I : I NEED YOU TO MARRY ME

2.6K 23 7
                                    

"Hi." Bati ni Yoko kay Faye.

Nakaupo ito sa swivel chair habang nagbabasa ng mga papeles na nasa mesa nito. Napaka ganda nitong tingnan sa suot na pang-opisina. From her jawline to her nape, it was breathtaking, balikat palang nito ay pang Retro magazine na.

Hmm.. Lalo ka lang gumagwapo este gumaganda sa paningin ko. Ang sarap mo talagang papakin! Pilyang sabi niya sa isip.

Hindi niya alam kung bakit pinapunta siya sa opisina ni Faye but still, she's happy to do so. Kung hindi nga lang masyadong pathetic ang dating ay nag-apply na siya bilang sekretarya nito para lang makita araw-araw ang babaeng nagpabaluktot sa kanyang pagkababae.

Sa kasalukuyan ay si Faye ang COO ng AMOR HOTEL AND RESORT na pag-aari ng pamilya nito, Habang ang ama naman nya ang tumatayong CEO. Hindi magtatagal ay si Faye na ang papalit sa puwesto ng ama nito dahil malapit nang magretiro ang huli.

"Please sit down.'' Seryosong saad ni Faye, sabay muwestra sa upuan na nasa harap ng mesa nito.

Agad naman siyang umupo bago nagsalita.
"Thank you. Bakit mo nga pala ako pinapunta rito? Kahit anong isip ko eh, wala talagang pumapasok sa utak ko kagabi kung bakit bigla-bigla yata ang pagnanais mong makipagkita sa'kin. Samantalang noong huli tayong magkita ay halos ipagtabuyan mo' ko. It's unusual, you know?'' Kibit-balikat pa ni Yoko.

Huli silang nagkita ni Faye ay noong pinuntahan niya ito sa bahay. Tumawag siya sa bahay nito para kamustahin sana, nalaman niya mula sa kasambahay na lasing na lasing daw ang amo nito kaya nagmadali agad siyang puntahan si Faye. Pinipilit ni Yoko na bihisan at punasan para mahimasmasan ngunit panay naman ang sigaw nito sa kanya na umalis na siya.

Sa kanya ibinuhos ni Faye ang galit na nararamdaman nito na animo ay siya ang may nagawang kasalanan. Ngunit ipinagsawalang-bahala niya iyon. Alam kasi niyang kailangan ni Faye nang mapaglalabasan ng sama ng loob, Hinding-hindi niya iyon ipagkakait sa taong minamahal niya, higit kanino man.

"I want to dicuss something important with you, kaya dito na kita pinapunta sa opisina.'' Seryoso at walang ganang sagot ni Faye.

Matagal nang nararamdaman ni Yoko na iniiwasan siya nito at lalo pa iyong lumala dahil sa atraso ng Tito niya.

"What is it about then ?''

" I need you to marry me,'' Walang kagatol-gatol na pahayag nito habang deretsong nakatitig sa kanya.

Sukat sa sinabi ni Faye ay napanganga ang bibig niya at ilang saglit din siyang natulala.

Si Faye, pakakasalan ako? Magugunaw na ba ang mundo o sadyang iba lang ako kung suwertihin ngayong araw? Hindi makapaniwalang tanong niya sa isip.

"Did I hear you right, P'Fai ? Tanong ni Yoko. Punong-puno pa rin ng pagtataka ang kanyang maamong mukha.

"Yes." walang kaabog-abog na sagot nito.

Hindi pa rin humuhupa ang kanyang pagkagulat. Tinitigan pa niya nang maigi ang mukha ni Faye sa pag-aakalang nagbibiro lang ito. Ngunit napakaseryoso ng aura nito kaya unti-unti ay pinaniniwalaan na niya ang sinabi nito. Ilang saglit pa at napupuno na ng hindi maipaliwanag na kaligayahan ang kanyang dibdib.

"I'll give you time to think about it. The whole afternoon today. Then let's meet for dinner.'' Kampante nang nakasandal ang likod ni Faye sa backrest ng swivel chair, hindi kagaya kaninang animo ito ang presidente ng Pilipinas at maglulunsad ng giyera sa paraang ng pagkakaupo.

Gustong matawa ni Yoko sa sinabi ni Faye. All the time to think? and yet, she only gave her the whole afternoon to do it. Kung hindi lang siya sigurado sa isasagot dito o kung ibang babae marahil ang kausap nito ay talagang mababaliw siya sa napakaikling panahong ibinibigay ng nito para pag-isipan ang isang napakaimportanteng bagay na nais nitong mangyari.

Fairytale of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon