7. JEALOUSY

281 10 1
                                    

Hindi inaasahan ni Yoko ang biglaang pagbisita ni Anda kinabukasan.  Hindi naman kasi ito nagpasabi na pupunta nang araw na iyon. Gayunman ay maglugod niya pa rin itong tinanggap . Iniwan na sila ng ina ni Faye habang  nag-uusap sa sala. Tumulong na muna ito kay Manang Mercedes sa pagluluto sa kusina.

"Salamat naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko, Anda. Wala kasi akong masyadong ginagawa dito sa bahay at saka hindi ko rin naman kasi kailangang bisitahin ang boutique ko araw-araw.''

"Yeah, wala rin kasi akong pinagkakaabalahan ngayon masyado . I'm just planning to relax and have fun bago ako magsimulang pumasok sa kompanya ni Papa.'' Anito habang pasalampak na umupo sa sofa.

"Really? Ikaw, magttarabaho sa kompanya ninyo? Eh di ba , tutol ka sa ideyang iyan noon?'' Bulalas niya.

"Iyon nga eh , Kaya gusto ko munang mag-enjoy bago ako pumasok sa boring life ng pag-oopisina.''

Tinawanan ni Yoko ang hitsura ni Anda na parang bata ng inagawan ng candy.

"Eh, bakit nga ba bigla kang napapayag diyan?''

"Si Dad kase , dinadramahan ako. kesyo nag-iisang  anak lang daw ako. tapos wala pa kong pakialam sa kompanyang pinaglaanan niya ng dugo't pawis, Saka I just realized that he's getting old kaya kailangan na niya talaga ng back-up.''

"Mabuti at tinubuan ka rin ng konsiyensiya sa wakas." Tudyo ni Yoko sa kaibigan.

"Uy , ikaw, Yoko Apasra ha huwag mong isiping por que close tayo eh hindi na kita papatulan sa pambubuska mo diyan! '' Pakikisakay nito.

Ilang saglit din silang nagkulitan ni Anda. Sa Kanila na rin ito kumain ng tanghalian para mas matagal daw ang bonding nila na mas ikinasaya naman nito.

____

Hindi mapakali si Faye sa kanyang opisina habang may niri-review siyang business deal. Hindi na naman siya tinawagan ni Yoko.

Dati-rati naman, bago ang eksaktong alas-dose , eh , tumatawag na siya sakin. Mag-aala-una na ngayon ah! Pagmamaktol niya.

Bakit hindi ka ba makakakain kung hindi ka niya paaalalahanan? Tudyo naman ng isang bahagi ng kanyang isip. Ipinilig na lang niya ang ulo para tanggalin ang mga isiping iyon.

Nang sumapit na ang ala-una ay hindi na niya napigilan pa ang sariling tumawag sa bahay. Nangangati na kasi ang kamay niyang abutin ang telepono. Hindi na rin niya pinahirapan pa ang sariling sagutin ang katanungan kung bakit hindi siya mapalagay nang hindi niya naririnig ang boses ni Yoko nang tanghaling iyon. She was amazed at how Yoko had been affecting her these past few days. Dati-rati ay pulos si Jennie at ang panloloko nito ang nasa isip niya, Pero ngayon, Si Yoko na ang gumugulo sa utak niya.

Narinig ni Faye  na may sumagot na sa kabilang linya kaya agad na siyang nagsalita.
"Hello, Yooo..'' Aniya kahit hindi pa nagsasalita ang nasa kabilang linya.

"Ay! hindi po ito si Yoko Ma'am!" Sagot ni Manang Mercedes.

Ilang segundo rin siyang napatigil at nanlumo. She was expecting that Yoko would be the one to answer the call since she was just home.

Tingin mo kasi, atat na atat siya sa'yo para abangan pa niya talaga ang telepono sa pag-asang tatawag ka., na kahit kailan ay hindi mo naman ginawa, sita na naman ng parteng iyon ng kanyang utak.

"Nasaan po pala si Yoko?''

"Nasa kusina pa po. May bisita po kasi siya kumakain pa po sila."

"Sinong bisita?''

"Hindi ko po naalala yung pangalan eh, basta babae po.''

Para siyang nagka-alta-presyon sa narinig.

"Kanina pa ba iyan diyan?''

Fairytale of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon