Pabiling-biling ng higa si Faye, Hindi siya makatulog .Hanggang ngayon ay nagpupuyos ang kanyang damdamin.
"I love you.'' narinig niyang turan ni Yoko bago pa sila magpasyang matulog.
I love you too.
Nais niya sanang isatinig ngunit wala siyang lakas ng loob para sumakay sa alab na nararmdaman ng kanyang puso. Bakit ? Dahil hanggang ngayon ay batid niya ang ugnayan nito kay Anda.
Hindi nga bat lihim pa rin nagkikita ang mga ito?"Hindi ka rin ba makatulog?"
Bahagya pa siyang nagulat nang magsalita ang kanyang asawa.
"Maalinsangan ang gabi. Kung kaya't hindi ako agad dalawin ng antok." alibi niya.
Ang totoo ay hindi siya makatulog dahil halos mahulog na siya sa kama para lamang hindi madikit rito. Pakiramdam niya kase ay nakukuryente siya sa tuwing dumudikit sa kanya ang makinis at malambot nitong katawan.
Hindi nga bat nang yakapin siya nito kanina ay halos gantihan niya ito ng halik at yakap. Kundi lang siya marahil nagtitimpi ay marahil nauwi sa pagniniig ang pagpupuyos nang naninibugho niyang damdamin.
Liwanag ng sikat ng buwan ang tumama sa kanilang kama nang mag-asawa ng buksan ni Yoko ang bintana ng kanilang kuwarto.
"Baka gusto mong magpahangin nalang muna. Binuksan ko ang bintana para kahit paano mawala ang alinsangang nararamdaman mo.
"Salamat, bamalik kana sa pagtulog."
"Faye, may problema ka ba? Tila may gumugulo sayo."
Ikaw ang problema ko.
Ginugulo mo ang nararamdaman ko. Ang puso ko."Wala , sige na matulog ka na, maya-maya ay susunod na rin ako."
"Hindi bat gusto mo akong makausap kaninang umaga. May sasabihin ka ba ?" pangungulit pa rin nito.
Mariin siyang napapikit. Hindi ba talaga siya titigilan nito?
"Kalimutan mo nalang, hindi pa ako tiyak sa bagay na iyon kaya kalimutan mo nalang muna."
Lumapit muli sakanya si Yoko na tila hindi naniniwala sakanya,hinaplos nito ang kanyang pisngi saka nagsalita.
"Hindi mo kailangan itago sakin kung ano man yan. Alam mong gagawin ko ang lahat mapagaan lang kung ano man yang gumugulo sayo."
Pagkatapos non ay dinapian siya nito ng isang mabilis na halik sa mga labi. Natigilan siya sa ginawang iyon ng asawa.
"Magpahinga ka na rin, goodnight. I love you." Muling turan nito pagkatapos.
Akmang tatalikod na si Yoko nang pigilan niya ang asawa . Hinawakan niya ang mga kamay nito upang hindi agad makalayo ang distansya sakanya at mabilis niya itong siniil ng halik.
___
De javu'
Parang ganito-ganito ang gabing unang may nangyari sakanila ng asawa Parang naulit lang ang pangyayari. Ang kaibahan lang ay marahan at maingat ang mga galaw nito.
At sa pagkakataong ito ay hindi naging mapusok ang halik ng asawa. Puno ng pinong pamamaraan ang paghalik nito, ang pagnanasa niya sa asawa ay agad na lumukob sa kanya kaya naman tinugon niya ang malambot nitong mga labi.
She wants more.
Nangunyapit siya sa batok ng asawa at marubdob na tinugon ang mga halik nito.
Tila nga naman hindi nasisiyahan ang asawa sa kabit nito. Oh well, She's Yoko. Kailangan niyang mahigitan ang ginagawa ng kabit nito gaya ng una niyang plano.
BINABASA MO ANG
Fairytale of You
FanficFrom original version of Rastro fanfic (last year: heartbreak) YES! I am the same author.