairytale of You
FanfictionFrom original version of Rastro fanfic (last year: heartbreak) YES! I am the same author.